Magkabilang Mundo...
...Miss na kita, bakit ba kasimagkaiba ang mundo natin?
Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2013
PS: Kasura na si Kath hahaha jk si Dj naman.
Daniel's POV
“Are you sure you want to do this?” tanong ko sa kanya.
Napansin kong bigla siyang umiyak sabay niyakap ako.
“Y-yes, my decision is final. I-I really need to do this.” sabi niya habang umiiyak.
“Promise me...babalikan mo ako?” tanong ko sa kanya.
“I-I don't know. Pero sana. I love you so much, DJ.” hinalikan niya ako sabay ngumiti ng pilit at naglakad na papalayo sa akin dala ang mga maleta niya.
Yun na ang huli kong araw na kasama at narinig siya.
Why did you have to leave me Kath?
“Hoy Daniel Padilla! Ihahampas kita nitong libro ko eh. 1000 pages ito!” sigaw ni Sed sabay pinakita 'yung libro niyang hawak.
“Sus eh sa akin kaya 2000 pages!” pagmamayabang ni Lester sabay pinakita libro niya.
“Eh mga ul*l kayo. Sa akin, 5000 pages!” pagmamayabang ni Lester sabay tinuro 'yung libro na nasa harapan niya.
“Mga gag*! Pamayabang nalang ba kayo? Alam niyo naman na may pinagdadaanan si Kuya eh.” sabi ni JC sabay binatukan 'yung tatlo.
“Pinagdadaanan? Eh halos 5 years ng wala si Ka---tencsh.” tinakpan ni Lester 'yung bibig ni Sed kaya pinandilatan siya ni Katsumi.
“Walang hiya talaga kayo, oo!” napasigaw ako kaya napatingin sa akin lahat ng mga students.
Napaupo ako sabay hinilamos mukha ko.
“Grabe 'tol, mag-move on ka na kaya? 5 years na siyang wala.” Katsumi.
“Oo nga, tsaka wala rin naman kayong communication simula 'nung umalis siya.” Lester.
“Siguro naman naka-move on na siya. Tignan mo, hindi ka man lang niya ineemail or ni message sa facebook/twitter wala?” Sed.
Napahawak nalang ako sa ulo ko. Shet naman oh.
“Wag niyo ngang ganyanin si Kuya, palibhasa kasi hindi niyo pa nararanasan yung iwan ka ng taong mahal niyo.” sabi ni JC sa kanila.
Napabuntong-hininga ako.
Tumayo na ako sabay kinuha bag ko.
“Uy 'tol. Saan ka pupunta?” narinig kong tanong ni Katsumi.
Hindi ko nalang siya sumagot sabay umalis na ako sa room at dumiretso sa isang lugar na madalas kong puntahan.
Umupo ako sa damo sabay nag-start na mag-strum sa gitara ko.
“♫Magkalayong agwat gagawin ang lahat mapasayo lang ang pagibig na alay sayo ang awit na ito ay awit ko sayo sana ay madama magkabila man ang ating mundo.♫”
“Naman kasi DJ eh! Ang daya mo!!” nilagyan ko kasi siya ng ice cream sa ilong. Hahaha, ang cute niya.
BINABASA MO ANG
KathNiel: One Shot Collection
RomanceWritten by: Pamela Claudio A collection of short stories filled with love, adventures and heart breaks. A sweet mixture of different spices and unforgettable feelings.