Chapter 1- Saved by the Gangster

131 3 0
                                    

*splash*

"Oops. Sorry. My bad." nagtawanan naman ang mga tao na nakasaksi sa ginawang pagpapahiya sa akin ni Pearl. Parang gusto ko na lang maglaho bigla dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi ko alam kung ano ba ang kasalanan ko sa kanila kung bakit palagi na lang nila ako pinagkakatuwaan at pinapahiya ng ganito sa harap ng maraming tao. Tumungo na lang ako at halos maiiyak na pero nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Enough with this stupidity, Pearl." seryoso at walang emosyon na wika niya.

"What's the matter, Xandrei? Don't tell me naaawa ka sa babaeng 'yan?" nanggigigil na dinuro naman ako ni Pearl, "Baka nakakalimutan mo na siya ang dahilan kung bakit---"

"Shut up or I'll punch your face?" halatang nagulat ang lahat dahil sa pagbabanta ni Xandrei kay Pearl kung hindi pa ito titigil sa ginagawa niya. Napansin ko naman 'yung ibang estudyante na nanonood na palihim na pinagtatawan si Pearl dahil sa pagkakapahiya nito, "Listen, all of you!" sigaw ni Xandrei dahilan para mapunta lahat ng atensyon sa kanya. "If you ever dare hurt her again, I won't think twice to rip all your asses out and smash your f*cking faces using f*cking knuckles! Got that?"

Bakas ang pagkatakot sa mukha ng mga estudyante dahil sa sinabi ni Xandrei. 'Yung iba, halos manginig na sa takot lalo na 'yung mga alipores ni Pearl. Samantalang si Pearl naman ay inis pa rin na nakatingin sa akin. Hindi niya ako magawang lapitan dahil alam kong takot siya kay Xandrei.

Kung sabagay, sino ba naman ang hindi matatakot sa isang Xandrei Fortaleza na halos walang sinasamba mapababae man o mapalalaki. Halos lahat ng tao sa paaralang ito, maging ang ilang teachers and staffs, ay natatakot sa kanya. Kilala si Xandrei dahil sa kanyang pagiging barumbado at basagulero. Kung sabagay, ano pa ba ang ibang aasahan mo sa isang gangster? Kapag sinabi kasi niya ang isang bagay, asahan mo na gagawin niya talaga ito.

"Come with me." walang pasabi niyang hinila ang kamay ko palayo sa lugar na ito. Hawak-hawak niya lang ang kamay ko at wala rin umiimik sa amin hanggang sa makarating kami sa tapat ng boys locker room. Binuksan niya ang pinto at saka sinigawan ang mga lalaki sa loob na umalis. Wala pang tatlong segundo ay nakaalis na kaagad ang mga lalaki sa loob. Ibang klase talaga ang isang 'to. Marinig mo lang ang boses niya ay siguradong kikilabutan ka na. Kakaiba kasi siya at ang awra niya. Unang tingin pa lang sa kanya, masasabi mo na na hindi siya 'yung tipo na dapat mong banggain o hindi mo kayang kalabanin.

"T-teka, anong gagawin mo sa akin? Huwag mo akong re-rape-in." kinakabahan kong sabi nang hilahin niya ako papasok sa loob ng locker room. Hindi niya ako sinagot at basta-basta na lang ni-lock ang pintuan. Napasandal naman ako sa dingding habang yakap-yakap ang aking sarili.

*gulps*

Jusmiyo! Anong ginagawa ng lalaking ito at naghuhubad sa harapan ko? Ipinikit ko ang aking mata habang tinatawag ang lahat ng mga santo at santa upang tulungan ako na maisalba ang virgin life ko. Akala ko kung ano na ang gagawin niyang masama sa akin pero naramdaman ko ang isang malambot na bagay na humagis sa ulo ko. Iminulat ko na ang mga mata ko at nagtatakang tinignan ang t-shirt na inihagis niya sa akin.

"Wala akong ibang spare na damit kaya iyan na lang muna ang isuot mo." nakahinga naman ako ng maluwag dahil buti na lang wala pala siyang binabalak na masama sa akin. Ako lang pala 'tong masyadong assuming eh. Kumuha naman siya ng isa pang polo sa locker niya at ito ang kanyang sinuot "Magbihis ka na at hihintayin na lang kita sa labas."

Bago pa man ako makapagsalita, kaagad na siyang lumabas ng locker room at iniwan ako mag-isa dito. Tinignan ko ulit ang t-shirt niya na hawak ko. Inamoy ko pa ito at infairness, ang bango. Nagbihis na ako at tinupi ng maayos ang blouse ko na halos kulay dilaw na dahil sa mango juice na ibinuhos sa akin ni Pearl kanina. Pagkalabas ko sa locker room, naabutan ko na nakasandal sa pader sa gilid ng pintuan si Xandrei. Hindi niya ako nilingon at nauna na siyang maglakad. Humabol naman ako sa kanya at sumabay sa paglalakad niya.

My Gangster ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon