Chapter 8- Forever, My Gangster Man

52 2 2
                                    

Play 'I Was Born For You' while reading this chap. Enjoy.

*****

Hindi ako mapakali. Parang may kung ano ang bumabagabag sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay napaparanoid na ako sa 'di malaman na dahilan. O baka naman masyado lang akong excited? Kaninang umaga ko pa kasi tinatawagan at tinetext si Xandrei pero ni isang reply wala akong natatanggap mula sa kanya.

"Kumalma ka nga lang, Rae. I'm sure na baka may ginagawa lang si Xandrei kaya hindi siya maka-reply sa mga text at tawag mo."

"Pero Sunny, parang may mali kasi talaga eh." 'di ko mawari sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Parang kinakabahan ako kaya sobrang 'di ako mapakali.

"Hay naku, Rae. Masyado ka lang kasi excited kaya ka nagkakaganyan. 'Wag ka na ngang mag-isip pa

ng kung ano-ano diyan." saad naman ni Merril sabay inom ng iced coffee galing sa vendo machine malapit dito sa bench na kinauupuan namin sa parke. Umayos ako ng upo at huminga ng malalim. Tama. Kumalma ka lang, Rae. 'Wag ka nang mag-isip pa ng kung ano-ano. Siguro nga may iba lang siyang inaasikaso ngayon kaya hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Tumayo ako at nagpaalam na sa kanila na uuwi muna ako.

Nagmadali akong tumakbo pabalik sa apartment para ayusin ang sketch na ibibigay ko kay Xandrei. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti nang pagmasdan ko ang kwintas na ibinigay niya sa akin kahapon. Hinawakan ko ito ng mahigpit at inisip ang nakangiting mukha ni Xandrei nang ibigay niya ito sa akin. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako kinilig ng ganito. Totoo nga ang sinasabi nila na kapag inlove ka, mararamdaman mo na lang ang sarili mo na nakangiti ka na pala mag-isa sa tuwing iniisip mo ang taong mahal mo.

*Knock Knock*

Tumayo ako at lumapit sa pintuan nang may kumatok. Binuksan ko ito at halos gusto ko nang magtatalon dahil sa lalaking nakaharap sa akin ngayon, si Xandrei.

"Xandrei! Saan ka ba galing at hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"

"Woah! Grabe, ilang oras lang tayo hindi nagkita na-miss mo na kaagad ako?" tumatawa niyang tanong.

"Siyempre naman nuh! Kanina pa kasi ako nag-aalala sa'yo. Malay ko ba kung ano na ang nangyayari sa'yo."

"Napakasweet talaga ng mahal ko." malumanay niyang sabi at saka ako hinila para yakapin niya. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin na tila ba ayaw na niya akong pakawalan pa, "Rae, palagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal kita at kahit ano pa ang mangyari mamahalin pa rin kita. Hindi ko hahayaan na saktan ka ng kung sino man at handa akong gawin ang lahat para protektahan ka kahit pa buhay ko ang maging kapalit nito."

"X-xandrei, bakit ganyan ka kung makapagsalita? Para ka naman aalis at pupunta sa malayo ng walang balikan." biro ko.

"Wala. Huwag mo na lang pansinin ang mga sinabi ko. Sa ngayon, hayaan mo munang yakapin kita." ibinaon niya ang kanyang ulo sa balikat ko at lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Niyakap ko siya pabalik at ipinikit ang aking mata dahil pakiramdam ko, sa tuwing magkasama kami ay walang mangyayaring masama sa akin. "Tara, labas muna tayo."

"Sige."

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng apartment building. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng itim na leather jacket at itim na sumbrero.

"What's with the outfit? Hindi naman malamig pero bakit naka-jacket ka pa?"

"Baduy ba tignan? Ganito kasi talaga ako manamit. It's my gangster style."

"Hindi ah! Ang cool mo nga tignan eh."

"Napakabolera mo talaga kahit kailan." nanggigigil niyang sabi sabay kurot sa magkabila kong pisngi.

My Gangster ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon