Chapter 10- Dreams Come True

72 2 0
                                    

Play 'Right Here Waiting' by: Richard Marx while reading this chapter.

*****

8 years after...

"Rae, hindi ka ba male-late niyan sa flight mo?" tanong sa akin ni Tita habang inaayos ko ang mga gamit ko sa loob ng maleta.

"Hindi po. Mamaya pa naman po ang alis ng eroplano."

"O sige. Basta bilisan mo na lang diyan at malapit ng magsimula ang cherry blossom festival. Baka mahuli ka pa."

"Okay po, Tita."

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko, lumabas na ako at nagpaalam na kay Tita. Niyakap ko siya at nagpasalamat para sa lahat ng mga naitulong niya sa akin. Bago ako tulyang lumabas ng bahay, muli kong pinagmasdan ang kabuuan ng lugar. Ang dami ko na rin palang napagdaanan. Ang dami na rin mga bagay ang nangyari sa akin sa loob ng ilang taon na pananatili ko dito sa japan. Ngunit ngayon ay kailangan ko nang bumalik sa pilipinas upang tuparin ang isang pangarap na binuo naming dalawa.

"Mangako tayo sa isa't-isa. Magkasama nating tutuparin ang mga pangarap natin. Walang iwanan at habang buhay tayong magsasama."

"Oo. Nangangako ako sa'yo na sabay nating tutuparin ang lahat ng iyon. Saksi ang buwan, mga bituin, ang dagat at ang buong lugar na 'to sa mga pangako natin sa isa't-isa."

Sumakay ako ng tren bitbit-bitbit ang aking maleta bago makarating sa parke kung saan gaganapin ang cherry blossom festival. Mula dito sa kinatatayuan ko ngayon, kitang-kita ko kung gaano kaaliwalas ang buong paligid. Sa gilid ng daan ay doon nakatayo ang mga naggagandahang puno ng cherry blossoms. Wala kang kahit anong kalat ang makikita sa paligid bukod sa mga bulaklak ng cherry blossoms na nakabagsak sa lupa. Ang daming mga hapon ang nandito upang makiisa rin sa nasabing festival. Habang naglalakad papunta sa gitnang bahagi ng parke kung saan nakatayo ang pinakamalaking puno ng cherry blossom, isang lalaking hapon ang lumapit sa akin at nakangiting inabot sa akin ang isang kulay pulang lobo.

"Arigatou gozaimasu." sabi ko. (Thank you)

"Douitashimashite." tugon niya at saka naglakad paalis. (You're welcome)

Pinagmasdan kong maigi ang pinakamalaking puno ng cherry blossom. Ang ganda. Pero mas gaganda sana ito kung kasama kita ngayon dito habang pinagmamasdan ito.

"Aside from being successful someday, mayroon ka pa bang ibang pangarap na gustong matupad?" tanong niya sa akin.

"Oo. Gusto kong makakita ng cherry blossoms. Bata pa lang ako noon, pangarap ko na ang makakita ng cherry blossoms. Sobrang ganda kasi nilang pagmasdan at may kung ano sa kanila na nakakapag-pagaan sa pakiramdam ko kapag nakikita ko sila kahit sa tv lang."

"Ako naman, pangarap ko ang makita ka na nakasuot ng wedding dress habang hinihintay kita sa harap ng altar. Ikaw ang pangarap ko na makasama hanggang sa aking pagtanda. Sabay nating pagmamasdan ang magiging mga anak natin mula sa pagiging sanggol hanggang sa magkaroon na rin sila ng kani-kanilang mga pamilya. Ako ang mag-aalaga sa'yo kung nanghihina ka man."

"Xandrei, sa wakas natupad na rin ang pangarap ko na makakita ng cherry blossoms. 'Yun nga lang, wala ka dito sa tabi ko at hindi kita kasama sa pagtupad nito."

Biglang lumakas ang ihip ng hangin at kasabay nito ay ang pagsama ng ilang bulaklak ng cherry blossoms sa pagsayaw nito sa ere. Parang may kung ano akong naramdaman na yumakap sa likuran ko. Napapikit na lang ako at napangiti.

"I love you, Rae. And I'll never go far away from you."

Napalingon ako sa likuran ko nang narinig kong may nagsalita pero pagkakita ko ay wala naman pala. Siguro ay guni-guni ko lang iyon. Pero kahit pa hindi ko nakikita si Xandrei, alam ko na nandito lang siya sa tabi ko at pinagmamasdan ako katulad ng sinabi niya sa akin noon na kahit mawala man siya sa mundong ito, palagi pa rin siyang nasa tabi ko para gabayan ako.

My Gangster ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon