Chapter 7. Intimidation

91 23 0
                                    

(Now Playing : Love me Right by EXO. <3)

Danea's POV.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako sa principal's office. Sinabi ko naman sa mga kaibigan ko na hintayin na lang nila ako sa Park.

Habang naglalakad ako papunta sa Principal's Office hindi ko maiwasan na mapaisip. Bakit kaya ako pinapatawag ni Ms. Principal? May problema kaya sa scholarship ko? Shemay! Pag nagkataon goodbye Dream High Academy. -_-

Nasa tapat na ko ng pinto. Kakatok na sana ko ng makita kong biglang may kumatok din. Napatingin ako sa taong yun at laking gulat ko ng makita ko sya. O.O Parehas kami na ganyan ang mata.

"Dandan anong ginagawa mo dito?" Tanong nya na parang kinakabahan. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Teka? Bakit parang may kakaiba sa kanya? Pumayat sya at namumutla. Hindi ko maiwasang hindi mag alala.

Sa loob ng 3 weeks na hindi na kami nag usap at nagkita akala ko sa sarili ko , Move on na ko. Pero ngayong nagkita ulet kami , bumabalik lahat ng sakit. Gusto kong umiyak pero ayokong ipakita sa kanya na apektado pa din ako.

"Gwen okay ka lang? Bat parang namumutla ka? May sakit ka ba?" Nag aalala at naiilang kong tanong.

Magsasalita na sana sya ng bumukas yung pinto.

"Gwen Reyes pumasok ka na daw sa loob sabi ni Ms." Sabi ng isang babae na around 24 years of age. Assistant ni Ms.? I guess.

Tiningnan ako ni Gwen bago sya pumasok sa loob. Nakita ko sa mga mata nya kung gaano sya kalungkot at parang nahihirapan? May problema kaya sya? Hindi kaya nagkaganyan sya dahil sa break up namin? Haist! Danea masyado kang assuming e pinagpalit ka na nga sa iba.
Kaya malamang hindi ikaw ang dahilan kung bakit sya ganun.

Ano kaya ang nangyayari sa loob? Ano kaya ang sinasabi sa kanya ni Ms. Principal? Curiosity is killing me now. Wala ka naman ng karapatan alamin yun kasi wala na kayo. (Sabi ng nega kong isip.) Sabagay may punto sya.

Habang nakaupo ako at naghihintay sa labas ng office ay naisip ko ang kaibigan kong si Marie. Okay na kaya sya? Malamang sa malamang Hindi. Abe ikaw ba naman lokohin ng boyfriend mo tapos ikaw pa mismo ang makahuli , maging okay ka kaya? Sayang at wala ako sa tabi nya para damayan sya. Buti pa si Marie hindi pinapakita sa ibang tao na nasasaktan sya. Samantalang ako manipis , mahina at iyakin. Ganun naman talaga dapat diba? Magiging manipis ka dahil nahihirapan kana. Magiging mahina ka kase nakakapagod na at higit sa lahat magiging iyakin ka lalo na kapag ang nanakit sa puso mo ay yung taong pinakamamahal mo. Totoo nga siguro yung kasabihang "The one you love the most , is the one who will hurt you the most."
Pag ibig talaga nakakatanga.

Nabalik lang ako sa katinuan ng may humawak sa kanang balikat ko at may inaabot syang panyo. Teka? Umiiyak ako? Napahawak ako sa pisnge ko at sakto namang may tumulong luha dito. Shemay! Andrama ko kase e.

Tiningnan ko lang yung panyo na hawak nya.

Nagulat ako ng pumunta sya sa tapat ko at umupo sya paharap sakin. (Nakabend down)

Bigla nyang pinunasan yung pisnge ko.

"Okay ka lang ba Dandan?" Tanong nya ng may pag aalala.

Napaiwas ako ng tingin at napatayo ako sa kinauupuan ko. Spell awkward? D-A-N-E-A.

Bigla nya kong hinawakan sa braso.

"Dandan , may sasabi---" Hindi nya na natuloy kase biglang bumukas yung pinto.

You Are The One (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon