Chapter 2- From now on

70 3 0
                                    

Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula nang kumalat ang balita na si Pearl talaga ang may dahilan ng sunog. Humingi naman ng tawad sa akin sina Hayley, Sunny, Zia at Merril dahil naniwala sila sa mga panloloko ni Pearl. Hindi naman talaga ako galit sa kanila kaya sinabi ko na lang na kalimutan na namin ang mga nangyari tutal tapos na naman ito. Sobrang pasasalamat ko talaga kina Ailyn, Ronald at Xandrei sa ginawa nilang pagtulong sa akin. Naging kaibigan ko na rin sila pagkatapos noon pero itong si Xandrei, lalapit at kakausapin lang ako pero sasabihin niya na 'di kami magkaibigan. Ang weird niya, nuh?

Naglalakad ako sa corridor papuntang library nang madaanan ko ang office ni Dean. Medyo nakabukas ito kaya naririnig ko ang pag-uusap niya at ng kasamahan niya sa loob. Napatigil ako sa paglalakad nang makuha ng atensyon ko ang mga pinag-uusapan nila.

"Sa tingin ko, dapat na nating i-kick out sa school na ito si Pearl. Hindi tama ang kanyang ginawa at masyadong napakadelikado. Kung hindi naagapan, baka may ibang estudyante na ang napahamak dahil sa kanya." wika ng isang pamilyar na boses.

Kumatok ako at sumilip sa loob, "Mawalang galang na po, Dean at Prof Luisita."

"Ano ang kailangan mo, hija?" tanong ni Dean at sinenyasan ako na pumasok at lumapit sa kanila.

"Alam ko pong mali ang nakikinig sa usapan ng iba pero kung maaari po sana 'wag niyo naman pong i-kick out dito si Pearl."

"Pero Rae, hindi ba't halos muktikan ka na ring mapahamak dahil sa ginawa niya?" tanong sa akin ni Prof.

"Pero hindi naman po ako napahamak." tinignan ko naman si Dean na may nangungusap na mga mata, "Pakiusap po. Hayaan niyo na lang na manatili rito si Pearl. Sigurado akong may dahilan siya kung bakit niya iyon nagawa."

"Ano sa tingin mo, Karlota?"

"Hayy." bumuntong-hininga muna si Dean bago niya ako nakangiting tinignan, "Well what else would you expect from a Rae Crimson?"

------

Vacant ko ngayon kaya naman nagpunta ako sa cafeteria para bumili ng makakain. Nakita ko si Hayley at Zia na papasok din dito at umupo sa harap ko.

"Rae." pagtawag sa akin ni Zia.

"Bakit?"

"Gusto mong sumama sa amin ngayon sa Mall? Don't worry, my treat."

"Naku, hindi na. Pupunta pa kasi ako ng library pagkatapos kumain para mag-review sa quiz mamaya sa isa kong subject."

"Sige na. Please? Gusto namin na makabawi man lang sa'yo sa mga nagawa namin." pakiusap naman sa akin ni Hayley.

"'Wag na nga kayong mag-sorry sa akin. Sinabi ng hindi naman ako galit sa inyo, eh." tumatawa kong sabi, "Sige na nga. Ubusin ko lang saglit ang pagkain ko, ha?"

"Sige." nakangiti na tugon naman nilang dalawa.

Pagkatapos kong kumain, umalis na kami at nagpunta sa waiting shed para mag-abang ng masasakyang jeep. Pagkadating namin sa mall, nag-aya si Zia sa bilihan ng dress.

"Rae, try this. Sa tingin ko bagay 'to sa'yo." lumapit sa akin si Zia at inabot ang isang simpleng kulay royal blue dress na may kaunting details.

"Hindi na. Hindi naman ako nagsusuot ng ganyan at saka isa pa, wala naman akong paggagamitan niyan."

"Anong wala? Hindi ka ba aware na may gaganaping ball sa foundation day sa katapusan ngayong bwan?" gulat na tanong ni Hayley.

"Ahhh. Hindi eh. Hehe." sagot ko na medyo napapakamot pa ng ulo.

"Kung sabagay, transferee ka nga pala rito, 'di ba?"

"At dahil diyan, subukan mo nang isukat ang dress na 'to." pangungumbinsi sa akin ni Zia at medyo nag-aalangan kong inabot 'yung dress.

My Gangster ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon