CHAPTER 32: WHAT A LIFE!

107 7 4
                                    

CHAPTER 32: WHAT A LIFE!

Xia's POV

"Ikaw ang matagal ko nang hinahanap." Kumunot ang noo ko. Hindi pa man ako nakakapagreact, hinawakan na agad nya ang braso ko at sapilitan akong isinakay sa isang limousine? Syete, ang yaman naman ng kidnapper na 'to? Limousine talaga? Joke lang ba 'to o aattend lang talaga ako ng awards night?

"Bitawan mo nga ako! Sino ka ba? Tulong! Kidnap 'toooooo! Tulong Bente Booooooy----" bigla namang dumikit sa labi ko ang... OMG.

Joke. Akala nyo naman hinalikan ang ako ng hinayupak na 'to? Syempre hindi no! Sinalpakan nya lang naman ako ng packaging tape sa bibig. Argh!

"Asddfghjkl!@#$%^!" hindi ako makapagsalita ng maayos!

"Shut up or I'll kill you." Sabi naman nung gwapong alien na kumidnap sa akin. Wala na akong nagawa kundi manahimik, pairap-irap lang ako sa tuwing napapatingin sa akin yung mamaw na alien na kumidnap sa akin. Jusme, ano bang kaguluhan 'to? Di naman ako mayaman para kidnappin ah? Buhay nga naman.

"Tatahimik ka rin naman pala eh, tss." Imik nya sabay ngisi. Ang sarap paliguan ng saksak mga pre! Anghel lang tingnan sa pisikal na anyo, pero sa loob, juskoday! Halimaw pala!

"Master, nandito na po tayo." Sabi nung driver nya. Bigla naman akong kinabahan. Ito na ba? Papatayin na ba nila ako? Ganito yung sa wattpad eh, kinidnap yung bida tapos darating yung tagapagligtas nya o kaya, yung akala nyang kaaway, yun pala ang sikretong magliligtas sa bida. Sino kayang magliligtas sa akin? Ah posya, anu ba naman 'tong pinag-iiisip ko? Tsk.

Pagkabukas nung pinto agad naman akong pinalabas, alangan namang papasukin pa ako eh nasa loob na ako? Utak naman guys! Char.

Lumantad naman sa akin isang napakalaki as in super duper laking—teka, nasa Malacanang ba kamo ako? Ang daming nakaitim na suit na lalaki sa paligid, nakahanay sila sa daraanan namin, grabe,hindi mansion 'to eh. Palasyo 'to!

"Tara na, panget." Pagsasalita naman ng mamaw.

"asdfgh!@#$%^&*(jdhka" pero dahil ayoko pang mamatay, humiga ako sa sahig para hindi nila ako makaladkad sa paglalakad.

"Anu bang ginagawa mo? Adik ka ba? May tama ka ba sa utak?" –mamaw habang naiinis na nakamasid sa akin.

"asdfghjkl" g*go! Hindi ako makapagsalita! Paano ko masasagot yung tanong mo? Ako pa ang adik? Tadyakan kaya kita! Mas adik ka uy! –yan sana yung gusto kong sabihin kaso hindi naman nya naintindihan, nasabihan pa nga namang adik. Haays. Mamaw talaga.

At dahil marami nga syang guards, walang epek din yung paghiga higa ko dahil binuhat ako ng isa sa mga guards nila, pinapalu-palo ko pa nga habang naglalakad, paano naman kasi? Nakaposas din ako ngayon kaya hindi ako makapang-sapak ng mga tao ngayon.

Inilapag naman ako ng guard sa isang malambot na upuan, narinig ko pa si Mamaw magsalita, "Tawagin nyo na si dad." Agad namang bumunot ng cellphone yung isa sa mga alagad nya at saka may kinausap sa phone. Syete, makikilala ko na ang mastermind, sino ba itong gustong magpapapatay sa akin? Eto na ba yung katuparan ng death threats na natatanggap ko? Mukhang nagkamali akong balewalain yung threats na yun dahil mukhang bigatin 'tong papatay sa akin. Huhuhuhuhuhuhu! Help me, mama, papa! (AY wait, wala nga pala akong mama at papa, huhuhuhu, iyak na, Xia, kawawa ka naman, mamatay ka ng hindi nakikila ang magulang mo, watta life!

Tinanggal na nila yung packaging sa bibig ko pati na rin yung posas.

"Waaaaaaaaah! Hindi naman ako mayaman, walang magbabayad sa ransom na hihingin nyo! Mukha lang akong mayaman dahil maganda ako pero mahirap lang talaga ako! Kabadtrip naman oh! May quiz pa kami bukas sa accounting eh! Pakawalan nyo na ako mga mamaw!" sigaw ko. Napatakip naman ng tainga si alien na gwapong mamaw dahil sa pagsigaw ko.

Not-so-Hard-to-GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon