>Eli's POV<
"11am, Sabado, sa mismong bahay niyo Eli ah?"
Kakatext lang sakin ni Stash.
Hala? Bat naman dito pa sa bahay ko? -_-
Sa bagay, taga dito din si Shou kaso di ko alam kung san siya nakatira.
1 buwan ng nakakalipas, wala pa akong masyadong alam sa kanya.
Ehh kasi I don't care. Hanggang ngayon sumusunod parin ako sa quotation kong,"Kahit anong mangyari, lalaki parin siya".
Di ko masyadong napansin na Friday na. Time flies. Lalo na kapag lutang ang isip mo.
Lutang kasi puro anime nasa isip ko.
- - -
"Bad kayo ! Bakit Sabado niyo pa tinaon yang ka-echosan nyo !"
Ehhhh tuwing Sabado lang ako hindi tinatamad manood ng anime ehhh T.T
"Eli, Bumalik ka muna sa realidad kahit 1 day lang! Makakapaghintay yang anime mo kahit kailan!" -Stash
"Ehhh ang realidad ko nasa anime na! Hinahantay ako ng mga boyfriend ko na ane tuwing Sabado T.T"
"Alam mo kung lalandi ka lumandi ka ng totong tao! Landiin mo si Hapon!"
Binatukan ko nga si Stash. Dami alam nakooo >.<
"Aruuuy ! T.T"
"Oh ano hihirit ka rin Mavis?"
"Di po boss ^_^; "
"Teka napapansin ko, di na sayo sumama si Hapon. Di ba gusto niya maging close kayo?"
"Ahh ayos nga yun eh. Para mawala na siya sa buhay ko"
"Grabe ka naman ! Wag mo itaboy ang grasya sayang naman !"
"Tse ! -_-"
"Pero pansin ko lagi niyang kasama si Chase noh?"- Mavis
"Hmmmn Oo nga noh? Aba, simula nung naging Highschool tayo masyadong mapili na ng kaibigan yang si Chase. Tsss.. Porket sikat na siya. Aba! Matuto syang lumingon sa pinanggalingan, noh Eli?"
"Di ba sabi ko naman sa inyo, walang magandang maidudulot yang mga 'lalaking' yan -_-"
"Pero aminin mo, nagkagusto ka rin sa kanya nohh?"
Inasar na nga ako, Nanghampas pa tong si Stash.
"Never ! Never pako nagkagusto sa lalaki ! Well except sa anime", inayos ko na yung mga gamit ko. Bat ba kasi di pa kami umuuwi noh?,"Uwi na tayo. May balak ba kayong mag sleep over dito?"
"Ikaw lang, Kasama si Shou"
"AYIEEEEE !!"
"SHATAP !", Nakoo. Ako talaga laging trip ng mga to.
- - -
Pagkauwi ko humiga ako agad sa kama. Sakit ng likod ko T.T Ewan ko ba kung bakit.
Andaming thoughts tuloy ang pumapasok sa isip ko.
Kamusta na nga ba si Chase?
Siya yung unang lalaking iniwasan ko.
Oo nagkagusto ako sa kanya dati. Cute kasi sya. Pero hanggang dun lang yun.
Ewan ko ba. Bat nasama na si Chase sa mga pabigat sa isip ko? Si Shou nga pabigat na ehh dadagdag kapa !
"Arghhh !", ginulo ko yung buhok ko. Gulong gulo nako. Dami kasing pumapasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Teen FictionBat ba ako nagkakaganito? Parang nalilito na ang isip ko ngayon. Parang gusto kong ipagsigawan na mahal ko siya. Tama ang narinig mo. Isipin mo yun? Ang tinaguriang "guy hater" ng school inlove? Di ko talaga ineexpect na tatamaan ako sa kanya.