Love That Last (Sequel to Ulan)

490 5 0
                                    

2 years na ang nakalipas. 2 years na ang nagdaan. Hanggang ngayon, mahal na mahal ko parin siya.

"Oy Evan! Tara na!!"

"Oo ito na. Saglit lang."

Dalawang taon na pala nung huling nakita ko ung First Love ko, si Breya. Nagulat ako sa ginawa niya nun pero she was sorry. Di niya daw sinasadya. Hay. Naaawa ako sa kanya. Niloloko siya nung bf niya nun. Sobrang depressed daw siya nung araw na yun kaya nagawa niyang halikan ako.

Lumabas na ko ng room kasama si Ken. Graduating na kami. Hassle sched namin. Super busy tas nakaka-depress na.

"Evan!!!!!"

Napalingon kaming dalawa dun sa sumigaw. Si Breya... Kumaway siya samin at agad na lumapit samin.

"Uuwi na kayo?"

"Ah, oo. Dami pang gagawin eh."

"Ah ganun ba. Teka... Evan, pwede bang mahiram muna kita saglit?"

Napatingin ako kay Ken.

"Sige dude, hintayin na lang kita sa waiting shed."

Tumango ako at ngumiti. Bigla namang naglakad si Breya. Sinundan ko na lang siya. Ano naman kaya kelangan nito sa 'kin.

"Ahhh.. Breya.. Anong---"

"Mahal mo pa siya dba?"

Nagulat naman ako ng bigla siyang nagsalita. Tinignan ko siya, diretso lang ang tingin niya. At ano daw? Mahal ko pa siya? Iisang tao lang ang pumasok sa utak ko sa tinutukoy niya. Iniwas ko ang tingin ko at bumuntong hininga ako.

"Sabi na eh. Mahal mo pa siya."

Tinignan ko ulet si Breya. Nakangiti siya.

"Alam mo Evan kung mahal mo pa siya why not look for her."

"Para san pa? Iniwan niya ko, Breya. Di niya na ko mahal."

"Why not try Evan. Di mo pa tinry na hanapin siya, na alamin ang lahat kung bakit ka talaga niya iniwan."

Di ko ma-gets punto ni Breya. Tumigil siya sa paglakad at humarap sa 'kin. Hinawakan niya ko sa magkabilang braso.

"Evan.. Walang mawawala. Maaaring masaktan ka ulet pero at least you've tried diba?"

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa 'kin at nginitian ako.

"Tsaka malay mo andyan lang pala siya sa tabi-tabi, pinapanuod ka."

Napataas naman ung kilay ko sa sinabi niya. Bigla siyang tumawa.

"Sige na mauna na ko. Madami ka pang gagawin dba? Sige. Bye!"

Bigla naman siyang tumakbo.

"AY! Oo nga pala!"

Tumigil siya at nilingon ako.

"Pumunta ka sa may garden! NOW NA!!"

"Teka!! Anong gagawin ko dun?!"

"Basta!! Pumunta ka ha!!!"

At agad-agad siyang tumakbo palayo. Hay! Ano naman kayang meron sa garden?

Pumunta naman ako sa garden. Pagkarating ko dun nilibot ko ung mga mata ko sa paligid. Wala namang tao. Ano bang meron dito? Naglakad-lakad ako at patuloy na tumingin sa paligid. Bigla naman akong may nakitang babaeng nakaupo sa may gilid ng isang bench. Medyo tago ung bench kaya di makita. Lumapit ako ng onti para makita kung sino.

[Akira's POV]

Andito ako ngayon sa garden. As usual, umiiyak. Nakita ko kasing magkasama si Evan at Breya sa hallway kanina. Aminado ako, nasasaktan ako. Mahal na mahal ko parin si Evan kahit dalawang taon na ang nakalipas.

"Ano ba Akira!! Wag kang umiyak. *hik* Iniwan mo siya diba? *hik* Maging masaya ka para sa kanya. Naka-move on na siya!!!!"

"Ginusto mo toh dba? *hik* Hindi mo sinabi sa kanya ang totoo kung bakit mo talaga siya iniwan. Nagsinungaling ka. *hik*"

"ANO BA!!!!! Dammit. Bakit ba ang hirap mo kalimutan Evan?! Bakit ba hanggang ngayon mahal na mahal parin kita?!!! Akala ko makakalimutan kita. Akala ko mawawala din tong nararamdaman ko para sayo pero damn walang nangyari. Mahal na mahal parin kita!!"

Humagulgol lang ako ng humagulgol. Makalipas ang ilang minuto medyo okay na ako. Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim. Kimuha ko ang mga gamit ko at tumayo.

Paalis na sana ako kaya lang pagtalikod ko nagulat ako sa nakita ko.

"E--evan?"

Imbis na magsalita biglang lumapit sa 'kin si Evan at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw. Para akong naging istatwa bigla.

"Mahal na mahal parin kita Akira. Iniwan at sinaktan mo man ako, ikaw parin ang mahal ko."

Sa mga salitang sinabi niyang yan agad naman tumulo ang mga luha ko sa mata. Niyakap ko din siya. Humigpit lalo ang pagkakayakap niya sa 'kin.

Hindi ko alam na mahal na mahal niya parin ako. Akala ko naka-move on na siya. Akala ko nakalimutan na niya ko. Akala ko galit siya sa 'kin. Pero hindi. Naiiyak ako sa sobrang saya. Hindi ko akalain na ang pag-ibig namin sa isa't isa tatagal ng ganito. I never knew our love will last. 

Ngayong nabigyan na ko ng isa pang pagkakataon hinding-hindi na ko magsisinungaling sa kanya. Hinding-hindi ko na siya iiwan. Ganyan ko siya kamahal. I love you this much Evan.

I'm here not because I am supposed to be here or because I'm trapped here but because I'd rather be with him than anywhere else in the world.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Author's Note]

HI GUYS!!!!!!!!!!! :) OMG. Long time no post. Na-miss niyo ko? De joke. Ayun. Tagal na nitong naka-stock sa works ko ngayon ko lang natapos. SORRY FOR BEING INACTIVE. Busy na sa school eh. College na eh. :(( Bawi ako sa inyo pag may free time ako. :D I'll try to update my other stories ( Love or Friendship, The Falling Star, Fire and Ice & Forevermore) this weekend. Sorry talaga di na ko nakakapag-update. OMG. </3

Do VOTE/COMMENT on my stories. Don't forget to FAN/FOLLOW. =))))

 - D

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon