Di kita gusto...

720 4 0
                                    

"Di kita gusto..."

Yan laging sinasabi niya tuwing sinasabi kong gusto ko siya. Ang sakit lang. Di ako gusto ng taong gusto ko. Tuwing sinasabi niya yan bigla na lang akong aalis. Ewan ko pero gusto kong umalis. Masakit eh. Di niya ko gusto.

"Uy Alec! Tulala ka na naman diyan. Wag mo na ngang isipin si Mandy." Sita sakin ng kabarkada ko.

"Ang sakit lang kasi Nick. Parang ang dali para sa kanya na sabihin ang mga salitang Di Kita Gusto." Malungkot na sabi ko kay Nick.

"Wag mo na damdamin bro. Ganun talaga eh. Baka iba taste ni Mandy sa lalaki. Gwapo ka tol! Madami kayang nagkakandarapa sayo." Sagot naman ni Nick na natatawa-tawa pa. I flashed a weak smile.

"Madami ngang nagkakandarapa sa 'kin pero siya parin ang gusto ko." Onti-onti namang naglaho ang ngiti sa labi ko. Tinap lang ako sa likod ni Nick.

Madaling lumipas ang mga araw. Ganun parin naman. Malungkot parin ako, medyo iniiwasan ko na din si Mandy. Masakit parin kasi eh. Naglalakad ako ngayon sa hallway, pauwi na ko. Bigla namang may humila sa braso ko.

"Alec. Wait." Boses palang kilala ko na. I took a deep breath at nilingon siya. Ang ganda talaga niya. Nginitian ko siya pero di siya ngumiti.

"A-alec... Iniiwasan mo ba ko?" Napansin niya yun?

"Mandy, gusto kita." Ito na naman ako. Pag yung mga katagang yun na naman ang sinabi niya bibitiw na talaga ako. Kakalimutan ko na siya. Huminga siya ng malalim.

"Alec... Di kita gusto..." Ayan na nga. Ang sakit talaga. Tumalikod ako at nagmadaling maglakad. Ayoko nang masaktan pa. Ang dali naman para sa kanya sabihin ang mga salitang yun. Di niya ba alam na nakakasakit siya. Sana naman inunti-unti niya ung pag sabi sa kin ng di niya ko gusto hindi ung ang harsh niya.

"ALEC!! DI KITA GUSTO KASI MAHAL KITA!!!" Napatigil ako sa paglakad. Te-teka.. Tama ba narinig ko? Ma-mahal niya ko? Tumalikod ako para tignan siya. She flashed a sweet smile tas naglakad siya papalapit sa kin.

"Mahal kita Alec. Nakakainis ka naman kasi eh. Everytime na sasabihin kong di kita gusto di mo ko pinapatapos lagi ka na lang tatalikod at maglalakad palayo. Nung mga araw na iniiwasan mo ko sobrang nasaktan ako. Ang lungkot ko nun kaya napagdesisyonan ko na kausapin ka. Na-miss ko presensya mo eh." Malungkot na sabi niya. Mahal ako ni Mandy? Totoo ba toh? Ewan ko pero nabuhayan ang puso ko. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko mga kamay niya ngumiti din siya sa kin.

"So-sorry ha? Dat pala straight forward ko na lang sinabi na Mahal Kita." Nahihiya niyang sabi. Hinawakan ko pisngi niya.

"Okay lang yun that ako nga magsorry eh. Di kita lagi pinapatapos sa mga sasabihin mo. Sorry ha? Mahal din kita Mandy. Mahal na mahal." Ngumiti ako sa kanya. Nginitian niya din ako. The next thing I knew I kissed her.

Ang sarap sa feeling na mahal ka din ng taong mahal mo. Sobrang saya ko. Di ko rin kasi naisip na kaya di niya ko gusto kasi mahal niya ko. Dat pala hinintay ko siya kung may sasabihin pa siya after niyang sabihin ang mga salitang di kita gusto. Pero okay na. Gumawa na ng paraan ang tadhana eh. Kaya ngayon masasabi ko hindi happy ending ang storya ko kundi dito palang nagsisimula ang happy beginning ng storya ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Author's Note]

Hobby ko na po ang magsulat ng One Shot Stories. \(-_-)/ Hehe. Hope you like it guys. :) Lesson learned. Patapusin magsalita ang isang tao. HAHA! So ayun. Alam ko simpe lang siya. Sana ma-appreciate niyo toh. :D

VOTE/COMMENT to let me know your insights about this story.  'Til next story. ^^ *kaway kaway*

- D

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon