Seventh.
"Ehem."
Napabitiw kaming dalawa sa pagyakap. Medyo malapit narin pala kami sa room. Tiningnan ko si Blake. Naka tingin sya kay Charlie. Nakapamewang pa ang bruha. "Whut iz the meaning of diz?" Muka syang nanay ko na nagaabang sa pag-uwi ng unica ija nya.
Tumawa na lang ako kahit na medyo kakagaling ko lang sa iyak, "Wala yun bru! Kinocomfort lang nya ako. Alam mo naman." Tiningnan ko ulit si Blake. Mukang natakot ata kay Charlie Jade. hahaha.
Sumabat naman si Bru, "Kelan pa naging comforter si Blake? aber?" Sabay taas ng isang kilay nya. Alam kong di naman seryoso ang bruha. Ano bang nakain neto?
Tinawag ko sya, "Blake." Parang narealize nya na nag-spaspace out na sya. "Sorry," Yun lang nasabi nya. Hala? Bat sya nag-sosorry?
Ngumiti nalang ako sakanya at gets nya na yun. Pumasok na sya sa room para magbihis.
"Hep! Hep! Hep! San ka pupunta? kelangan ko ng explaination galing sayo! Anong ginawa mo kay Kate?" Sinusundan nya si Blake.
Putek, Charlie! Ano bang trip neto. Pero sa totoo lang, natatawa ako. Purpose yun ng aking bestfriend. Ang mapatawa ako at para maging light yung mood. That's why I love her.
--
Tapos na ang nakakapagod na araw. Over all, may 2 talo na ang basketball boys namin. walang talo ang basketball girls. at 2 talo din ang volleyball girls. Hay. Kakayanin namin to! PUSH NATIN TO BLUE TEAM.
5:00 PM na pala, sabi nga pala ni Pauline na magsta-stay muna kami sa room para mapag-usapan at ma-finalize yung talents namin. Saktong pagdating ko sa room, andun na silang tatlo. Basically, ako na lang ang hinihintay. Kakahiya! Haha.
Nakita kong nagpapaint na si Pauline. Kasi ang talent pala ni Blake ay ii-interpret nya lang yung song na 'Nasaan Ka Na?' Tapos parang nasa Youtube video si Blake. At yun yunt frame na ginagawa ni Pau.
Nung nakita na nya ako, umalis sya dun at nag-take over si Blake. Si Patrick naman, ayun busy sa mga ibang bagay. Di ata maistorbo.
Binigyan ako ng isang papel ni Pau at ang kanyang cellphone. "Yan, pag-aralan mo na yung kakantahin mo. Ayan yung lyrics at eto yung music. Love Song ni Sara Bareilles."
"Ha? Hala. Di ko alam yan! Baka mahirapan ako." sabi ko sakanya. Bakas sa tono ng boses ko yung pag-aalala. Di ko talaga alam yun.
"Kaya nga pag-aaralan mo eh? Diba? Kaya mo yan! Tutulungan naman kita e." Sabihin na nating civilized person si Pauline. Pero maloko din yan ah. One of the boys nga yan e. Pag seryoso, seryoso talaga yan.
"Okay, sige sir! Aaralin na." Sandali kong binasa yuny lyrics at pinlay yung music. Pero sadyang umandar na naman yung pagkakulit ko at tumulong pa ako kay Blake. Tawanan lang kami kasama na namin yung dalawa. Kwentuhan about sa mga nangyari sa mga nakalipas na araw. Pag napagod kami, lalaro lang kami ni Blake ng Tekken 6 dahilan para mapagalitan ako ni Pauline. hohoho.
"Nagugutom na ko." pagrereklamo ko sakanila.
"Oo nga e." sagot naman ni Blake.
"Libre mo kami, Pat?" dahilan para makuha ang atensyon ni Buenviaje. Good job, Pau!
Hindi sya umimik, instead, kinuha nya yung bag nya at naglabas ng pagkain. "Pre, di masyadong handa?" Namangha si Blake e. Kinuha nya na at nagsimula kaming kumain.
Dahil kinabahan na ko, lumayo muna ako sakanila at nag-practice na ng aking kakantahin.
"Head under water and they tell me
To breathe easy for awhile.
The breathing gets harder, even I know that.."
Tumigil muna ako sa pagkanta at nag-try i-memorize. Hanggang sa nag-move na ko.

BINABASA MO ANG
Hindi Mo Pansin (Editing)
RomanceHindi mo pansin. Ang ano? Lahat. Ang wagas kong pag-ibig sayo.