ang

8 0 0
                                    

Nagkagulo gulo ang mga chapter at napublish ang hindi dapat mapublish kaya minabuti kong simulan nalang ulit ang 3rd chapter.

Please read and vote.



"Gising kana pala."

Bati sakin ni Tonie na ngayon ay naghahalo nang sinasangag nyang kanin.

"Ang bango ah."

Sabi ko bago umupo sa upuan sa lamesa.

"Nga pala katulad ng napagusapan namin ng mommy mo 1 month lang ako dito kaya 1 buwan lang kitang guguluhin dito."

Paglilitanya nya pagkalagay ng mga niluto nya sa lamesa saka naupo sa katapat kong upuan.

Sinadya kong idikit ang tuhod ko sa tuhod nya dahilan upang iiwas nya ito. At dahil makulit ako iniipod ko ang tuhod ko dahilan upang matabig ko ulit ang tuhod nya.

"Ahhhhhwwwtttsssssss!"

Sipain ba naman ang binti ko. Ang sakit nya manipa ah.

"Sige tabigin mo ulit ang tuhod ko."

Nanlilisik mata nyang pagbabanta.

"Mapanlinlang pala yang malaanghel mong pagmumuka. Me pagkademonyo ka pala."

Pangaasar ko padin sa kanya.

"Ganun? Gusto mo bang makarating agad sa kaharian ko? Halika hatid na kita sa IMPYERNO!"

Mukang mapapasabak ako nito ah. Wala pang sumasagot sakin ng ganun. Akala ko magiging ok kame pero kabaliktaran pala ang mangyayare.

"Gusto mo bang ma-force evict sa bahay ni Kuya?"

Pananakot ko sa kanya.

"Cge lang para si Tita na ang bahala sayo."

Pananakot nya sabay tayo at dala ng plato nya sa lababo.

"maghugas ka bago pumasok. Magbibihis pa ko."

Sabay alis nya at pasok sa kwarto nya.

ANO!? Inutusan pa ako.

"Makakaganti din ako sayo" bulong ko sa hangin.

Pagkatapos ko maghugas ay pinunasan ko lang ang kamay ko para matuyo para makaalis na sabay labas naman ni Tonie sa kwarto nya.

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Di ko inaasahang ganito ako kabilis makakaganti.

"Sumabay kana sakin late na oh"

Sabay labas ko. Maya maya ramdam kong kasunod ko na sya.

Diretsong sakay ako sa kotse. Di ko sya pinagbuksan ng pinto.
Sabihin nyo nang di ako gentleman pero ansarap nya kasing asarin eh.

"Salamat sa pagiging getleman ha." sura nyang sabi pagkaupo nya sya tabi ko sabay nag seatbelt.

Nang medyo malayo pa kame pero abot tanaw na ang school ay isinagawa ko na ang plano. Itinabi ko ang kotse at itinigil.

"Baba." sabi ko sa kanya.

"anong baba eh medio malayo pa?!" bulyaw nya.

Haha sori pero mabait kasi ako.

"Napagisip isip ko lang na walang pwedeng makaalam na sa akin ka nakatira. Ayoko masira ang image ko sa school kaya wala dapat makakita na magkasama tayong dadating"

Litanya ko habang nakangiti.

"Alam mo kung kuto ka matagal na kitang natiris!"
Sabay labas nya at bagsak pasara ng pinto.

At umalis na ako.

Nakakatuwang makitang umuusok ang ilong nya sa galit.

Mukang magiging exciting ang araw araw ko.

- - -

Ito po ang aking past time. Ang pagsusulat kaya ginagawan ko po ng paraan na makagawa ng magagandang chapters.

Sana po basahin nyo. Salamat po.

Sacrifice another term for love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon