FIRST

463 22 0
                                    

Inihanda ko na ang mga kasangkapan. Mga kasangkapang kinakailangan ko para maligtas ang minamahal ng mahal ko.

"I'm sorry" bigkas ko sa utak ko. At sinimulan ko na ding ihanda ang sarili ko. Huminga ako ng malalim. Pinalayo ko naman si Jake sa lugar namin. Hindi siya pwedeng lumapit dahil ang gagawin ko ay sagrado. Dahil ang gagawin ko ay...

"JY!" narinig ko ang sigaw niya kahit malayo pa siya sa amin.

"I'm so sorry" sabi ko pero ngayon binigkas ko na ito.

Hinawakan ko ang mukha ni Maj. Ang lamig lamig na niya. Ramdam na ramdam ng mga kamay ko ang panghihina niya. Una ko munang ginamot ang mga galos niya sa katawan.

"alam mo ba Maj, ang swerte mo. Sobra" sabi ko habang unti unting nawawala ang mga galos niya.

Napalingon naman ako sa kinalalagyan ni Jake. Hindi siya mapakali. Nung tumingin siya sa akin, nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala, nakita ko rin doon ang pagtitiwala sa akin at dahil dun napangiti ako. Itinuon ko muli ang aking mga mata kay Maj. Huminga ako ng malalim.

"JY! Wag mong gawin yan! Know the consequence" ngayon palapit na siya sa pwesto namin. Tumatakbo siya. Alam kong pipigilan niya ako. Kaya naman pinaghandaan ko na siya.

Ininom ko na ung ginawa kong Potion.

"Desidido na ako, wag mo akong pipigilan Dave, please" sabi ko sa kanya habang patulo ang luha ko at inilahad ko na ung kamay ko sa harap ni Maj.

Nakita ko si Jake sa peripheral vision ko na nakapikit lang at mukhang nagdadasal. Hindi niya rin nakita ang paparating na si Dave

Dahan dahan na umilaw ang paligid ko. At umilaw na rin ang kamay ko. Hindi muna ako pumikit dahil gusto ko muna siyang makita.

Napatigil siya pagkat alam na niya na hindi na siya pwedeng makigulo dahil nasimulan ko na ito. And I have made a shield around Maj and me. nginitian ko siya. Nakita ko din ang paulit ulit niyang pagmumura.

"Take care of Joey, Dave. She must not know. All of this" sabi ko sa isip ko. Dave can read minds. And I know he understands me

"Please don't do this JY. Not now. I need you." Sabi niya na nakita kong patulo na ung luha niya

"wag mo tong gawin dahil lang sa kanya. Remember JY. Remember what you promise" sagot niya

Narinig ko namang umungol ulit si Maj. Buti nalang at hindi narinig ni Jake kasi pansin ko busy parin siya sa pagdadasal

"That's why I'm sorry. I'm sorry Dave" sabi ko at unti unting pumikit na. pero bago ko pa mawala ang consciousness ko sa mga mangyayari isang bilin muna ang sinabi ko kay Dave na alam kong hindi niya gagawin

"Please tell Jake how much I love him, and after all this, take me out. Don't let him see me again. Don't let him know" sabi ko at pinikit ko na. at sa di inaasahang pagkakataon, nakasagot pa siya sa akin

"I promise I won't.... I won't let Joey follow your fate. She's the same as you JY. She's almost. See you soon JY. I love you sis" napaluha naman ako sa sinabi niyang iyon. Ngayon niya lang ako sinabihan ng 'I love you'. Ngayon lang sa tanang buhay niya.

�������

A/N: guys,chapter 1 done. actually available to update 30+ chapters. pero depende po iyon sa progress ng reads at COMMENTS! thanks guys..love lots :)

THIS STORY NEEDS NO TITLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon