Bouquet & Garter

5.2K 92 6
                                    

Bouquet & Garter...

...Because of the bouquet and the garter, our worlds collide.

Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2013


Kathryn's POV


Naglalakad ako ngayon sa aisle. Naglalakad papalapit sa kanya. Nakangiti lang siya habang hinihintay ang kanyang bride.




Nang makita ko na ang upuan ko, umupo na ako.

Tingin niyo ako yung ikakasal noh? Hindi ah. Kasal ng Kuya Xian ko ito.





Pero one day, pinpangarap ko na ikasal din ako sa taong mahal ko.

Tumingin ako sa kanan ko at nakita ko si Daniel na kakaupo palang.




Si Daniel, ang mahal ko.

Kapatid siya ng bestfriend ng kuya ko at nang sister in law ko. Super close kami. Sobra.



"Huy Ate! Matunaw si Kuya DJ!" suway sa akin ni Sharlene, kapatid ni Ate Kim, ang mapapangasawa ng kuya ko.




"Shh. Wag kang maingay."

Kaming dalawa kasi ni Sharlene ang bridesmaid habang si Nash at Daniel naman ang groomsmen.

Si Nash, pinsan ni Daniel. May gusto siya kay Sharlene. Ewan ko lang dito sa isa. Pero siguro naman, sino bang hindi magkakagusto kay Nash? Ang gwapo kaya!



Minsan nga niloloko kami ni Kuya Xian, na kami eh. Natatawa nalang kami ni DJ.



"If I know, nagddaydream ka lang kay DJ, Grabe sister in law, tama na daydream diyan, kailangan mo nang magising at gawin katotohanan ang dream mo!"




"Psshhh. Ewan. Tsaka, wag ka na ngang maingay. Magsisimula na ang kasal." suway ko kaya napa-tss nalang si Sharlene.




Natapos na rin ang kasal kaya picture taking na.



"GROOMSMEN AT BRIDESMAID!" sigaw nung photographer kaya lumapit kami kila Kuya Xian at Ate Kim.




"KUYA XI! CONGRATS! KASAL NA KUYA KO!" sigaw ko sabay niyakap si Kuya.





"Wagas, maka-sigaw lang Baby Kath?" si Kuya Enchong naman 'yun. Isa kong kuya. Strict pero palabiro. Best man ni kuya.


"Hindi ka na nasanay. Thanks, kid!" sagot naman ni Kuya Xian sa akin.



"ATE KIMMY! CONGRATS SISTER IN LAW!" yakap ko naman kay Ate Kim.






"Ang hyper mo naman Kath ah? Thank you, sister in law." natatawang saglt naman ni Ate Kim sabay kumalas na rin kami sa yakap.




"Ate. Doon po kayo sa tabi nung lalaking matangkad." sabi sa akin ng photographer.


Shemay! Katabi ko si DJ! OMG! Bale, Sa side ni Kuya Xian, ang katabi ko ay si DJ. Tapos sa side ni Ate Kim, katabi ni Sharlene si Nash.




"Alright. Perfect! 1..2..3!" nagulat nalang ako at bigla akong inakbayan ni DJ.






OH MY GEE.



"Isa pa po. Wacky!" sabi nung photographer kaya nagduck face ako.



Natapos na kami magpapicture kaya bumalik na sa pwesto.







KathNiel: One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon