Ulan

545 3 0
                                    

Naranasan mo na bang umibig ng totoo? Yung tipong seryoso ka sa kanya at di mo siya kayang lokohin at iwan? Yung tipong siya lang at wala nang iba? At yung tipong di mo kakayanin pag nawala siya?

------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Evan!!!!!!!!!!" Nagulat ako sa sigaw ni Ken. Napatingin ako sa kanya.

"Dude. Di ka parin okay? 1 year nang nakalipas ha?" Napabuntong-hininga na lang ako.

"Alam mo Evan, usong mag-move on? Bakit di mo i-try?" Sinubsob ko ang mukha ko sa desk at huminga ng malalim.

Sa totoo lang, I did everything for me to move on. Lahat ginawa ko para makalimutan siya. Sinubukan kong maghanap ng iba pero pagnaisip ko siya di ko na magawa. Mahal na mahal ko siya. Di ko siya kayang ipagpalit sa iba. Kahit iniwan niya ko a year ago, siya parin ang mahal ko.

Ako nga pala si Evan. Isang 2nd year college. Nagmahal ako sa isang babaeng akala ko siya na, pero yun pala dadaan lang siya sa buhay ko. 3 years kaming nagtagal. After 2 weeks nung anniversary namin nakipagbreak siya. Umuulan nun. Nagpapasalamat nga ako at dahil sa ulan di niya napansin ang mga luha na tumutulo sa mga mata ko. Sobra ko siyang minahal pero wala eh, nagbago siya. Ang tanging nasabi niya lang noon, "People change Evan. I loveD you. I'm sorry." 

Wala akong nagawa. Iniwan niya kong luhaan at bigo. Lahat na ata ginawa niya para lumayo sa 'kin. Umalis siya sa school, bago na din ata number niya tas ung mga kaibigan niya nilalayuan ako. Sabi na lang ng iba sa 'kin eh magmove on na lang daw ako. Sinubukan ko pero di ko kinaya. Siya parin ang mahal ko. Siya lang at wala nang iba.

"Shoot! Umuulan na naman." Biglang salita ni Ken. Napatingin ako sa bintana sa classroom. Bumalik na naman ang ala-ala niya sa 'kin, ung panahon na nakipagbreak siya sa 'kin.

Mabilis lumipas ung oras at ayun uwian na. Umuulan parin. Nauna na si Ken umuwi, nagpaiwan muna ko saglit. Di katagalan eh umuwi na rin ako.

Naglalakad ako papunta sa pinagparkingan ko ng kotse ko. Habang naglalakad ako may napansin ako isang babae. Nakayuko siya at nakaupo na sa lapag. Natatakpan ng buhok niya ang mukha niya. Nilapitan ko ung babae. 

"Ah.. Miss, basang-basa ka n--" Biglang tumingin sa 'kin yung babae. Shit! Anong ginagawa niya dito?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Author's Note]

HELLO!!!!! ^__^ Alam ko bitin. Haha! Don't worry my part 2 toh. ;) Napagtripan ko lang toh kasi umuulan ngayon. Haha! Sana magustuhan niyo toh. :D

VOTE/COMMENT lang kayo. =))))

- D

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon