PROLOGUE

722 14 0
                                    

"What" and "if" are two words as non-threatening as words can be. But put them together side-by-side and they have the power to haunt you for the rest of your life: what if? What if? What if? ~letters to Juliet

____________________________________________________________________________________



"pagalingin mo na siya, parang awa mo na" pagmamakaawa niya sa akin


"pero..." angal ko. Hindi ko kasi kaya. Hindi kasi pwede. Yes, I'm a healer. A legendary one, pero sa sitwasyon niya ngayon hindi ko kaya. Hindi maaari, dahil malaking sakrispisyo ang kinakailangan para dito, at hindi pa ako handa sa mga ganoong bagay


"JY, parang awa mo na. kung mahal mo talaga ako, papagalingin mo siya. Kung may pake ka sa kaligayahan ko tutulungan mo siya, dahil hindi ko na kaya" naiiyak na siya at kitang kita ko yun sa mukha niya. Hindi ako makasagot, hindi ko alam ang gagawin ko


"Maj.gising ka na oh. Kaya mo yan diba. Di mo ako iiwan diba" kitang kita ng dalawang mata ko ang pagpatak ng kanyang mga luha habang hawak hawak ang kamay ng babaeng tunay niyang minamahal. Ang babaeng kasalukuyang nakahandusay sa harap ko. Ang babaeng minamakaawa niya


Tumingin ulit siya sa akin. Nabigla naman ako kaya napatakip ako agad ng bibig ko. Ano bang gagawin ko, pero kung hahayaan ko si Maj doon, at mamatay, may pag-asa kayang magustuhan niya ako? May pag-asa kaya. Pero hindi un ang hangad ko. Hangad ko ang kaligayahan niya. Liligaya ba siya sa akin?


"I-I-I'm sorry Jake" nauutal kong sabi. Narinig ko naman na umungol ng malakas si Maj dahil sa sakit. Masyadong malakas ang naiturok na lason sa katawan niya. Isang pambihirang lason na kung sino man ang masalinan nito ay mamatay sa itinakdang oras ng nagturok at nararamdaman kong malapit na iyon. Sobrang lapit na. bakas na bakas na sa mukha ni Maj ang kahinaan. Bakas din sa kanyang katawan ang maiitim na marka dulot ng lason na unti unting pumapatay sa kanya

Bigla namang binuhat ni Jake si Maj. Pero bago pa sila makatayo nagsalita si jake, mga katagang nagpabago ng isip ko


"You'll never see me again. You USELESS healer. I hate you, I hate you FOREVER. Curse your life JY Park"



A/N: hello guys. renewed pong version to ng falling academy. mas maayos na siya siguro. iba po ang plot nito at mga characters. thanks! love lots <3 .. note: di ko na po maitutuloy ang FA, nagkaroon po kasi ng bagong ideya ang author kaya ayun... :) hahha


THIS STORY NEEDS NO TITLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon