CHAPTER 9

846K 21.2K 3.1K
                                    

CHAPTER 9

MASAYANG nagluluto si Lechel ng hapunan nila habang si Nykyrel naman ay hindi iniiwas ang tingin sa mukha niya na para bang may kakaiba sa kaniya. Binalingan niya ang binata at nahuli niya itong nakatingin sa kaniya. Confusion held his eyes.

"Bakit ka nakatingin sakin ng ganyan?" Tanong niya.

Kumunot ang nuo nito. "N-Nakatingin sayo n-nang?"

"Nakatingin sakin na para bang isa akong salita na mahirap ispilingin."

"You j-just m-made me c-confuse, Lechel." Anito. "You left a-and then you're b-back. What t-the hell are you t-thinking?"

Parang may kumurot sa puso niya. "Ayaw mong bumalik ako rito?" That hurts. "Akala ko ayos lang na bumalik ako. May dalawang injection pa ako ng anti-rabies diba?"

Nykyrel grimaced. "'Yan a-ang dahilan ng p-pagbalik mo? You c-can get t-the anti-rabies in any H-hospital in the country. Why c-come back?" He sound harsh and it hurts her.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Kung ayaw mong narito ako, magsabi ka lang."

"W-why, because y-you a-already get what you w-want from m-me?" Puno ng pait ang boses nito. "Bakit ko ba n-nakalimutan n-na isa k-kang Journalist na narito sa b-bahay ko p-para m-makakuha ng tsismis."

"That's it!" Tumaas ang boses niya sa inis dahil sa inaasal nito. She gritted her teeth and glared at Nykyrel. "Alam kong puno ka ng insecurities sa katawan." Dinuro niya ang dibdib nito. "Alam kong wala kang tiwala sa sarili mo. Alam kong mababa ang self-esteem mo pero huwag na huwag mong ibabaling sa akin ang frustrasyon mo sa buhay! Bumalik ako kasi gusto kitang makasama. Sapat na ba 'yon?"

Shock was written on his face as he looked at her with wide eyes. "Y-you came b-back f-for me?"

Inirapan niya ito. "Malamang! Ano naman ang babalikan ko sa bahay na 'to kundi ikaw?"

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito saka tinawid ang pagitan ng katawan nila at niyakap siya. Bumuntong-hininga siya saka niyakap din ito.

"Nakakainis ka, alam mo 'yon?" Kinurot niya ito sa tagiliran. "You assume too much and i hate that attitude of yours."

"I'm s-sorry." Lumapat ang labi nito sa balikat niya at nakaramdaman siya ng nakakakiliting sensasyon. "A-akala ko h-hindi k-ka na babalik."

Pabiro niyang tinampal ang likod nito. "Puro ka akala, maling akala naman." Kumawala siya sa yakap nito at napagdesisyunang sabihin dito ang pinaggagagawa niya buong maghapong wala siya. "So, ahm, i consult a psychiatrist and a therapist. Tinanong ko sa kanila ang kondisyon mo. Don't worry, hindi ko pinaalam sa kanila ang pangalan mo-"

His face instantly darkened. "At sino ka para gawin 'yon?" His voice was icy cold, it made her shiver. Para itong bomba na bigla nalang sumabog. "Wala kang karapatang pakialaman ang buhay ko! Oo nga at tanggap kita sa bahay na ito at sa buhay ko pero hindi kita binigyan ng karapatang panghimasukan ang desisyon ko." Binitiwan siya nito at humakbang palayo sa kaniya. "You can stay in your room. And next time, stop being nosy."

Umalis ito sa kusina at iniwan siya. Mahina siyang natawa. Funny. He didn't stammer.

Tama ang sinabi ng Psychologist at speech Therapist na nakausap niya. Speech or speaking disorder is a rare case. Hindi iyon mahirap gamutin. Kailangan lang may mahaba kang pasensiya at pag-unawa. Those person who have that kind of disorder doesn't stammer when they are relax while speaking, when they at ease. And also, when they're emotions flared up, just like earlier. He was mad. At hindi ito nautal ni isa.

TDBS2: Wicked Encounter - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon