Di ko na alam ang gagawin ko..
sguro nga tama ang ginawa ni Trishia, pero mahirap . ako ang sobrang mamomoblema ngayon.. 3 days akong di nauwe sa amin, di narin ako napasok. ayaw ko na, sukong- suko na ako, di ko na rin binubuksan CP ko. naiinis ako sa buhay ko. napaka unfair.
Sa ilang araw at gabi kong pag mukmuk, umuwi na ako condo ko. , kahit anung gawin ko, wala na akong magagawa, ganun ang buhay ko. kailangan ko nalang tanggapin
Papasok na ako sa condo ko, habang papalapit ako ng papalapit lalong bumibilis ang tibok ng puso ko,. kinakabahan ako sobra.. hanggang sa makaratng na ako sa Condo ko, umasok na ako pero laking gulat ko sa nakita ko. SILA MOmmy at Daddy...........
"at san ka galing Bata ka?"
sabay ng kambal na sapak sa mukha ko, ang sakit.. sobra, ang sakit pala. Dati rati Emotions ko lang ang sinasaktan nila pero ngayon pati physical sinaktan nadin nila.
"kahit kailan, wala ka ng nagawang tama sa buhay mo. , simula ngayon ayaw ko nang nakikipag kita kapa sa mga kaibigan mo. OK? At kelan kita pinayagan na mag ka BF? wala kang kwentang anak kahit kailan."
tuloy- tuloy lang ang iyak ko, ito na ang 1st time na pinag salitaan ako ng daddy ko, sobrang sakit.. wala na kong kakampi, walang wala na. kong si mommy sana kaya ko pa, pero pag di daddy di ko pala kaya.. iyak parin ako ng iyak.
"pero daddy, ------ SORRY PO."
di ko kayang mag paliwanag kay daddy.. di ko kaya
"bahay- school, ganyan lang ang routine mo. . naiinis ako ng sobra sayo ABIGAIL.. naiinis ako."
abigail? lalo ang nasaktan
"yan ang sinasabi ko sayon HON, ang pag tatanggol mo diyan sa anak mong magaling ang sisira sa buhay natin, siya."
si mommy na ang nag salita,
"bakit kayo ganyan mommy huh? buong buhay ko, ni di ko marinig na sinabihan niyo ko na mahal niyo ko? anak niyo naman po ako diba? bakit po kong ituring niya ko parang wala lang? BAKIT MOMMY, HINDI BA NAG SET NG GOOD EXAMPLE ANG PARENTS NIYO SA PAG PAPALAKI SA INYO KAYA NGAYON GINAGANTIGAN NIYO KO? SARILI NIYONG ANAK DI NIYO KAYANG MAHALin.
sabay ng sampal sakin ni mommy, di ko mabilang kong ilang tama ba yon sa sobrang dami, iyak parin ako ng iyak
"wala ka talagang kwentang anak."
"sige, ilan pa bang sampal? isang libo pa ba? sige sampal pa " habang nilalapit ko ang mukha ko "sa totoo lang, manhin naman na ako. manhid na, kaya sampalin niya na ako. kulang pa nga yan sa pambubugbos sakin ng yaya ko nong iniwan niyo ko , wala akong masumbugan,."
natahimik sila sa sinabi ko, totoo naman, sinasaktan ako ng yaya ko, kapag ayaw ko nag kumain kinukuha niya ang kutsara ko sabay saksak sa bibig ko. tapos pag umiiyak na ako kinukurot ako sa hita ko,
"ito, panuurin niyo to " itinaas ko ang palda ko, sabay pinakita ko sa kanila ang mga scars ko. " ito yon, ito yong tanda ko, ito iyon simula ng iniwan niya ako na hanggang ngayon pag nakikita ko nasasaktan parin ako, na sa tuwing nakikita ko naaalala ko kong pano niya ko iniwan noon,."
di ko na mapigilan ang sarili ko, gustong- gusto ko ng mag sumbong kaya nasabi ko na ang lahat
"Oh bat di ka nagsumbong?"
malumanay na ang pagkakasabi niya.
kaya kahit papano nabuhayan ako
"sa tuwing nag susumbong po ako kay lola daddy lagi na pong sinasabi na sinisiraan ko lang daw po si yaya,"
"baka naman kase yon talaga ang totoo,."
di nanaman siya naniniwala, ok.. di ko na kailangan magpaliwanag.
"ok mommy, daddy, kong di po kayo maniniwala NASA INYO NA PO YON, thankful nga po ako na kayo ang PARENTS KO EI, appreciated well po. sobrang lucky po ako sa inyo. salamat ng marami, thanks for being good parents to me." sarcastic kong sabi
tumakbo na ako papaakyat sa hagdan,
"hindi mo alam ang pinag sasabi mo,. layuan mo na yang mga kaibigan mo, at yang lalaki mo.. dahil kong hindi.---- pinutol ko na ang sasabihin nila
"or else what? ok gawin niya na gusto niyong gawin, wala akong paki alam,."
hahakbang pa sana ako
"ito lang ang dapat mong gawin Abi, para din sayo yan. makinig ka nalang."
"bakit pag kay nicole tama lahat> huh? mpag ako lahat mali? "
pero sa pag kakataong ito, di na ko umiiyak
"di mo alam, para sayo ang lahat ng to.. intindihin mo nalang.. di mo pa maiintindihan
bakit parang nakikiusap sila? uso ba yon sa kanila
"edi paintindi niyo para naman alam ko diba>?"
bastos na kong bastos, ang alam ko lang naiinis akong sobra.
"di pa ito ang tamang panahon"
malumanay na sabi ni daddy
" kelan po ang magandang panahon? summer po? pag mainit?"
"my sakit si Nicole, ngayon naiintindihan mo na? isa na siyang fragile, my sakit siya sa puso na anytime pwede na siyang kunin satin.. dinadala namin siya sa china, sinusubukan namin na ipagamot siya pero wala ng lunas, "umiiyak na si mommy " di ka namin sinasama dahi ayaw namin malaman mo. kami ang nag dudusa, gusto ka naming mag aral ng mabuti dahil para sayo din yon, pinapalakas lang namin ang loob niya para lumaban siya. ginagawa namin ang lahat para mabuhay ang kapatid mo.. last month napag alaman namin na di na siya tatagal, at any time pwede siyang atakehin, kaya pinag bigyan namin siya sa tanging hiling niya na makauwe siya dito para makasama ka niya, -------- pinutol ni daddy ang sasabihin ni mommy
"umuwi kame, dahil sabi ng doktok inatake siya, pinilit namin alamin ang dahilan pero ayaw niyang sabihin, pumunta kame sa school at inalam, napag tanto namin na kasalanan ng mga kaibigan mo kong bakit muntikan na siyang mamatay, galit na galit kame.. di namin kayang mawalan ng anak.
"DADDY BAT NIYO PO SINABI? I TOLD YOU not to tell her, ayaw kong magkaproblema kame, diba sabi ko wag niyong sabihin? diba mommy? kaya ko pa naman ei, kaya ko pa. kahit ako nalang ang masaktan, basta wag siya., kase ako sanay na ko sa sakit na nararamdaman ko araw- araw , dahil dito sa walang hiya kong sakit, pero siya hindi..
umiiyak na din si Daddy pati si Nicole, di na ko makapag salita, parang tinabunan ako ng mundo, di na ko makagalaw dahil sa nalaman ko.
nag iiyak na sila, wala na akong ibang magawa kundi tumakbo sa Kwarto ko..
don ako umiyak ng umiyak, napaka tanga ko para pag selosan ang kapatid ko, napaka tanga ko .. bakit ang sama kong anak, napaka sama kong kapatid,.. walang kwenta ako.
anu bang pwede kong gawin?
![](https://img.wattpad.com/cover/4356861-288-k958651.jpg)
BINABASA MO ANG
Most Important [Completed]
Non-FictionAng buhay hindi permanente, iikot ito't pwedeng magbago ang lahat. Merong mga bagay na kailangan na masinsinang desisyon. Pero bakit merong mga bagay at pagkakataon na kailangan tayong mamili? Di na pwedeng lahat nalang umayon sa gusto natin? Bakit...