Peace Sign Necklace

6.1K 105 7
                                    

Peace Sign Necklace...

...A necklace that will remind me of you, even though I'm far away.

Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2012

PS: Edited it. Mwuah. 

Kathryn's POV 

“I want you to wear this. Para kung saan man ako pumunta, always remember that I'm always here.” tumalikod ako sa kanya at sinuot niya ito sa leeg ko.

Niyakap ko siya at hinalikan ko sa pisngi.

“Salamat Daniel, I love you.” sabi ko sa kanya.

“I love you too, Kathryn.”

Binigyan niya ako ng peace sign necklace na binilhan niya pa galing France. Sobrang masaya ako kahit binili niya pa 'yun sa flee market. It's the thought that counts. 

Tatlong araw na ang makalipas, hindi pa din kami nagkakahiwalay ni Daniel.Lagi ko ring suot-suot ang necklace na binigay niya sa akin. Masarap isipin na may kasintahan kang katulad ni Daniel. He's all that. He's perfect. 

Oh, bakit nakangiti ka jan?” tanong sa akin ni Daniel. 

“Ah, wala. Naalala lang kita.” 

Dahil doon ay inakbayan ako ni Daniel at niyakap ng sobrang mahigpit.

“Nanlalambing nanaman girlfriend ko oh. Ano gusto mo? Vanilla ice cream ba?” tanong niya sa akin.

“Ikaw pwede?” I teasingly asked him. 

“Kiss muna” sabi niya sabay killer smile.

Hinampas ko siya ng mahina.

 “Kapal mo rin noh? Haha! Sige, vanilla ice cream nalang. sabi ko at bumelat. 

Masarap pagtripan si Daniel. Kahit ganun kami sa isa't-isa di pa rin kami nagsasawa gawin namin yun sa isat-isa at syempre mahal namin ang isat-isa.

“Eto na ang vanilla ice cream mo, mahal na prinsesa.” sabi niya at inabot sa akin yung ice cream.

“Salamat, mahal na prinsipe.” Tumabi na siya sa akin at nilagay niya yung ulo niya sa balikat ko.

“Sana ganito nalang tayo habang buhay noh?” 

May binulong siya kaso di ko narinig.

“Ano sabi mo?”

“Alam mo Kathryn, habang buhay naman tayo magkasama eh. Kahit nasa langit na ako, alam mo naman diba? Love is eternal’.” 

KathNiel: One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon