Danea's point of view.
Our one month here in Dream High Academy went so well. Maraming nangyari pero syempre, marami ding nagbago. Natapos na din namin yung task na binigay ni Ms. kaya balik na ulit kami sa dati.
Nakaupo lang ako dito sa upuan ko sa room habang nagbabasa. Breaktime namin kaya medyo mahaba pa ang oras para magawa mo yung gusto mong gawin. Napatingin ako bigla sa may pintuan ng room nung pumasok si Alexa at James.
Napapadalas ngayon yung pagiging magkasama nila pero wala namang mali dun kase mukang masaya naman sa kanya si Alexa. Siguro naging magkaibigan na sila simula nung naghiwalay sila ni Carl. Si James kasi yung napapansin namin lately na kasama nya. Tsaka kung titingnan mo sila, parang antagal na nilang magkaibigan sa pinapakita nila sa isa't isa. Sabagay, mabait naman talaga yang si Alexa at friendly pa.
"Friend gusto mong sumama?" Tanong ni Alexa at umupo sa upuang katabi ko.
Binaba ko yung librong binabasa ko at humarap sa kanya."San punta?" Tipid kong tanong. Wala naman akong balak sumama sa kanila kase may pupuntahan daw kami ni Clark sabi nya.
"Manunuod kami ng sine ngayon. You wanna join?" Sagot ni James pagkatapos tumingin sya kay Alexa at ngumiti.
"Are you guys dating?" Pabiro kong tanong. Tumawa naman bigla tong kaibigan ko.
"You must be kidding me Dandan. Were friends. And oh, before I forgot sleepover daw mamaya kila Mary. May kwento din ako sa inyo." Sabi nya sabay kindat pa. I feel something fishy huh?
"Sige. Di ako makakasama sa inyo kase it's obvious naman na it's a date." Tumawa ako at nagpatuloy. "Saka nagpapasama sakin si Clark eh. You guys enjoy!" Sabi ko pa at nagkatinginan pa sila. Problema ng dalawang to?
"Oh. Date din ba yun?" Pabiro nyang tanong.
"Sira! Wag nyo na nga kong guluhin magbabasa pa ko." Natawa naman sila sa sinabi ko.
Pumasok na yung next teacher namin kaya bumalik na kami sa kanya kanya naming pwesto.
Natapos naman ng maayos yung klase at naunang nagpaalam samin si Alexa at James.
"See you nalang later sa bahay ni Mary." Paalam nya saka nagbeso kami.
"BFF punta ko ngayong bookstore eh. Magpapasama ko kay Franco. Una na kami sa inyo. See you later." Nagbeso na din sakin si Mary at umalis na din sila agad.
Lakad day ba ngayon? Bat may kanya kanya kaming lakad?
Napatingin naman ako sa katabi ko.
"Ikaw Marie? May lakad ka din ba?" Natawa naman sya sa tinanong ko.
"Actually pupunta ko sa office nila Mom ngayon. Namimiss na din daw kase ko ni Dad eh." Nakangiti nyang sabi.
How I miss my Nanay. :("Sige. Mag iingat ka." Nag paalam na kami sa isa't isa at umalis na din sya.
***
"What do you think? This one or this one?" Tanong ni Clark sabay pakita sakin nung Teddy bear na Piggy at yung isa naman ay Koala.
Nandito kami ngayon sa Blue magic kase bibilan nya daw yung kapatid nya ng teddybear as a reward sa pagiging mabait na bata daw? Naks! Iba talaga pag mayaman.
"I think eto." Sabi ko sabay kuha ng Pink na piggy at niyakap ko ito. Ang cute.
"Okay. Let's buy this. Ikaw? What do you want?" Tanong nya at tumingin din sa station ng mga Teddy Bears.
"Ah no. Okay lang. Maybe some foods, nagutom ako bigla eh. Hehe" ewan ko ba pero parang hindi ako nahiya sa kanya nung nagrequest ako ng food. Almost one month na kasi kaming close at to tell you the truth, Friends na kami pati nung dalawa nyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
You Are The One (On-Going)
Teen FictionAnong gagawin mo kapag iniwan ka ng taong mahal mo? Hahayaan mo ba ang sarili mong mabuhay sa nakaraan? Paano kung sa lahat ng nangyari yun , may makilala kang iba na handang isalba yang puso mo sa sobrang sakit na naramdaman mo sa pang iiwan sayo...