Chapter 5- The Magical Ball

44 2 0
                                    

Oh, oh

When the visions around you

Bring tears to your eyes...

Kinuha ko ang phone ko nang mag-ring ito. Napapangiti talaga ako sa tuwing naririnig ko ang kantang ito kaya ginawa ko na itong ringtone mula nang kantahin ito sa akin ni Xandrei.

Pearl calling...

"Hello, Pearl? Bakit ka napatawag?"

[Lumabas ka ng apartment building niyo. Nandito ako ngayon sa labas.]

"Anong ginagawa mo dito ng ganitong kaaga?"

[Mom wants to talk to you. And besides, 'di ba ako ang mag-aayos sa'yo para sa ball natin mamaya?]

"Haha. Sige. Sandali." binaba na niya 'yung tawag at naghilamos muna ako ng mukha bago sila pinuntahan sa labas. Tumambad sa harapan ko ang isang Ford habang nakasandal si Pearl sa gilid ng pintuan nito.

"Let's go?" nakangiti niyang tanong. Tumango ako bilang tugon at pumasok na sa loob.

Tahimik ang naging biyahe namin papunta sa bahay nila. Seryoso lang akong nakatingin sa mga tanawin sa labas ng sasakyan. Hindi ko maiwasan ang hindi mangamba lalo na nang sumagi ulit sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

*****

"Pearl, is that you?" tanong ng bagong dating at hindi pamilyar na isang babae. Gulat na napatayo si Pearl at napatingin dun sa babae na para bang nakakita siya ng multo.

"N-nicole, buhay ka?"

Lumapit kay Pearl 'yung babaeng tinawag niyang Nicole. Hinarap niya ito at nakangisi itong tinignan.

"Surprised to see me alive?"

"Lumayo ka sa akin!" nabigla ako dahil tinulak ni Pearl si Nicole. Hindi maipaliwanag ang reaksyon ni Pearl dahil para siyang natatakot at nangangamba habang nakatingin dito.

"Oww. Ganyan ba ang tamang pag-welcome para sa muling pagbabalik ko ha, BESTFRIEND?" she really emphasized the word bestfriend. Kahit pa nakangisi siya, hindi nito maikukubli ang galit na nararamdaman niya. Habang tahimik ko lang silang pinagmamasdan, napatingin naman sa akin si Nicole pero parang may kung ano sa mga titig at ngisi niya na naging dahilan para kilabutan ako. "Tell me, sino ka? At ano ang kaugnayan mo sa kanya?" seryoso nitong pagkakatanong sa akin.

"Kaibigan ko si Pearl."

"Oh, come on! Sigurado ka ba na gusto mong maging kaibigan ang demonyong iyan?!" galit na galit niyang idinuro si Pearl. Ano kaya ang nangyari sa nakaraan nilang dalawa para magalit siya ng ganito sa kanya? "If I were you, lalayuan ko na ang babaeng ito dahil panigurado na anytime ay mapapahamak ka lang dahil sa kanya."

"Nicole! Tumigil ka na! Kung ano man ang nangyari noon, tapos na 'yon! Hindi ka pa rin ba nakakapag-move on hanggang ngayon?"

"Ha? Ano kamo? Move on? Did I hear you right? G*go ka talaga! So tell me, paano niyo nagawang makapag-move on na lang ng basta-basta? Hindi ba kayo na-konsensiya sa ginawa niyo sa mga magulang ko? Kung sabagay, parehas nga pala kayo ng kapatid mong KRIMINAL! Mga demonyo kayo!"

Kapatid? Kriminal? Ibig-sabihin, si Xandrei ang tinutukoy niyang kriminal?

"Nicole, si Xandrei ba ang tinutukoy mong kriminal?"

"Oo." walang pag-aalinlangan niyang sagot.

"Rae huwag kang makinig sa kanya!"

"Shut up, Pearl!" galit na utos nito kay Pearl at saka ako tinignan, "So ikaw pala 'yung babaeng naririnig ko na malapit ang loob kay Xandrei. Sayang naman dahil nadamay ka pa sa gusot ng pamilya nila." humakbang siya palapit sa akin at pinaikot ang dulo ng buhok ko sa kamay niya. "Sa ngayon, hahayaan ko na muna kayong i-enjoy ang payapa niyong buhay. Pero darating din ang araw na gaganti ako sa kanila. At alam mo ba kung ano ang naisip kong paraan para iparanas sa kanila ang matinding sakit na naramdaman ko noon?"

My Gangster ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon