CHAPTER 3
LECHEL was beyond pissed! Pagkatapos siyang ideposito ng hinayupak ng lalaking 'yon dito sa silid, iniwan siya at hindi man lang bumalik para magdala sa kaniya ng pagkain. Nagugutom na siya, nanlalagkit ang katawan dahil hindi pa siya naliligo at masakit ang paa niya na kinagat ng hayop na 'yon na pag-aari ni Nykyrel Guzmano! Just the man she wants to see.
Pero anong ginawa ng kumag na 'yon? He couldn't even feed her!
I am mad! She fumed.
Paika-ika siyang lumabas ng silid. Bubulyawan talaga niya ang lalaking yon kapag nagkita sila. Isang araw na ang nakalipas mula ng iwan siya ng lalaking 'yon sa kuwarto.
Ngiwi siya ng ngiwi sa bawat hakbang niya. Nang makarating siya sa kusina ng mansiyon, wala roon ang binata. Good. Kasi nagugutom na siya. Baka hindi siya matunawan kung naroon ito.
Nagtungo siya sa refrigerator at natigilan ng may mabasang pangit na sulat kamay sa isang bondpaper na nakadikit sa pinto ng ref.
Tinanggal niya sa pagkakadikit ang bond paper saka binasa ang nakasulat.
Witch of a woman,
Don't you dare eat my foods inside! If you do, there's a pen and paper in the island counter, write down every food that you have eaten. Why? Because you're going to pay for it. *Imagine me smirking* Now, be a good witch and return to your fucking room!
P.S. i already injected you the first vaccine of anti-rabies. May natitira pang dalawang injection para hindi ka bigla nalang kumahol tulad ng aso ko. *smirking again* but it would be such a pleasure for me if you leave my mansion right now. Don't go back or my dog will be biting that other delectable leg of yours.
-N.G.
Lechel glared at the letter. That jerk! Akala siguro nito basta-basta siya mapapaalis? Well, he should think again! Aalis lang siya rito kapag na-interview na niya ito.
I will have that interview! Damn it!
Binuksan niya ang refrigerator at kumuha roon ng isang slice na cake at isang basong fresh milk. Yan lang ang tanging pagkain na naroon, ang iba ay puro na mga beer at iba pang uri ng alak.
Before leaving the kitchen, she made sure to write some nasty curses on the paper lying on the island counter.
Nakangising bumalik siya sa kuwarto niya. Masaya siya sa ginawa niya. Akala siguro ng lalaking 'yon susundin niya ito. Hmp! Mamamatay muna ito bago mangyari iyon.
Nykyrel's handsome face crossed her mind. Sayang ang guwapo pa naman niya. Wala nga lang modo saka ang sama ng ugali. Anong klaseng tao ang gugutomin ang bisita niya? Well, she's not really a visitor. Inakyat niya ang gate ng bahay ni walang modo.
That doesn't make her a visitor. Isa siyang bwesita.
Lechel gasped, and then rolled her eyes. Kahit na isa siyang bwesita, hindi pa rin tama ang inaasal ng lalaking 'yon. Hindi talaga!
Umupo siya sa gilid ng kama saka kinain ang kinuha niya sa ref. Speaking of ref, napangisi siya.
Ano kaya ang reaksiyon nito kapag mabasa ang isinulat niya sa papel na iniwan nito sa island counter? Lechel giggled evilly. Oh, she would like to see his angry face.
NAGTUNGO si Nykyrel sa kusina para kumuha ng makakain. He's starving. Buti nalang may natira pa siyang cake sa ref. He actually saves it for himself, in case he gets hungry.
Napatitig siya sa pinto ng ref. He smirked when he saw his note nowhere to be seen. Mukhang nabasa na nang babaeng yon ang sulat niya. Good.
BINABASA MO ANG
TDBS2: Wicked Encounter - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)
General FictionSYNOPSIS: Nykyrel Guzmano was like a phantom. He hides away from the shadows and control people from the dark corner of his huge mansion. He's the owner of Guzmano Corporation yet nobody had seen him, not even his shadow. Some believed that he was a...