Manhid Ka...
...wala kang pakiramdaman, wala kang pakielam.
Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2012
PS: Nagrereplace na po ako ng ibang one shots. Ginawa ko ito sa school. Naalala ko pa 'nun, pinagttripan ako ng crush ko dahil wattpad ako ng wattpad. Hehehehe. Share. Tsaka, medyo creepy itong one shot na ito.
Kathryn's POV
Define Manhid? Walang pakiramdam.
Paano pag sinasabi mong: "Ang manhid ng paa ko." Wala ka ngang nararamdaman diba Pero masakit.
Kumusta ka na, Daniel John? Naaalala mo pa ba ako? Ako si Kathryn Chandria, ang nagmahal sa'yo. At patuloy na nagmamahal sa'yo. Kaso manhid ka lang para makita iyun.
Kaya itong liham na ito ang magpapakita at magpapatunay ng pagmamahal ko para sa iyo.
Naaalala mo ba nung free time natin? Noong third year high school tayo? Noong pinagtripan tayo ng mga kaibigan natin?
Kasi ako alalang-alala ko pa iyun.
"Chands, pag sinabi ko sa iyo na gusto ka ni DJ? Ano gagawin mo?"
Nanatili nalang akong nakatingin sa sinusulat kong papel habang itong katabi ko ay kinukulit pa din ako. Paano ko masasagot yang tanong niya? Eh kung tungkol sa'yo ay mabilis na ako makasagot.
Bakit parang umuurong ang dila ko sa tuwing ang kaibigan mo ang nagtatanong?
"Huy, ano? May pag-asa ba siya?"
"50/50." ang tangi kong sagot sa kanya.
100% chances talaga.
"Huh? Di naman siya mamamatay eh. Bakit 50/50?"
"Tanga." sabi mo sa kaibigan mo sabay binatukan mo siya.
Natawa ako sa inasta mo sa kaibigan mo pero nahalata mo din na namula ako.
You just fletched a smile but I don't care. You already made my day.
"Go Chands! Kiligin pa!" hiyaw ng mga kaibigan ko.
"Baliw." sabi ko nalang sabay tumango sa iyo at umiling.
"Huy wag niyo na nga pagtripan si Kath." sabi mo sabay tumabi sa akin at kinuha ang papel na nasa ibabaw ng arm chair ko.
"Bakit ba? Bagay kasi kayo." sabi nung dumaan nating kaklase sabay nag-wink.
"Oo nga tsaka diba may gusto kayo sa isa't-isa? Anong problema?" tanong ng kaibigan mo.
Napailing nalang ako doon sabay tumawa ka nalang.
Tignan mo, sila na nagsasabi na bagay tayo.
Pero hindi mo pa din nakikita.
Hindi talaga.
Nakita mo ko na inaayos ko ang bag ko kaya nilapitan mo ako at kinuha ang itouch ko.
"Alam mo na." nag-smirk ka kaya natawa nalang ako.
"Kulang nalang talaga, mapasaiyo nalang itong itouch ko eh." sabi ko sabay bigay ng itouch ko.
BINABASA MO ANG
KathNiel: One Shot Collection
RomanceWritten by: Pamela Claudio A collection of short stories filled with love, adventures and heart breaks. A sweet mixture of different spices and unforgettable feelings.