CHAPTER 34: JUST FOR A DATE (PART 1)

118 5 2
                                    

Chapter 34: Just for a Date (Part I)

Xia's POV

Ang sarap naman ng panaginip ko may yakap-yakap daw ako na teddy bear tapos ang fresh pa nung hangin sa paligid. Ang sarap naman sa feeling na pagkatapos kong umiyak, nakatulog ako ng maayos--- *toink* Teka nga, nananaginip lang pala ako! Ugh, tumama yung noo ko sa kung anong bagay. Pinilit kong imulat ang mga mata kong mugto.

"Yung kamay ko! Waaah! Bakit hindi ko maigalaw?" medyo nakapikit pa rin ako, pero sigurado akong nakagapos ako ngayon sa isang poste---

"Sorry, nagising pala kita. Di bale, malapit na naman tayo." Biglang nagsalita si... Errol?

"Ho-hoy! Ba-bakit nakatali ang kamay ko? Bakit ako nakagapos sa katawan mo?!" napasigaw ako, nawala ang antok ko. Nakatali ako habang umaandar ang motor!

"Ah, iyan ba? Itinali ko muna para hindi ka malaglag sa byahe. Tulog na tulog ka kasi kanina, kahit anong gawin ko, hindi ka magising, eh gabing-gabi na at kailangan na nating umuwi, mahirap matraffic." Sabi nya ng mahinahon.

"Walanjo ka! Ginawa mo naman akong mukhang ewan! Anong tingin mo sa akin? Jacket na pwede mong itali sa katawan mo? Jusme! Tanggalin mo na nga 'to!" natatawa pa sya.

"Sus. Nasarapan ka nga sa pagyakap sa akin eh. Nagsasalita ka pa habang tulog. Hahaha."

"At ano namang sinabi ko?" shocks, wag naman sana nakakahiya yung lumabas na salita sa bibig ko nung natutulog ako. Huhu.

"Ah, sabi mo lang naman 'Payakap pa baby! Ang cute mo talagaaaa!' yan. Hahaha. Talaga bang ang cute ko sa panaginip mo, Lablab?" patuloy pa rin sya sa pagtawa habang ako, nakasimangot na at namumula. Sinabi ko po ba talaga 'yun? Huhu.

"Ang... ang kapal mo naman! Teddy bear kaya yung nasa panaginip ko kaya ganun! Wag ka ngang masyadong assuming dyan." Pero ang kumag, tumatawa pa rin.

"Okay baby. Sabi mo yan eh." Kitang-kita ko sa side mirror ng motor nya kung gaano kalawak ang ngiti nya. Ugh, wait. Did he just call me, 'baby'?

"Tantanan mo ako ha, hindi na ako natutuwa." Sabi ko ng seryoso. Kahit ang totoo e, gusto ko lang talaga makawala sa pagkakagapos nya sa akin, paano, nakayakap pa rin ako sa kanya? Nakakahiya lang talaga kasi baka maramdaman nya yung tunog ng tambol mula sa dibdib ko. Ugh! Bakit ba ganitong pusong 'to? Wala man lang konsiderasyon!

Nakarating na kami sa apartment. Gulat ko nga nung may nakita akong nakapark na kotse sa tapat noon. Mukhang alam ko na 'to.

"Errol, tanggalin mo na nga itong gapos, sumosobra ka na sa tsansing, baka ipakain ko na sayo 'yang panyong ipinangtali mo sa akin. Tss."

"Ang sungit. Haha. Yes, Ms. Galaxy." Galaxy... tsk. Waaaah! Anu ba naman! Ang korni nya talaga kahit kailan. -___-

"Miss, pinapasundo na po kayo ni Sir Marcus." Lumapit sa akin ang isang body guard. Tama nga, alagad sila ng tito ko. Sinabi nga pala nya sa akin na ngayon nya ipapalipat ang mga gamit ko sa palasyo nila.

"Ah, wait lang po." Nakita ko kasi na nagtataka ang mukha ni Errol kaya may utang yata akong explanation sa kanya? Bumuntong hininga muna ako, haay nakakatamad talaga magkwento.

"Sino sila, Galaxy?" tanong nya.

"Tigil-tigilan mo nga ako sa galaxy na yan. Nung chapter 33 pa yan eh, tawagin mo ako sa pangalan ko. Tsk." Naiinis kong sagot.

"Ang sungit talaga nito. Haha. Opo, highblood na naman, so anu nga po, mahal na prinsesa?"

"Long story. Hmm, basta ganito. Hindi na ako titira sa apartment ngayon. Nahanap ko na yung tito ko which is my mom's brother, and he offered me to stay at their palace—I mean, house."

Not-so-Hard-to-GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon