Chapter 10: PINAKA

186 14 4
                                    

Chapter 10: PINAKA

Xia's POV

Hindi ko alam kung anung pumasok sa kokote ko para magtatakbo matapos marinig ang sinabi ni Errol sa akin. Adik ba sya?! Ba't ganun sya magsalita?!


Imbes na magmukhang tanga sa harapan nya, dali-dali akong sumakay sa jeep para umuwi. Hindi ko alam kung bakit parang nababalot ng kahihiyan ang buo kong katawan.


Ako? Si Alexia Faye Porlaje? Magseselos? WAHAHAHA! You gotta be kidding me! The hell it will happen! -___-


Pagdating sa bahay..

"Oh senyorita! Ang aga mo yata ngayon? Baka naman gusto mong ipagluto ako ng makakain dyan? Kahit hotdog lang oh, para may pakinabang naman sayo." sabi ng pinsan kong si May habang nakadekwatro sa salas.


"Hindi ako marunong magluto eh." paliwanag ko.


"Hoy, parang hotdog lang, hindi ka pa marunong?! Anung tingin mo sa sarili mo, yayamanin? Tss. Ipagluto mo nga sabi ako!" sigaw nya.


Eh bakit kaya hindi ikaw ang magluto? Nakatunganga ka lang naman dyan! Gusto ko syang sigawan kaso iniisip ko sila auntie. Anu namang iisipin nila pag inaway ko ang napakagaling nilang anak? Na wala akong utang na loob, ganun ba? Tss. At dahil mabait ako..


"Fine." walang gana kong sagot. Umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis muna.


"Ang bagal! Nagugutom na ako oh." sigaw nya. Yung totoo, insecure much ka sa akin 'no? Mas maganda kasi ako sayo! Tssssssss. Argh, kainis.


Pinagprito ko na sya ng hotdog. Lanjung yan. Hindi naman pala tumatalsik ng malakas yung mantika, kung makapagbalot pa naman ako ng mukha e wagas! -____-


"Oh ayan na." inilapag ko sa lamesa yung hotdog.


"Anu 'to? Bakit sunog yan?!" aw. sakit sa tenga.


"Hotdog. Obvious ba?" hindi na ako makapagpigil ha, konti nalang talaga!


"Wag mo akong pinipilosopo Xia! Paano ko kakainin yan, sabihin mo nga!"


"Aba. Sinuswerte ka naman yata kung ako pa mismo ang magsusubo sayo nyan." sabi ko ng cool. Halata naman sa mukha nya ang pagkainis. Haha.


"Aba at sumasagot ka pa ha!" sasampalin nya na sana ako pero mabilis ang kamay ko. Hah!


"Subukan mo lang akong saktan, hindi kita uurungan." sabi ko ng matapang. Binitawan ko na ang kamay nya at nagtantrums sya dun ng parang bata.


"Aaaaaaaargh! I hate you!" sigaw nya sa akin habang nagpapapadyak.


"I don't care." lalakad na sana ako paalis kaso nahigit nya pa ako sa braso.


"Lumayas ka na dito." sabi nya ng galit.

Not-so-Hard-to-GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon