CHAPTER 50: ALAM MO NA 'YUN

103 5 11
                                    

Chapter 50: ALAM MO NA 'YUN

"She was a little all over the place, that was for sure. But the good news is that when she loved, she loved big. And if she loved you, you knew she loved you. You never had to wonder." -Word Porn

Xia's POV

Nakaramdam ako ng matinding pananakit ng ulo kaya pinilit kong magmulat. Nakauwi na pala ako sa palasyo, nasa kwarto na ako---

Teka, hindi naman 'to ang kwarto ko ah?

Hinilot ko ang sentido ko at saka pilit tumayo, nauuhaw ako. Ano bang nangyari sa akin kagabi?

"Ugh, Errol!" napasigaw ako sa inis dahil naalala kong naglasing nga pala ako dahil sa sarili kong katangahan.

Nasaan ba talaga ako?

Inilibot ko ang aking mata sa paligid. Maganda ang kwarto, kaso parang kwarto ng lalaki ito. Langya, 'wag nyo sabihing...

"Aaaaaaaah!" napatingin ako sa suot kong damit. Sht. Bakit hindi na ako nakadress?

Papalabas na sana ako sa kwarto nang mapansin ko ang isang litratong nakasabit sa dingding.

Picture ni Errol.

May mga collection rin sya ng maliliit na kotse-kotsehan na nakaayos sa estante. Mayroon din s'yang mga libro sa isang maliit na shelf.

Kay Errol 'to? Nasa kwarto ako ni Errol? Bakit nagbago ang itsura ng kwarto nya? Bakit parang hindi naman ito 'yung apartment n'ya? Saka ano bang ginagawa ko rito?

Dali-dali akong lumabas para hanapin si Errol. Marami akong dapat itanong sa kanya. At saka isa pa, gago sya! Hindi ako mapupunta dito kung hindi nya ako pinagmukhang tanga sa park kahapon!

"So... you're awake." nakasandal s'ya sa isang couch nang nakatopless habang may hawak na kape. At ang ipinagtataka ko...

Po-shu-ena. Saan nanggaling 'yung nagmumurang abs n'ya? Kailan pa lumaki ang katawan n'ya ng ganyan?

Ay syete. Wala akong pakialam! Basta galit ako sa kanya!

Itinaas ko ang magkabilang manggas ng tshirt na suot ko at saka tumakbo ng mabilis.

"Walang'ya kaaaaaaaa!" susuntukin ko na sana s'ya kaso nahawakan nya ang kamao ko. Bwisit!

"Woah, chill ka lang. Wala naman akong ginawang masama sa'yo." Nakangisi pa s'ya habang hawak pa rin ang dalawang kamao ko. Walang'ya, ang hot ng ngiti. Kainis!

Nagpumiglas ako pero mas lalo pa akong napasama dahil napasubsob ako sa dibdib n'ya. Ugh! Nakakabwisit talaga! Sa sobrang inis ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko...

Napaiyak na ako.

Bakit kasi parang wala s'yang pakialam kahit na ininjan nya ako kahapon? Parang wala lang sa kanya na naiinis ako? Parang wala lang kasi may pahigop-higop pa s'ya ng kape ngayon!

"W-why are you crying? Hey! I... I'm... ugh! Hey stop crying!" hinawakan n'ya ako sa likuran.

"Bakit ako umiiyak? *sniff* Ha-ha! Naks, nagtanong ka pa! *sniff* Hi-hindi mo ba t-talaga alam ang dahilan?!"

"Okay, I'm sorry. Hindi ko alam kung para saan pero I'm sorry, okay? Just... just stop crying." Sinampal ko s'ya.

Hindi n'ya alam? Mukhang nagkakagaguhan na nga tayo dito, mga kaibigan!

"Okay, ipapaliwanag ko sa'yo. Nakakahiya naman sa apog mong walang'ya ka eh. Pasabi-sabi ka pa ng see you later kahapon tapos hindi mo ako sisiputin? Ano?! Tanga ka ba, Errol? Umaasa kang hindi ako magagalit dahil hindi ka dumating sa usapan natin? I effin' waited for dmn three hours, and this is how you repay me? Wow, you really are something! I was about to give my most precious answer to your ultimate gddmn question and what did you do? You made me wait and looked stupid out in that cold place!" pinahiran ko ang mga luhang patuloy na nagsisilabasan sa aking mata.

Not-so-Hard-to-GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon