Chapter 6- Dreams and Promises

49 2 0
                                    

Time passed by like a blink of an eye. Pagkatapos ng gabing iyon kung saan ipinagtapat namin ni Xandrei ang nararamdaman namin para sa isa't-isa, walang araw na pinapalampas si Xandrei para patunayan kung gaano siya kaseryoso sa akin. Kahit ayaw ko, hatid-sundo siya sa akin. Tuwing papasok naman ako, maski umagang-umaga pa lang ay makakakita na ako kaagad ng mga santan at gumamela sa ibabaw ng desk ko na may kasama pang note kung saan ang palaging nakasulat ay: Always smile, my one and only Forever Love.

Minsan pa nga, nagka-cut siya ng klase niya para lang makita ako kasi nami-miss daw niya agad ako. Araw-araw na rin kaming nagde-date sa iba't-ibang klase ng mga mamahaling restaurant na alam niya. Sobrang nakakatuwa ang lahat ng mga bagay na ginagawa niya para sa akin pero nag-aalala rin ako dahil masyado na akong nakakaabala sa kanya. Hindi ko naman hiniling na palagi niya akong ihatid at sunduin kasi walking distance lang naman ang apartment na tinutuluyan ko mula dito sa school. Hindi ko rin naman hiniling sa kanya na dalhin ako sa mamahaling restaurant sa tuwing may date kami dahil sapat na sa akin kahit fishball o kwek-kwek lang ang kainin namin na may kasama pang inumin na sago at gulaman.

"Gusto ko na espesyal ang bawat araw na magkasama tayo dahil sobrang espesyal mo para sa akin." ito ang palagi niyang sinasabi sa akin. At dahil sa mga ginagawa niya, lalo pa tuloy lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Maging ang isang napakasimpleng bagay na ginagawa niya para sa akin ay sapat na para maging masaya ako. Totoo nga na kapag nagmahal ka, ang simpleng bagay ay nagiging espesyal basta't galing o para sa taong mahal mo.

"May pupuntahan ka ba this summer vacation?" tanong ni Xandrei habang naglalakad kami sa parke. Ngayon kasi ay ang huling araw ng pasok namin para sa 2nd semester this year at bukas na magsisimula ang aming summer vacation.

"Wala naman. Gusto ko lang bisitahin sila mama at papa sa probinsiya. Matagal-tagal na rin kasi mula nang huli ko silang nabisita."

"Kung ganon, sasamahan na kita."

"Sigurado ka? Wala ka bang ibang gagawin ngayong bakasyon?"

"Bukod sa araw-araw kang haharanahin, wala na." nakangiti niyang sagot habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil kinilig ako bigla. Normal lang naman siguro na kiligin ka kapag sinabihan ka ng ganun ng taong mahal mo, 'di ba?

"Ikaw talaga!" mahina ko siyang sinuntok sa braso niya.

Habang naglalakad kami pauwi sa amin, nakasalubong namin 'yung dalawa sa lalaking kaaway niya na nakasaksak sa balikat niya. Napansin ko na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Xandrei at galit siyang nakatingin doon sa dalawang lalaki.

"Ano? Naghahanap na naman ba kayo ng gulo dito?!" galit na tanong nito sa kanilang dalawa. Pansin ko naman na mukhang walang balak na masama ang dalawang lalaki dahil bakas sa kanilang mga mukha ang pagkadala at pagkatakot kay Xandrei. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay kaya napatingin siya sa akin.

"Xandrei, hayaan mo na sila. Mukhang hindi naman gulo ang pinunta nila dito." mahinahon kong sabi at mabuti naman dahil napakalma ko siya.

"Tama siya, Xandrei. Hindi gulo ang pinunta namin dito." wika nung lalaking may kapit ng batuta noon.

"Gusto ka lang sana namin balaan na mag-iingat kayo dahil kumikilos na si Drew at gumagawa ng paraan para makaganti sa'yo." saad naman nung isa pa.

"Pakisabi na lang sa kanya na hindi ko siya uurungan at hindi ako natatakot sa kanya." walang-emosyon na sabi ni Xandrei na tila ba balewala lang sa kanya ang babalang sinasabi nung dalawa. "Tara na nga, Rae. Umalis na tayo dito." nagsimula na kaming maglakad palayo sa kanila pero napatigil din kami saglit sa paglalakad nang may pahabol pa silang sinabi.

My Gangster ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon