Biro Lang

1K 12 1
                                    

"Xyra, may---" Bago pa matapos ng cute na nilalang na toh ang sasabihin niya eh biglang may umakbay sa 'kin.

"Sorry dude. Busy siya." Bigla niya kong hinila habang nakaakbay parin palayo dun sa lalaking cute.

Nung nakalayo na kami.

"OY! Problema mo Bret? Bakit mo ginawa yun?! Sayang ang cute pa naman nun!!" Sigaw ko kay Bret. Nakakainis siya!

"Gwapo naman ako." Proud niyang sabi. Aba't!

"Ang yabang mo! Gwapo ka nga mahangin naman!"

"So aminado kang gwapo ako?" Sabi niya habang ngiting-ngiti.

"Wa-wala akong sinabing gwapo ka!" Ma-utal-utal kong sigaw sa kanya.

"Sige deny mo lang. Haha! I heard it with my two own ears. Kaya crush na crush kita eh..." Seryosong sabi niya habang nakangiti.

"Biro lang..." Tas bigla siyang nagsmirk at iniwan ako.

Epal ka talaga Bret kahit kelan!!! Tss. Maniniwala na sana ako eh pero alam ko naman na BIRO LANG yun. Lagi niya yan sa 'kin sinasabi na crush na crush niya daw ako pero in the end sasabihin niya Biro Lang. Tss. Okay na eh. Kaya lang Biro lang niya yun.

"Xyra!!" Ano na naman kayang kelangan ng isang toh?! Pagkatapos niya kong iwan kanina. Sarap kutusan! >.<

"Anooo?!" Sigaw na sagot ko sa kanya.

"Si Sadako ka ba?" Anong trip na naman toh?

"Huh? At bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi kapag wala ka SAD AKO." Nakapout siya, habang nanlaki naman mata ko. Ang corny kaya pero paaayn ang sweet. >.<

"Hahahahahaha!!! Biro lang!" Humagalakhak siya sa tawa. As expected. Biro lang yun.

"Dun ka na nga! Nanggugulo ka na eh! Sa iba mo na lang sabihin yang mga CORNY mong pick-up lines." Sigaw ko sa kanya. Imbis na umalis eh umupo siya sa tabi ko.

"Di kaya corny yun! Hahahahah!! Tsaka bakit ba? Gusto ko sayo ko sabihin eh." Nak ng tokwa. Kung di ko lang alam na biro lang toh eh kinilig na ko ng wagas dito.

"DUN KA NA NGA!!!" Sigaw ko habang iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Pano ba yan, para na kong strong glue na nakadikit sayo kaya kahit anong pilit mong ilayo at tanggalin ako sa buhay mo hinding-hindi mangyayari yun. Kaya kahit san ka magpunta andyan lang ako sa tabi mo." Napalingon ako at bigla niya kong kinindatan. Ano ba Bret! Inis naman toh oh.

"Woooh!! Nice naman Bret!"

"Hahahahaha!! Ayos tol ha!!"

"Kilig to the bones!"

"Gumaganon na si Bret!!"

Ngumiti lang siya ng todo sa kanila at tumingin siya 'kin at bumulong, "Biro lang yun ha."

Bwisit ka Bret. Sana totohanin mo na lang yang mga Biro mong yan! Langya. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.

Habang nagmumuni-muni ako bigla siyang nagsalita.

"Xyra." Seryoso ung tono niya.

"Ano na naman?" Irita kong sabi.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon