Chapter 4- A Memorable Date Proposal

52 2 0
                                    

"Excited na talaga ako sa ball." kinikilig na sabi ni Ailyn habang nagla-lunch kaming dalawa, "Ikaw Rae, excited ka na rin ba?"

"Hindi eh."

"Aww. Wala ka bang balaka um-attend?"

Napabuntong hininga naman ako, "Hayy. Wala sana akong balak pumunta sa ball na 'yan kaso sayang naman 'yung dress na binigay sa akin ni Zia."

"Yehey! Sa wakas may kasama na rin ako." tuwang-tuwa niyang pahayag. Hindi naman halata na masyado siyang excited, noh?

"May kasama ka naman talaga eh. 'Di ba si Ronald ang date mo?" tanong ko sabay inom ng lemon juice.

"Yep. And speaking of that, meron ka na bang ka-date?"

"'Di naman siguro mandatory 'yun, 'di ba? Pwede naman siguro kahit mag-isa ka lang."

"Pero mas maganda kasi 'pag may ka-partner ka para bongga 'pag naglakad kayo sa red carpet."

"Talagang may red carpet ka pang nalalaman ha?" natatawa kong sabi.

Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos kong kumain at dumiretso sa locker room para kuhanin sa locker ko 'yung iba kong gamit. Sakto naman na naabutan ko 'yung ibang mga babae sa loob na nag-uusap din tungkol sa ball.

"I can't wait for the ball. I'm so excited na talaga."

"The question is, may mga ka-partner na ba kayo?"

"Oo naman. Ang dami ngang nagyaya sa akin na maging partner nila. Duh! Tingin mo walang magyayaya sa akin sa ganda kong ito?" maarteng pagkakatanong ng isa pang conyo girl. Eh 'di sila na ang magaganda. Sila na ang may mga kapartner.

"Whatever." pagkatapos nun, lumabas na sila at ako na lang mag-isa ang naiwan dito. Habang inaayos ko ang mga kakailanganin kong gamit para sa susunod na subject ko, bumukas ulit ang pinto at pumasok naman si Pearl. Lumapit siya sa akin since magkatabi lang naman ang locker naming dalawa.

"Rae, I need to talk to you." seryosong pagkakasabi niya.

"Bakit? Tungkol saan ang pag-uusapan natin?"

"I... I just want to say... sorry. I'm sorry sa lahat ng mga nagawa ko sa'yo." nakatungo at tila nagpipigil ng iyak na wika niya.

"Sus! 'Yun lang pala. Hayaan mo na 'yun. Ang mahalaga naman ay ayos na tayong dalawa." nakangiti kong sabi at nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap.

"Sorry. Sorry talaga and thank you. Promise, I'll make it up to you." kumalas siya sa pagyakap sa akin at saka nakangiti akong tinignan, "If you want, ako na ang bahala sa'yo sa ball. Ako na ang bahalang mag-ayos at mag-make up sa'yo."

"Naku, hindi na. Baka makaistorbo lang ako sa'yo eh."

"Silly. Of course not. Besides, mahilig talaga ako mag-make up ng iba."

"Sige. Maraming salamat, Pearl."

"No. I should be the one thanking you." tumingin siya sa akin ng diretso at saka ako nginitian, "Salamat, Rae."

Sabay kaming lumabas ng locker room at nagpaalam na sa isa't-isa dahil mayroon pa raw siyang pupuntahan. Lumiko ako sa kabilang direksyon at nagulat ako dahil may lalaki ang biglang sumulpot na lang at hinila ako sa kamay.

"Ronald, anong ginagawa mo?" parehas na kaming tumatakbo habang hila-hila niya ako.

"Basta. Sumama ka na lang sa akin." walang lingon-likod niyang sabi habang patuloy pa rin niya akong hinihila hanggang sa makarating na kami sa loob ng gymnasium.

"Ronald, ano ba ang meron? Bakit mo ako dinala rito? Aalis na ako baka kasi mahuli pa ako sa susunod kong klase."

"Hindi, Rae. 'Di ka pwedeng umalis."

My Gangster ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon