CHAPTER 13

835K 18.6K 1.5K
                                    

CHAPTER 13

BEING with Lechel is amazing. Nykyrel found it hard to believe that a woman could make him happy like this. Gusto niyang manatili nalang silang dalawa sa loob ng mansiyon niya pero alam niyang hindi iyom gugustuhin ni Lechel.

She's a free woman who likes being outside and mingling with people. At hindi niya pipilitin ang dalaga na manatili sa mansiyon kasama siya. Ang gagawin niya, siya ang sasama rito sa labas ng mansiyon niya.

Maybe it's time to go out and face the world. Magiging maayos lang siya, kasama naman niya si Lechel.

At para mas ma-motivate pa siya lalo, tinawagan niya si Daniel, and Executive Assistant niya.

Simula ng magtrabaho ito sa Guzmano Company, ito ang unang beses na tatawagan niya ang lalaki.

"Good afternoon. Daniel Mendoza speaking, how may i help you?"

Napangiti siya. His ever efficient assistant.

"Daniel, t-this is Mr. G-Guzmano." Tumikhim siya bago nagsalita ulit, "tell t-the Board that I'll see t-them i-in a month."

Halata sa katahimikan ni Daniela ang gulat. It took him a minute before he spoke. "Yes, boss."

Pinatay niya ang tawag at huminga ng malalim. He did it. Now it's time to do what Lechel said, fight his own demons and force them out of his system.

Easy said than done.

Nykyrel sighed in contentment a slender arm hugged him from the back. Alam kaagad niyang si Lechel iyon dahil sa amoy nito. God. This woman made him do strange things.

"Hey, handsome." Hinalikan nito ang leeg niya, "ang aga mo yatang magising."

"Yeah." Humarap siya rito saka siniil ng mainit na halik ang mga labi ng dalaga. "M-may ginawa a-akong imporante e."

Tumaas ang isang kilay nito. "Ano naman 'yon? Puwede ko bang malaman?"

Nykyrel looked at Lechel funny. Alam ba ng babaeng 'to ang epekto nito sa kaniya?

"Babe," niyakap niya ito sa beywang, "you k-know you can a-ask anything."

May emosyong dumaan sa mga mata nito at alam kaagad niya kung ano 'yon. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang misyon nito kung bakit inakyat nito ang gate ng bahay niya.

Maliban sa disorder niya, ang totoong pakay nito sa kaniya ang kinatatakutan ni Nykyrel.

Yes, Lechel is sweet and understanding. But he can't keep asking why... why is she doing to this? Para ba makakuha ng impormasyon tungkol sa kaniya? Ano pa ba ang gusto nitong malaman? She already knows too much, enough to make him a laughing stock in the Business World.

Ang pinagtataka niya, bakit hindi pa nito pinagkakalat ang impormasyong nalakap nito tungkol sa kaniya?

He can't keep thinking that maybe ... maybe she felt something for him. O baka nagi-guilty lang ito.

Tumayo ng tuwid si Lechel saka ngumiti sa kaniya. "Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko sayo kagabi?"

Iyon lang ang laman ng isip niya buong magdamag. "Oo. I decided to give it a try."

Mas lumapad ang ngiti sa mga labi nito. "Salamat at pumayag ka. Hahanapan kita ng magaling na Therapist at Psychologist!" She beamed happily at him, Nykyrel was happy to see Lechel like this. "And in no time, magiging maayos na ang pagsasalita mo. Tapos makikilala ka na ng buong mundo."

Lumakas ang tibok ng puso siya. Fear consumed him again, sa pagkakataong ito hindi niya iyon hinayaan na lamunin siya. Nilabanan niya ang takot na nararamdaman at ngumiti kay Lechel.

TDBS2: Wicked Encounter - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon