Chapter 7- My First and Last Kiss

42 1 0
                                    

4th year college na kami at sa loob ng dalawang buwang bakasyon ay ang daming nangyari. Pero ang samahan naming magkakaibigan ay mas lalong lumalakas at tumitibay.

"Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Zia nang maabutan niya akong nag-iisa dito sa classroom namin. Uwian na kasi namin pero nagpaiwan ako dito dahil tinatapos ko pa itong ginagawa ko.

"A-ano... Wala lang ito. Hehe." kinakabahan kong sagot habang tinatakpan ang inii-sketch ko gamit ang aking kamay.

"Ows? Patingin kasi." wala na akong nagawa pa dahil sapilitan niyang kinuha ang bondpaper ko. Nagpapalit-palit naman ang tingin niya sa akin at sa drawing ko.

"Naks naman, Rae. Mukhang pinaghahandaan mo na ang future niyo ah?" nakangisi niyang pang-aasar at saka ibinalik ulit sa akin 'yung papel. Umupo siya sa unahan ko at tinignan ako nang may mapang-asar na ngiti, "Kailan mo ba balak sagutin si Xandrei? Walong buwan na rin siyang nanliligaw sa'yo ah?"

"Mukhang wala yata siyang balak pasagutin ako."

"Ano?!" gulat niyang tanong.

"I mean, kahit gusto ko na siyang sagutin, palagi niyang sinasabi sa akin na huwag ko raw muna siyang sasagutin dahil gusto niyang pahirapan ang sarili niya bago ko siya sagutin." medyo natatawa ako sa tuwing naaalala ko ang reaksyon ni Xandrei. Balak ko na sana siyang sagutin nung isang buwan kasi ilang beses na naman niyang napatunayan na seryoso at totoo ang nararamdaman niya para sa akin kaso nga lang, siya pa itong nagsasabi na huwag ko muna siyang sasagutin dahil gusto niyang maramdaman na talagang pinaghihirapan niya ang kanyang mga ginagawa bago makamit ang matamis kong oo. Minsan, hindi mo maiisip na may pagka-weirdo din pala 'tong si Xandrei.

"Ang swerte mo naman kay Xandrei. Sana lahat ng lalaki sa mundo katulad niya. Hindi katulad nung ex kong walanghiya na sobrang kapal ng mukha! Mas makapal pa sa pinagsamang thesaurus, encyclopedia at libro ng calculus!" hindi naman siguro halata na bitter siya sa ex niya, 'di ba? "By the way, ano pala ang meaning niyang ini-sketch mo?"

"Pangarap ko kasi ang makakita ng cherry blossoms balang araw. At ang sabi sa akin ni Xandrei, sasamahan niya akong tuparin ang pangarap kong iyon. Kaya naman nag-drawing ako ng isang babae at lalaking magkahawak-kamay habang pinagmamasdan ang mga puno ng cherry blossoms sa paligid nila."

"Eh 'di kayo na ang sweet." napatawa na lang ako dahil ibang klase ang pagiging bitter niya. Mas mapait pa sa ampalaya. Biro lang. Hinintay na ako ni Zia tutal kaunti na lang naman ang aayusin ko dito sa ginagawa ko at sabay na kaming lumabas ng school. Nagpaalam na ako sa kanya dahil magkaiba ang daan papunta sa mga bahay namin. Habang naglalakad ako, napapangiti ako mag-isa dahil excited na ako para bukas. Sasagutin ko na talaga siya at hindi ko na hahayaan pang umangal siya tutal walong buwan na rin siyang nanliligaw sa akin at balak ko rin ibigay sa kanya itong ginawa ko.

Nang nasa tapat na ako ng gate ng apartment, nagtaka ako dahil may isang pamilyar na kotse ang nakaparada sa loob ng compound. Nagulat ako dahil pagkapasok ko sa loob ng apartment room ko ay nandun si Xandrei at naghihintay sa loob.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba may pinuntahan ka kaya absent ka kanina?"

"Kaya nga ako nandito para sunduin ka."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Basta. Magbihis ka na lang para makaalis na tayo."

"Sige. Sandali lang." dumiretso ako sa kwarto at nagbihis ng pang-alis. Saan naman kaya kami pupunta ngayon at mukhang bihis na bihis siya? Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at lumapit kay Xandrei. "Saan tayo pupunta ngayon?"

"Secret muna. Malalaman mo rin mamaya." nakangiti niyang sagot sa akin.

"Sus! May pa-thriller effect ka pang nalalaman diyan."

My Gangster ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon