CHAPTER 1
"BAKIT sa tingin mo ay hindi pa nakikita si Nykyrel Guzmano sa labas ng bahay niya o sa kahit na anong gusali simula ng i-take over niya ang pamamahala sa kompanya ng ama niya?" Tanong ng Editor-In-Chief ng Business Today Magazine kay Lechel.
Nagkibit-balikat si Lechel. "Ano naman ang paki ko kung ayaw lumabas ng lalaking 'yon sa lungga niya?" Pagtataray na balik tanong niya. "May mas marami pa tayong importateng pinag-uukulan dapat ng pansin. Nykyrel Guzmano hates going out. Period."
Ano naman ang kinalaman niya sa lalaking 'yon? She write article about different foods in Philippines. And last time Lechel checked, hindi pagkain si Nykyrel Guzmano. He's nothing but an old weirdo.
Bumuntong-hininga si Mrs. De Leon, ang Editor-In-Chief. "Ms. Lechel De Villa, that's why you are here, I want you to know the reason behind his aloofness to the world outside his mansion. Wala akong pakialam kung ayaw niyang lumabas sa lungga niya, ang gusto ko malaman ay kung bakit."
Lechel fought not to roll her eyes. "Ma'am, napaka-imposible po nang pinapagawa niyo. Ilang Journalist na ba ang ipinadala niyo para alamin ang sekreto ng lalaking 'yon? Wala pa pong nagtatagumpay na gawin ang pinapagawa niyo."
Hindi takot si Lechel na sagutin ang Editor-In-Chief dahil auntie niya ito. Pero sa loob ng opisina, kailangan tawagin niya itong ma'am bilang pagrespeto sa posisyon nito sa opisina.
Mrs. De Leon sighed. "I know, Lechel." Makahulugan itong ngumiti sa kaniya. "Hindi mo ba gagawin kahit pa promotion mo ang pag-uusapan natin kapag nagtagumpay ka? No writing about food anymore."
Umawang ang labi niya, malalaki ang mga mata niya. "Totoo? Walang halong biro?" Lechel was agitated.
Matagal na niyang gustong ma-promote, ito na ang pagkakataon niya. This is her opportunity. This is her chance to prove herself that she can do the impossible.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at ngumiti ng malapad. "Makakaasa kayo sakin, ma'am."
Sumaludo pa siya bago lumabas ng opisina ng Editor-In-Chief.
Excited na siyang simulan ang bago niyang assignment. At iyon ay alamin ang sekreto ni Nykyrel Guzmano at ibunyag iyon sa publiko. Pagkatapos ay makukuha na niya ang promosyon na pinakahahangad niya.
Lechel wanted this promotion badly. She will move heaven and earth just to be promoted.
Nang makarating sa cubicle niya, naroon na ang matalik niyang kaibigan, naghihintay sa kaniya. Alam niyang tsismis na naman ang pakay nito dahil sa pagkakaalam niya, sampong cubicle ang layo nito sa cubicle niya.
"Hey, Lechel, dear." Nakangising bati sa kaniya ni Jan Irish, ang matalik niyang kaibigan na tsismosa at may tupak yata sa ulo. "Bakit ka pinatawag?"
Umupo siya sa kaniyang swivel chair at nakangiting tumingin kay Jan Irish. "New assignment."
Mahinang tumili si Jan Irish. "Wow. It's been a long time since you were given a new assignment. Alam kong nasa food department palagi ang article na pinapagawa sayo." Maarteng pumilantik ang mga daliri nito sa hangin. "Anyhow, ano ang new assignment mo?"
Lechel's smile never faltered. "Interview with Nykyrel Guzmano."
Kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Jan Irish at naawang tumingin sa kaniya. "Oh, my poor best friend." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Good luck to you."
Kumunot ang nuo niya. "Ha? Bakit good luck sa'kin?"
Pinaikot ni Jan Irish ang mga mata. "Lechel, Nykyrel Guzmano is like a Phantom in the Dark. He never leaves his house, he doesn't have maids, he's rotten old man and he smells like shit."
BINABASA MO ANG
TDBS2: Wicked Encounter - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)
General FictionSYNOPSIS: Nykyrel Guzmano was like a phantom. He hides away from the shadows and control people from the dark corner of his huge mansion. He's the owner of Guzmano Corporation yet nobody had seen him, not even his shadow. Some believed that he was a...