Chapter 9- The Last Goodbye

46 2 0
                                    

Play 'I Will Take You Forever' while reading this chapter.

*****

"Nasaan na tayo, Xandrei?" tanong ko nang tumigil na kami sa paglalakad pero nakatakip pa rin ang mga kamay niya sa mata ko.

"Handa ka na bang makita ang sorpresa ko?" kahit hindi ko nakikita, alam kong nakangiti siya sa akin ngayon. Tumango ako bilang tugon at saka niya tinanggal ang nakatakip niyang mga kamay sa mata ko. Pagmulat ko ng aking mata, halos hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko, "Surprise!"

"A-ang ganda naman dito! Salamat, Xandrei!" dala ng sobrang pagkatuwa, niyakap ko siya at hinalikan sa kanyang labi, "Salamat talaga ng marami, Forever Love ko. Kahit kailan ay 'di mo ako nabigong mapasaya."

"Anything for you, My Forever Love." nakangiti naman niyang tugon sa akin. Muling naglapat ang labi naming dalawa at kasabay noon ay ang paglitaw ng mga fireworks sa mabituing kalangitan.

Sunod na humiga kami sa malinis na damuhan na magkahawak ang aming mga kamay habang napapaligiran kami ng puno ng cherry blossoms at sumasabay naman sa pag-ihip ng hangin ang mga bulaklak nito.

"Sa wakas at natupad na rin ang pangarap ko. Salamat dahil kasama kita sa pagtupad nito." hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang kinakausap ko siya. Nakatingin lang naman siya sa akin ngunit hindi nagsasalita, "Alam mo ba Xandrei, napakasuwerte ko dahil ikaw ang lalaking minahal ko. Palagi kang nandiyan para sa akin at kailanma'y hindi ako pinabayaan." ilang segundo pa ang lumipas ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Nagtataka na akong nakatingin sa kanya dahil tahimik lang niya akong pinagmamasdan habang hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi. "Xandrei, ayos ka lang ba?" tumango lang siya bilang tugon.

Parehas kaming napabangon nang dumating ang isa pang lalaki na may dala-dalang dalawang kulay pula na lobo. Lumapit ang bagong dating na lalaki sa amin at saka inabot nito kay Xandrei ang lobo.

"Kunin mo ito." inabot niya sa akin 'yung isang lobo at nagtataka ko itong kinuha sa kanya.

"Para saan 'to?"

"Sabay nating papaliparin ang lobo na ito. Pero bago natin iyon gawin, isipin muna natin ang isang kahilingan na gusto nating matupad."

"Sige." pumikit muna ako at saka mahinang sinabi ang aking kahilingan, "Sana si Xandrei na ang makasama ko sa habang-buhay."

"Sana maging masaya pa rin si Rae kahit wala na ako sa piling niya."

Sabay naming sabi bago tuluyang bitawan ang lobo. Gulat naman akong napatingin kay Xandrei dahil sa sinabi niyang kahilingan niya.

"Ano ba naman iyang pinagsasasabi mo, Xandrei?"

"Wala. 'Wag mo na lang iyong pansinin." hinatak niya ako at tumayo kami sa ilalim ng pinakamalaking cherry blossoms na pumapaligid sa aming dalawa. Hawak-hawak niya ang dalawa kong kamay habang nakatitig ng seryoso at diretso sa aking mata na para bang nagpapahiwatig na ako ang pinakamaganda sa lahat ng nakikita niya.

"Kung makatitig ka naman diyan sa akin. Sige ka, baka matunaw na ako niyan." biro ko at napatawa naman siya ng bahagya, "Ano ba ang meron ngayon at dinala mo ako sa lugar na ito?"

"Gusto ko na sanang magpaalam sa'yo, Rae."

"Saan ka naman pupunta, ha?"

"Sa isang malayong lugar kung saan palagi na kitang mababantayan." hindi ko alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko tungkol sa mga nangyayari ngayon at kusa na lang tumulo ang mga luha ko, "Oh, bakit ka umiiyak? 'Di ba ang sabi ko sa'yo ayaw na ayaw kong nakikita na umiiyak ka?"

"Sabi mo sa malayong lugar ka pupunta. Babalik ka pa dito? Babalikan mo pa ba ako?" hindi niya masagot ang tanong ko. Patuloy pa rin niyang pinupunasan ang mga luha ko habang nagsisimula na ring mangilid ang mga luha niya.

My Gangster ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon