Love Letters

838 6 0
                                    

Binuksan ko ang locker ko. Napahinga ako ng malalim.

"Oh? Bakit?" Biglang tumingin naman ang Best Friend ko sa loob ng locker ko.

"Ahahahahahah!! Ano ka ba naman Jes. Di ka na nasanay." Tawa lang ng tawa si Gina. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Kinuha ko mga libro ko sa locker ko at sinara na ito at naglakad na palayo.

"Oy! Di mo manlang babasahin ung Love Letters mo?" natatawa-tawang sabi ni Gina.

"At bakit pa? Mga ka-cornyhan lang naman laman nun." masungit na sagot ko kay Gina.

"Grabe ka naman Jes. In love ung tao sayo eh kaya niya nasasabi ung mga yun. Palibhasa, di ka pa na-iin love." Tss. Sabagay, pag in love ka nalalabas mo ung mga ka-cornyhan mo. At mali si Gina dun. Tss. Na-in love na kaya ako, wait, IN LOVE pala ako.

In love ako sa Campus Heartthrob namin. Si Gian. Kakambal siya ni Gina. Yes. In love ako sa kapatid ng best friend ko. Di ko yun sinasabi sa kanya kasi alam niyo na baka madulas pa tong babaeng toh sa kakambal niya. Mahirap na.

Naglakad na kami papuntang classroom at pagpasok namin sinalubong agad kami ng kakabal ni Gina. Ang gwapo talaga niya.

"Oh bakit? Ano na naman kaylangan mo?" masungit na tanong ni Gina. Nginitian naman siya ni Gian at ginulo ang buhok niya.

"Ang aga-aga ang sungit ng kakambal ko." Eh? Ang cute lang.

"Ano na naman ba kasi kelangan mo? Wag mo nga guluhin buhok ko." Inis na sabi ni Gina. Haha! Ang cute nilang magkapatid.

"Sasabihin ko lang po na di ako makakasabay pa-uwi sayo mamaya. Late po akong uuwi." sabi naman ni Gian habang nakangiti.

Bigla naman siyang tumingin sa kin at ngumiti. "Hi Jes." SHET! SHET! SHET! Ano ba Jes!!! Wag kang kiligin. Lagi naman siyang nagha-hi sayo eh. Pero SHEEEEEEEEET!!! "Ha--hi!" sabi ko tas sabay ngiti. Bigla namang hinawakan ni Gina kamay ko.

"Sige na! Sige na! Kahit di ka na umuwi eh. Sabay na lang kaming uuwi ni best friend! Dyan ka na nga!" pagsusungit naman ni Gina sa kakambal niya. Kahit kelan ang sungit talaga ni Gina sa kapatid niya. 

Umupo na kami ni Gina sa places namin. Wala pa ung katabi ko. Si Gina naman eh busy, ginagawa assignment niya. Tamad-tamad kasi. Kinuha ko na lang ung libro ko at nagbasa. Mga ilang sandali lang eh naramdaman kong may tumabi sa 'kin.

"Ah.. Jes.." Teka. Kilala ko ang boses na toh. Hindi ako pwedeng magkamali. Agad naman akong napatingin sa katabi ko. SHET. Sabi na eh! Bigla namang nag-dugudug ung puso ko.

"Ahh.. Baket?" Kalmado kong tanong.

"Uhm, ano kasi eh. Bawal kasi si Nina magstay after school may lakad daw kasi siya." Eh anong paki ko ngayon? Tss. Close kasi sila ni Nina. President kasi si Gian ng School Council, VP naman si Nina. At ako? Syempre, Secretary. Papahuli ba ko? Hahahaha!!

"Ano.. Pwede ikaw na lang tumulong sa 'kin sa mga paper works sa SC?" Nahihiyang tanong ni Gian.

"Ah eh... Okay lang pero si Gina..." Pag-aalinlangang sagot ko.

"Ako na bahala dun! Di naman ako matitiis nun eh." Nakangiti niyang sagot.

"Asus. Di matitiis. Eh parang under ka dun sa kakambal mo." Pang-aasar ko. Tumawa siya ng onti.

"Pagmahal ko nagpapa-under talaga ako. Haha! Kaya nga kahit asfajfhakjhfajs magpapa-under ako." Ano daw? Kanino daw siya magpapa-under? Medyo pabulong ung pagsabi niya eh. Dakilang bingi pa naman ako. Magtatanong sana ako ng bigla na siyang tumayo.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon