Chapter 11. Childhood Friend

22 2 0
                                    

James' point of view.

Patuloy ko lang syang sinusundan at ilang minuto lang ay huminto na din ang kotse nya sa airport.
Teka? Anong gagawin nya sa airport? Aalis sya? Bakit hindi nya sinabi? At bakit nya naman sasabihin sayo Hayme! Ni hindi ka nga nya maalala tang*na ka e! Bat ba kase nung nakaraang araw lang kita namukhaan. Shit! Lalo ka kaseng gumanda Lexiayats.

Pumasok na ko sa loob at maingat na sinundan sya ulit. Ilang araw na din akong nagiging stalker nito! Ay hindi, admirer ako gwapo nga pala ko.

Nakita ko sya malapit dun sa counter pero hindi sya nag iisa. May kausap syang lalaki at parang nagtatalo sila.
Yung lalaking yun , sya yung madalas kong makita na kasama ni yats I mean ni Alexa. At mukang tama ako, yun nga yung boyfriend nya.
T*ngna! May boyfriend na pala pero bakit sinusundan ko pa din sya?
Anlaki mong tanga Hayme! Shit ka!
Aalis na sana ko sa pinagtataguan ko ng marinig ko yung sinabi ng boyfriend nya. Medyo malapit din kase ko sa kanila.

"I'm sorry Alexa. I can't stay with you here. I don't want to disappoint my parents. My life is in states. And I have dreams in my life that I want to achieve and I will make it when I'm with my family." Sabi nya na parang umiiyak sya. Sya pa tuloy tong umiiyak. Sya na nga tong mang iiwan e.
Napatingin ako kay Alexa na umiiyak na din. Sshh. I don't want to see you crying yats.

"Pero nandito ko! Tutulungan kitang abutin lahat ng pangarap mo. Diba nangako tayo sa isa't isa? Ang sabi natin walang makakapaghihiwalay satin na kahit na sinoman o anuman. Nangako tayo na parehas nating tutuparin ang mga pangarap natin. Please stay Babe. I need you here." Hinawakan nya ang kamay nung lalaki. Patuloy pa din si Alexa sa pag iyak pero ngayon ay humahagulgol na sya.

"Akala ko rin walang makapaghihiwalay satin. Mahal kita Alexa, pero minsan hindi sapat ang mahal natin ang isa't isa para maging masaya. I'm sorry." Binitawan nya ang kamay ni Alexa at tumalikod na sya dito. 
Ang gago mong hayop ka! Wala kang karapatan na iwanan na lang sya basta basta! Gusto ko syang sugurin at patayin sa suntok dahil sa ginawa nya kay Alexa pero ayokong gumawa ng move ngayon.
Hindi ko inaasahan na ganito ang mapapanuod ko. At sa mismong babaeng mahal ko pa ang napapanuod ko. Alam kong nasasaktan sya ngayon. Kung pwede ko lang kuhanin ang lahat ng sakit na nararamdaman nya ginawa ko na. Ayoko syang nasasaktan at ayokong nakikita syang nahihirapan ng ganito. Di nako nagpaligoy ligoy pa at nilapitan ko sya na ngayon ay nakaupo na sa bleachers ng airport habang patuloy pa din sa pag iyak.

Inabutan ko sya ng panyo pero nakatingin lang sya dun. Wala nga ata syang balak punasan ang mga luha nya.

Mas lalo pang lumakas yung paghagulgol nya nung tumabi ako sa kanya. Nakatakip lang ang dalawa nyang kamay sa kanyang mukha.
Nakatahimik lang ako at hinintay sya hanggang sa tumigil sa kanyang pag iyak.

'Haist! Wala ka parin talagang pagbabago yats. Ang iyakin mo pa din talaga hanggang ngayon. Miss na miss na kita.' Gusto ko yang sabihin ngayon pero ayokong maguluhan sya. May pinagdadaanan sya kaya pag comfort nalang ang magagawa ko ngayon.
Nabasag lang ang katahimikan ng bigla syang magsalita.

"Nakita mo ba lahat?" Tanong nya na nakatingin lang ng diretso.

"Ah eh, hindi ko naman sinasadya na ano e ah kase -- sorry." Tumingin ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na nakatingin na din pala sya sakin.

Shit! Bat ba ko nauutal? I can't be like this baka makahalata sya.

"Can you take me somewhere? Somewhere I can forget all the pain. Kahit ngayong araw lang. Please." Sabi nya ng nakatingin sakin ng diretso at may pagmamakaawa sa boses.

"Kahit hindi ka naman magplease I will take you somewhere e." Mahina kong sabi at mukang hindi nya naman ito narinig.

"Huh? May sinasabi ka ba?"

You Are The One (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon