Best Friend Ko

1.2K 17 0
                                    

"Aaaaaaaaaaaaayeeeeeeeeeeeen!!!!" ayst. Ito na naman si Troy. Aga-aga sinisigaw na naman pangalan ko. =_=

"Bakit na naman ba?" tinignan ko ng badtrip na tingin si Troy. Umupo siya sa tabi ko at nagpout.

"Bakit badtrip ka na naman? Aga-aga ha?" hayst. nagpapacute na naman siya.

"Eh kasi naman ang aga-aga sumisigaw ka." inirapan ko siya at iniwas ang tingin ko sa kanya. Nagulat naman ako ng akbayan niya ko.

"Bakit ba? Namiss ko best friend ko eh! Tsaka masama bang ipagsigawan ko ang pangalan mo?" psh. ayan na naman tayo. hay.

Ako nga pala si Ayen. 4th year high school. Mabait at maganda daw ako. Psh. Yeah right. Puro bola. >.< May Best Friend ako, si Troy. Naging magkaibigan kami since grade 6 kami. Crush ko si Troy nung mga panahong yun kasi mabait, matalino at gwapo pa! All in 1 diba? Sikat yan dito sa school. Varsity Player ng basketball, habulin din ng mga babae. At ako? Well, Nerdy ako, fashonista minsan pero I really don't care about my looks, basta ang mahalaga sa 'kin maganda ang ugali ko. ^^

Well... Isang araw, nagising na lang ako, mahal ko na pala si Troy. Sinubukan kong umamin sa kanya pero ang laging pangbungad niya sa 'kin "BEST FRIEND!!!" Lagi tuloy umuurong dila ko. Kaya ayan napagpasyahan ko na itago na lang at magsungit sa kanya. Masakit kasi eh. Hamak na best friend niya lang ako. :(

"Ayeeeeeen!" ay palaka! Ano ba tong si Troy! Lagi na lang nanggugulat.

"Pwede ka ba mamaya?" huh? Ano nanaman kaya plano nito?

"At bakit?" nginitian niya ko at biglang hinawakan kamay ko. Troy. Ano ba. Wag kang ganyan. Alam mo yung nasasaktan ako? :'(

"Nuod ka ng game namin mamaya. Gusto ko andun Best Friend ko!" Aray! Ayan na nga ba sinasabi ko. :(( Ngumiti ako sa kanya.

"Yun lang pala eh! Of course! Susuportahan ka ng Best Friend mo!" tuwang-tuwa naman si Troy. Para talagang bata. Ang cute niya. >.<

"Ah sige, Ayen. Alis na ko. May practice pa kami eh. Ba-bye!! ^____^" ngumiti lang ako at kumaway sa kanya. Hay buhay. Bakit kasi sa best friend ko pa ako na-in love. :/

------------------------------- GYM ----------------------------------

"UY AYEN!" ano ba naman tong si Haley. Bigla-bigla na lang susulpot. =.= Umupo siya sa tabi ko at  kinain ung dala-dala niyang pagkain.

"Seryoso titig mo kay Troy at Brena ha?" tss. Eh bakit ba? Na-cucurious ako kung bakit sila magkausap. Tss. -_______-

"Umamin ka nga Ayen, crush mo parin si Troy noh?" bigla naman akong napatingin kay Haley at napa-"HA-ANO-LOOK" sa kanya. Napatingin siya sa kin at natawa ng onti.

"Sabi na eh! Crush mo parin si Troy. Hahahahaha!! Pag talaga wala sa tabi mo si Troy nagiging obvious ka." tinignan ko si Haley ng masama at kumuha ako sa kinakain niya.

"Tumahimik ka na nga lang!" natawa lang si Haley sa reaksyon ko.

Di katagalan nagstart na ung game. Maganda ung laro nila. Pinapanuod ko lang si Troy maglaro. Shemay. Bakit ba ang gwapo niya? >.< Maya-maya eh nasa gitna na ang laro. Nagtime out ung team nila Troy.

"Bakit kaya sila nagtime-out? Ganda naman ng laro nila ha?" paktataka naman ni Haley. Onga noh. Bakit kaya? Dapat ung kabilang team ang magtime out eh.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon