Chapter 6: THURSDAY

252 14 19
                                    

Chapter 6: THURSDAY


Xia's POV


"Girlfriend nya daw?" Hmm. So may girlfriend na pala sya. Bakit parang nadisappoint naman ako dun. Tss. -_- Gusto ko sanang tanungin si bente boy kaso naalala kong may test nga pala kami at mas mahalaga yun kesa sa gerlpren ng kumag na yun. Tss.


Lumipas ang ilang oras at natapos na rin kaming magtest. Ang hirap nga eh, pero syempre kering keri ko yun! :P


"Hi. Xia bruhilda!" sigaw ni Shine mula sa kalayuan.


"Oh, bakit witch kong best friend?" pambawi ko sa kanya, aba bruhilda daw ako? Tss.


"Ay. Taray. Kamusta na nga pala yung part time job mo sa fastfood chain? Okay naman ba?"


"Oo naman. Keri ko no. Maganda ako e."


"Xia naman, isang week nalang yung bayaran sa conference, kailan mo daw makukuha sweldo mo?" tanong nya. Ayt. Oo nga pala.


"Ah.. eh.. ano kasi e. Di yata abot sa deadline. Next next week ko pa kasi matatanggap yun. Paano kaya. -_-"


"Hmm. Tingnan ko kung may maitutulong ako sayo ha. Kausapin ko sila mama at papa, baka may naitatago pa sila, para mapahiram kita, bruha." nakangiti nyang sabi. Ayos talaga tong si Shine, kahit na puro kalokohan ang usapan namin, masasabi kong tunay talaga kaming magkaibigan dahil tinutulungan nya ako pag di ko na kaya.


"Witch, salamat ha. Hayaan mo, reregaluhan kita ng bagong black candles at boodoo dolls sa birthday mo. :)"


"Tse! Ang mean mo talaga! Lika na, libre mo 'kong hotdog on stick don!" kinaladkad nya ako sa talipapa para bumili ng hotdog. Walanju talaga tong babaeng to. -.- Umupo kami sa isang bench at kumain.


"Oh, hi Xia!" dumaan ang mga kawork ko sa fastfood chain at kaklase ko na rin.


"Hello, mga tropa!" ngiti ko sa kanila.


"Xia, makikiusap nga pala kami mamaya sa manager natin na kung pwedeng bumale dahil magbabayaran na tayo ng fee sa conference." sabi ni Milorrie.


"Ikaw ba girlash, join ka din sa amin?" -Marvina.


"Hmm. Osige, mamaya. Kita nalang tayo." sabi ko naman.


"Okay. See yah, Xia!" -Kristia, Mica, Andrea. Ngumiti ako.


"Bawal ma-late ha." -Erma na sinungitan na naman ako. Tss. Ang sungit nya, pero di sya uubra sa 'kin. Kung ayaw nya akong maging kaibigan, edi wag! Ako nalang ang makikipagkaibigan sa kanya. Pwe. Mabait ata ako 'no. Hehehe.


"Hindi 'no. I'm never late." then, umalis na sila.


Not-so-Hard-to-GetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon