Chapter 1: BENTE

509 21 5
                                    

Chapter 1: BENTE

"Miss Porlaje, sorry to say... pero kung hindi ka makaa-attend sa conference na ini-require ko para sa inyo... mapipilitan akong bigyan ka ng incomplete grade sa subject ko."

"Maam... please naman po... 'wag naman pong ganito oh? Wa-wala po kasi talaga akong maipambabayad doon eh." 

Nagmakaawa na ako't lahat pero wala talaga.Haay. Bakit naman kasi sobrang wrong timing ng seminar chuchu na 'yan?

Umalis ako sa faculty room, tulala. Tss. Hindi talaga bagay sa akin ang magmukhang kawawa. Ang ganda kong kawawa 'pag nagkataon!

Paano na ba 'to? Saan naman kaya ako kukuha ng pambayad doon? Ano bang akala nila sa akin... mayaman?! Eh kaya nga dito ako nag-aral 'di ba?

Nahihiya naman akong humingi kila tita... mas'yado na yata akong pabigat kung pati iyon ay hihingin ko pa sa kanila. 

Habang naglalakad, napahinto ako sa tapat ng isang salamin. Sandali kong pinagmasdan ang mukha ko doon at...

"Haay nako, Xia. Ang dami mo na ngang problema, pero shet!!! Ang ganda mo pa rin!!!" Sabi ko sa sarili habang nakangiti.

"Aja! Kaya mo yan, Xia! Ang problema ang dapat ma-stress sa'yo, hindi ikaw!" 

Madalas kong kinakausap ang sarili ko kapag pinanghihinaan ako ng loob. 

"Hoy, Xia! Mukha kang loka-loka d'yan!"

"Ay, anak ng tokwa! Ano ba, Shine! Para kang kabuti d'yan!"

"Ikaw nga, para kang timang d'yan e... bakit ka ba nakatulala ha?" Aba at tinaasan pa ako ng kilay! Tss.

"Hmm. Wala naman. Naisip ko lang kasi... bakit sobrang ganda ko?"

"Naknang! Seryoso ka d'yan sa sinasabi mo? 'Yun na 'yun? Problema mo 'yung kagandahan mo, Alexia Faye Porlaje?!" 

"Oo! Shine Kristen De Castro! Oo!" sigaw ko sa kanya.

"Kung ganoon, ano ngang problema, Xia?" Sumeryoso na ang mukha n'ya. Kilala n'ya talaga ako. 

"Yung... hmm. Tss. That conference!" sabay turo ko sa isang poster.

"Pasensya na girl ha, gusto sana kitang pahiramin kaso, alam mo na... kasama din ako doon e. Kailangan ko rin ng pambayad." 

"Ano ka ba, Shine... okay lang 'no! Magagawan ko naman siguro ng paraan 'yun. Ako pa ba? Eh ako ata si Xia Porlaje? Ang d'yosa ng kagandahan!"

"K. Hindi na ako tatanggi d'yan sa sinasabi mo... maganda ka naman talaga eh. Kaya nga prends tayo 'di ba? Pareho kasi tayong d'yosa! Mwahaha!"

"Ay. Loka-loka. Nakiramay sa kagandahan ko. Pwe!"

"Hahaha! Ang mean mo talaga! Btw, gotta go! May date pa ang lola mo!" 

Nagmamadali siyang umalis. 

"Haay. Landi talaga. O, sige. Ingat kang bruha ka!" I winked.

Napagpasyahan kong maglakad-lakad muna  sa lagoon para makapag-isip. Mahangin at maginhawa talaga sa pakiramdam ang mga puno. Nakaka-relax kahit papaano. 

Umupo ako sa isang bench at may nakita akong isang wallet. Wow! Wallet! Hulog na ba ng langit 'to, Lord?

Thank you po! Agad ko namang binuklat para tingnan kung may laman, and gotcha! Tumataginting lang namang...

BENTE PESOS! -___-

Ano namang mapapala ko sa bente pesos 'di ba? At dahil mabait ako, hahanapin ko 'yung may-ari ng wallet! Echos ko lang naman 'yun, kahit 5,000 ang laman nito, s'yempre ibabalik ko pa rin! Hindi ako ipinanganak para maging isang magnanakaw na d'yosa 'no!

"Jusmeyo! Ang ganda nung leather wallet, tapos bebente ang laman? Pakitang-tao lang pala may-ari nito eh! Hahaha! Epic." Tiningnan ko pa 'yung ibang nakasipit sa wallet... chanan! May I.D. Sakto!

"Woah. Ang gwapo ng may-ari! Kaso bebente ang laman ng wallet! Hahaha!" para na akong baliw katatawa sa isang sulok. 

Bente pesos made my day!

"Errol Vincent Roxas... BSA 2-1." 

Aba. Tingnan mo nga naman at ka-department ko pa! Ayos, madaling hanapin! May kakilala naman ako sa section na 'yun e. Doon ko nalang itatanong o kaya...

Aha! May phone number! Ite-text ko nalang, para bawas effort. Oo na, tinatamad na ako!

Ite-text ko na sana kaso... Argh! Pipiso nalang pala ang balance ko sa load! Badtrip! Ite-text ko pa ba 'to? Aysh. O kaya, ipampa-load ko muna 'yung bente n'ya tapos ibabalik ko nalang 'pag nagkapera na ako?

Syet. Ang hirap talagang maging mahirap! -___-

Sige na nga, itetext ko na nga!

To: +63********

I got your wallet. Meet me at the lagoon. Tomorrow, 4:30pm.

Sent.

Umuwi na ako pagkatapos ng klase. Mabuti nalang at sa Legarda lang ang bahay namin, mura lang ang pamasahe, at kaya ko ring lakarin kung sakaling mawalan ako ng pera. Teka, kailan ba ako nagkaroon ng pera? 

Pagsakay ko sa jeep...

"Manong, bayad po oh, isa."

"Miss, 'wag ka nang magbayad. Libre ko na, jackpot naman ako sa pasada ngayong araw eh."  nakangiting sambit ng driver. Seriously?! Libre daw ako? S'yempre, hindi ako tatanggi d'yan!

"Naku... 'wag na po, manong. Salamat nalang po."

"Neng, 'wag na. Okay na." 

Okay, give up, Xia. Baka bawiin pa 'pag nagmatigas ka! Libre ka na raaaaw! Yes!

"Salamat po, manong!" Ngumiti ako.

"No problem iha... naalala ko lang kasi ang anak kong babae sa'yo... medyo may hawig kayo."

"Ahh.. so, maganda rin po 'yung anak ninyo?" Biro ko.

"Oo naman. Haha!" Napatingin naman sa akin 'yung ibang pasahero. Ang ingay ko na ba?

"Ah... Sige po manong, maraming salamat po ulit. Ahhm... Alam n'yo po, tingin ko nga, g'wapo kayo nung binata e! P'wera usog. Haha. Para na po!" 

Habang bumababa ako, tiningnan ko muna 'yung mga pasaherong nanlilisik ang mata sa akin. Naiinggit yata sila dahil inilibre ako ni Manong sa pamasahe. Haha! Buti nga sa inyo! Ganito talaga 'pag maganda, maraming perks!

Pagkababa, nakatingin pa rin sila sa akin, kaya ngumiti ako sabay sabing...

"Oh? H'wag naman po kayong ganyan, maganda lang."

Not-so-Hard-to-GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon