CHAPTER 54: ELUCIDATIONS

148 6 19
                                    

Chapter 54: Elucidations

"Love is how you stay alive even after you are gone." –Mitch Albom, Tuesdays with Morrie

XIA'S POV

"Xia, anak... kumain ka muna." Nag-aalalang sambit ni Manang Alli habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Manang, just leave it there, I'll just finish reading this chapter." Sagot ko. Kahit hindi ko s'ya nakikita, alam kong isang malalim na buntong hininga na naman ang kanyang pinakawalan habang nakasimangot.

"Okay, basta kumain ka ha. Isusumbong kita kay dadsy mo, lola Adeng, at Master Marcus 'pag hindi ka na naman kumain." Pagbabanta n'ya sa akin.

"Don't worry, Manang... I'll eat later!"

Simula nung araw na malaman kong isang malaking kasinungalingan lang ang mga nangyari noong nagdaang buwan, nawalan na ako ng ganang kumain. Palagi lang akong nasa kwarto ko, nagbabasa ng mga libro at reviewers para sa board exam na malapit ko nang i-take.

Lumalabas lang ako ng kwarto kapag papasok ako sa review center, pero madalas 'pag wala akong klase ay nasa loob lang ako ng kwarto. Hindi ko pa rin matanggap na nagpaloko ako sa kanila... na napaglaruan ako katulad ng iba... na naisahan ako.

Sa tuwing maiisip ko ang mga 'yun, bigla-bigla nalang tumutulo ang luha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang maalala ang lahat, kung bakit masyadong taksil ang puso ko dahil hindi pa rin mawala-wala ang sakit na nararamdaman ko, at kung bakit hindi rin maubos-ubos ang mga luha ko.

Bakit?

Buti nalang, isang araw, sinampal ako ng mainit-init na katotohanan ng pinsan kong si Marx. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang s'yang nagkaroon ng malasakit sa akin, kumatok s'ya sa pinto ng kwarto ko at nagdabog nung hindi ko s'ya pinagbuksan. Sa inis n'ya, nakapagbitaw s'ya ng mga salitang hindi ko inaasahang marinig sa kanya kahit kailan.

"Ugly, what are you doing? You're life is already a mess! Why don't you try fixing yourself? I don't see you right now but I think you looked like a disaster! I don't know what happened to you, but I feel that you're fcking hurt... so I supposed you needed someone who can slap you the truth. That's why I am here. Just listen to me. Tagalog 'to, t*ngna. Kaya makinig kang mabuti. Alam kong nasasaktan ka sa ngayon, pero lilipas din 'yan. Huwag mong hayaang lamunin ka ng lungkot at galit. 'Wag mo pabayaang sirain ka ng nararamdaman mong sakit. Dahil sa maniwala ka't hindi, naranasan ko na 'yang mga pinagdadaanan mo. D*mn, I don't even know why I'm talking to you like this! Maybe because, I saw a baby sister in you and it's weird feeling anxious knowing you're hurt. F*ck..."

Sumandal ako sa pinto para mapakinggang mabuti ang sinasabi n'ya. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako. Dang it! Sa wakas, nagkaroon din ng sense ang kasungitan n'ya. Naniniwala talaga ako sa himala.

"Di ba may CPA Board Exam ka pang kailangang ipasa? Bakit ka nagkukulong sa kwarto mo para ngumawa lang? Sa tingin mo ba, ipapasa ka ng mga luha mo? Ng pag-iisip sa taong nanakit sa'yo? Bakit hindi mo subukang harapin ang katotohanan? I've seen a bunch of stupid people who died because they let sadness and anger eat them up. I guess you don't want to add to their count? Xia, hindi umiikot ang mundo sa iisang dahilan lang, katulad ng hindi ka nabuhay para habambuhay na masaktan. Naiintindihan mo ba ako? There are people who care about you. Huwag mong isiping ikaw lang ang nasasaktan at naghihirap dahil to tell you a fact, walang-wala ang sitwasyon mo sa mga batang lansangan na halos mamatay na sa gutom, sa mga pamilyang walang matirhan, sa mga may malalang sakit, at iba pa. There are endless reasons why you live. Now, if you get my fcking point, stand up, go leave your room and catch your dreams! That's all, I'm leaving. *Darn it, did I say the right things?*"

Not-so-Hard-to-GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon