Chapter 4

37 1 0
                                    

>Chase's POV<

"Eli, okay ka lang ?"

"Ch-Chase.."

Buti sinalo ako ni Chase.

Tumayo ako agad agad baka mapagtsismisan ako lalo.

"Salamat Chase."

"Wala yun Eli", nginitian niya ako.

"Musta ka na pala ?"

"Eto ayos naman. Eli may sasa-"

"Eri !", bigla akong hinatak ni Shou, "Baka maubusan ng food !"

"Ayyy maghintay ka !", humarap ako kay Chase," Sige. Nice talking to you ulit and thank you ulit"

Yung pagkausap sakin ni Eli kanina pa nagrereplay sa isip ko.

Talaga bang di na siya Guy Hater?

Kanina parin ako nakatulala sa kisame, iniisip ko parin si Eli.. Hayss buhay..

- - -

"CHASEEE !"

"Good Morning Chase !"

"Chase musta?"

"Chase sama ka naman samin sa karaoke mamaya?"

"Chase sama ka rin samin sa mall!"

Ganyan na lang lagi. Mga babae dito, babae doon. Nakikipagkumpulan sakin. Araw araw.

Sa una di ako sanay sa ganito, pero dahil pinili ko maging popular, naki go with the flow na lang ako.

Ako nga pala si Chase Sanchez, MVP ng basketball team ng campus at excel ang grades. Wala naman talaga sa mga pangarap ko ang maging popular.

Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng matinong lovelife.

Yung tipong mapapansin 'niya' ako.

Yung tipong maliligawan ko siya.

Kaso parang.. anlabo

Kasi..

Guy Hater siya..

//Flashback//

Nakita ko nanaman yung locker ko, punumpuno ng daga.

Sa bagay sanay nako.

Sanay nakong binubully..

Pero di nako nakapagtimpi one time na kinuha nila yung necklace na napakaimportante sakin..

Yung necklace ni Mama.

-

"Akin na yan sabi !"

"Abutin mo muna ! Hahaha!", Sinabit nila yung necklace sa puno.

Nakakarindi na..

"Aba mukhang galit na ah?"

"Hindi ! Iiyak na yan ! Duwag nga eh!"

"HAHAHA IIYAK NA YAN ! IIYAK NA YAN !"

Di na ko nakapagtimpi..

Sinapak ko na yung lider lideran nila.

"Ahh.. Aba!"

Basta ang alam ko nag blackout na ang paningin ko nun.

-

"Sa wakas may malay ka na !"

"Ughh", napahawak ako sa ulo ko,"Araaay.."

"Ohh wag mo hawakan dyan ! May sugat ka dyan !"

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon