Eternal...
...Together forever, 'till death do us part.
Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2012
PS: I know this story will creep you out. Basta, let me tell you this...you will enjoy this.
Daniel's POV
Let me tell you a secret, okay? Huwag niyo ito pagkakalat sa mga kaibigan niyong pinagnanasaan ako.
I have a girlfriend. Hindi ko masasabi na secret ito pero yeah I have a girlfriend. May anak kami. Kaso our child died on the day of his birth. We were about to name him by my second name “John” pero hindi na pwede. But about my girlfriend, the thing about her is different. Very different.
“I put flowers on your grave and I even cried like a doofus there. What do you want me to do next?”
She was on her rocking chair. She was crying happily. She's hella crazy. Punong-puno ang dugo ang puting damit niya at halatang hindi pa ito nakakasuklay ng buhok.
“Bring our child back.” lumingon siya sa akin na punong puno ng dugo ang mga mata niya. Umiiyak siya ng dugo.
Nagbuntong hininga ako. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Come to think of it, noon palang ay takot na ako sa kanya. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Mahal ko kasi siya. Sobrang mahal.
“Paano ko magagawa iyun?” gusto ko siyang sigawan at sabihin na nababaliw na siya. Pero ayoko siyang saktan dahil simula palang ay alam na niya 'yun.
Isa siyang multo. Isang diyosang multo. Sa tuwing may hihilingin siya ay papanget ang itsura niya at pag naibigay mo ito ay gaganda muli siya.
“Gawin mo ang lahat!” sumigaw siya. Boses lalaki. Nakakatakot.
“Sige. Babalik ako.” lumabas na ako ng kwarto niya. Siya nalang ang mag-isa sa bahay nila. Ang mga magulang niya ay lumipat na sa States dahil ano pa ba ang mapapala nila dito? Patay na ang anak nila.
Dumiretso ako sa bahay ng kaibigan kong si Sed. Siya lang naman ang makakaintindi sa akin. Pagkapasok ko sa bahay niya ay dumiretso agad ako sa kwarto niya. Nadatnan ko siya na nakatingin sa picture naming anim. Ang picture naming banda at kasama siya, si Kath.
“Tol.” tinawag ko siya. Hindi niya ako nilingon.
“Bakit ka nanaman nandito, Dj? Alam mo naman na ano ako diba?” he laughed softly pero napailing ako. Alam na alam ko 'yun.
“Kailangan ko tulong mo. Kailangan kong hanapin ang anak namin ni Kath. Hindi ko alam pare.”
Hindi niya ako sinagot. Humiga nalang siya sa kama sabay napapikit.
“Alam ni Lester kung nasaan ang anak mo Dj. Nasa kanya ang anak mo. Sana makita mo na siya at makasama niyo muli siya.”
“Salamat pare!”
Tumakbo ako papunta sa bahay nila Les. Pagkadating ko sa bahay nila ay nadatnan ko siyang may hawak na papel at may kausap sa cellphone.
“Les.” tinawag ko siya. Nakatalikod siya.
Nilapitan ko siya at tinignan ang hawak niyang papel at may hawak na cellphone.
“Pinalibing ko na ang anak nila Dj. Yeah, sa tabi ng pwesto ni Kath. Malaki nga ang gastos pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Para naman sa kanilang dalawa.” sabi niya sa kausap niya.
Dahil doon ay tumakbo nanaman ako. Tumakbo papunta sa sementeryo.
Pagkadating ko doon ay nadatnan ko na may kakalibing palang sa tabi ng pwesto ni Kath. Dahil doon ay tumakbo ako papunta sa pwesto na iyun.
I tried digging with my bare hands. Kailangan namin makasama ang anak namin.
Nang makita ko ang kabaong ng anak namin ay napa-sigh in relief ako finally. Kinuha ko ang anak ko at niyakap ito.
“Wag kang mag-alala anak, magkakasama na muli tayo.”
Dumating na ako sa bahay nila Kath habang dala dala ang baby namin. Pagkapasok ko sa kwarto niya ay napangiti ako dahil gumanda na siya.
“My baby.” napansin ko na may tumulo na luha sa mga mata niya. Kinuha niya ang anak namin sabay niyakap ito.
“Salamat, Dj.” she smiled at me. I smiled back at her sabay niyakap siya.
At ito, may isa pang sikreto na hindi ko sinasabi sa inyo.
Patay na kami ni Kath. Namatay kami nung araw na namatay ang anak namin. Nasagasaan kami ng trak. Mabuti at nangyari ito sa amin. Makakasama na din namin ang anak namin. Magiging isang pamilya na kami. As for Sed? Takot siya sa multo. Pero may third eye siya. Nagtataka siguro kayo kung bakit niya ako nakikita. Hindi niya ako nakikita pero nararamdaman niya ang presensya ko.
Kumalas kami sa yakap sabay tinignan siya mata sa mata.
“Handa ka na ba, Kath?” tinanong ko siya. Tumango siya at hinalikan ako sa labi.
“Let's go.”
Naglakad kami papunta sa liwanag. Sa wakas, matatahimik na din kami, Sa wakas, hindi na kami magpapakahirap pa.
BINABASA MO ANG
KathNiel: One Shot Collection
RomanceWritten by: Pamela Claudio A collection of short stories filled with love, adventures and heart breaks. A sweet mixture of different spices and unforgettable feelings.