Weird Love Story

6.1K 90 32
                                    

Weird Love Story...

...Ang mga kathniel story na pinagsama, all in one. 

Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2014

PS: Matatawa ba kayo sa kalokohan ko? HAHAHA. Forgive me guys. Dati pa ito nakasave sa drafts ko ayaw ko lang ipublish. 

Kathryn's POV

“Hoy Kathryn! Gumising ka na! Para maaga ka sa school at makabunggo mo ang magiging boyfriend mo!” bumangon na ako at nag-inat. Syempre, ano pa ba ang sunod na gawin ko? Ito naman lagi ang simula ng kwento diba? 

Hi guys! Ako si Kathryn Bernardo. Kilala niyo na naman ako. Nag-aaral ako sa isang school na pagmamayari ng magiging boyfriend ko. Panget ako. Nerd. Pero gaganda din ako pag nakilala ko ang bestfriend ko. Mahirap kami pero yayaman kami dahil malalaman ko nalang na may sikreto pala kaming companya ng papa ko. 

Naligo na ako at nagbihis. Pagkababa ko sa kusina ay kumain na ako. Pagkakain ko ay nagpaalam na ako sa Mama ko at pumunta na sa school.

Pagkadating ko sa school ay marami na ang nagbulungan at sinabi na panget ako at nerd ako. Binuhusan ako ng tubig ng mga popular, mayayaman at magagandang babae dito sa school bago pa sila magsalita ay umiyak na ako. Tapos mamaya darating na ang prince charming ko diba? 

“Hoy! Tigilan niyo siya!” ayan na ba siya?! Omg. Maganda ba ako? Pero syempre alam kong hindi 'yung knight and shining armor ko 'yun dahil alam ko mamaya pa siya dadating. 

Ay, babae pala! Ito na 'yung bestfriend ko! 

Inalalayaan ako ng magandang babae sabay pinagsabihan ang mga babaeng malalandi kaya umalis na sila. 

“Ayos ka lang? Ako si Julia! Ako pala ang bestfriend mo! Mamaya magpapaganda ka na ah!” 

“Okay okay! Sige tara na sa classroom.” pumunta na kami sa classroom. Hindi na ako magbibihis dahil malinis na agad ang damit ko. Dahil mabilis ang oras dito sa mundo namin ay dumating na agad ang teacher. Syempre, nag discuss na siya. Matapos 'nun ay may pumasok na late. Lalaki. Ito na ang magiging boyfriend ko.

Umupo siya sa tabi ko dahil ang mga kaklase ko ay walang bumalak na tumabi sa akin dahil alam nila na tatabi na sa akin ang boyfriend ko.

Tumabi yung lalaki sa akin at nginitian ako.

“Ako si Daniel. Ang panget mo. Magiging kaaway kita pero mamaya magiging girlfriend kita dahil maiinlove ako sa iyo.” 

Hinawakan na niya ang kamay ko and interwined it. Tapos titingin siya mamaya sa akin at ngingiti. Kikiligin naman ako at magbubulungan na ang mga kaklase ko. Tapos papagalitan kami ng teacher kasi ang sweet namin. 

Natapos na ang klase. Wala nang lunch, recess o ano mang kaekekan. Dinala ako ni Julia sa mall at pinaganda ako. Syempre, magugulat siya dahil nagbago na ang mukha ko. Binilhan niya ako ng mga damit at mga gamit na pang-babae. 

Dahil nga mabilis ang oras dito sa mundo namin. Dumating na ako sa school. Malamang maraming titingin kasi gumanda na ako at hindi ako kilala. 

“Plastic surgery?” tanong ng mga kontrabida sa buhay ko.

“Bakit hindi mo itanong sa sarili mo 'yan?” syempre dahil gumanda ako tatapang na ako.

Sasampalin ako pero nakaganti ako syempre. So ngayon, ako na ang sikat. 

Dumating na ako sa classroom at madadatnan ko si Daniel na tumutulo ang laway sa akin. 

“Hindi na kita liligawan dahil alam kong magiging tayo din. Girlfriend na kita.” dahil doon ay hinalikan niya ako sa labi. Ako naman itong baliw sa kanya ay hinalikan ko din siya kasi ganun naman talaga. 

“Paano ako? Liligawan pa naman kita tapos sa akin ka magdadrama dahil LQ kayo ni Daniel.” Ito na ang magiging epal sa buhay namin, si Enrique. Ang magiging kalaban ni Daniel sa puso ko. Syempre babastidin ko siya kasi may Daniel na ako at dahil KathNiel itong storya na ito at hindi KathQuen.

“Kita mo naman na naghahalikan kami ng boyfriend ko 'noh?” syempre umalis na siya at nagpaplano kung paano kami paghihiwalayin ni Daniel. Alam kong mangyayari iyun pero gagawa ng paraan si Daniel para magkabalikan kami diba? 

Dahil alam ko na maboboring kayo pag inexplain ko sa inyo ang mga nangyayari sa klase ay nagdate na kami ni Daniel. Pagdating namin sa mall ay may nakabungguan kaming babae. Ito na si malanding Julia Barretto na isa pang kontrabida sa storya namin.

“Hi Daniel! Kababata kita don't you remember? Halika na!” hinatak na niya si Daniel kaya umiyak na ako. Dahil may powers ako para magtransport ay umuwi ako sa bahay para umiyak. 

Ilang weeks na pero hindi pa din ako kinakausap ni Daniel dahil busy siya kay Julia. Syempre, malandi nga diba? Ngayon, si Quen na ang kasama ko. Mamaya ay maffriendzoned na siya sa akin.

“Hindi nga kita gusto, Quen! Lumayas ka na at mamaya ay magkakabati tayo at sa bestfriend ko naman ay maiinlove ka.” umalis na siya at nagdabog sa galit. 

Kasama ko ngayon ang bestfriend ko na si Julia. Hindi si Barretto ah? Dahil nga mayaman si Julia ay manlilibre siya ng starbucks at magddrama ako sa kanya. 

“Julia! Kasama ng boyfriend ko ang pepsi na iyun!” reklamo ko sa kanya.

“Hayaan mo. Mamaya malalaman din ni Daniel ang katotohanan at magmamakaawa siya sa iyo na patawarin mo siya.” syempre naniwala naman ako. Dahil maiksi ang pasensya ko nagtransport ako papunta sa isang park para kunwari napadaan lang ako. 

Makikita ko sina Daniel at Julia na naghahalikan kaya sinampal ko si Julia at Daniel.

“Break na tayo!” umiyak na ako at tumakbo. Syempre, hahabulin ako ni Daniel.

“Ikaw lang ang mahal ko, Kath! Hindi siya!” syempre iyun ang laging linya niya kaya sinampal ko siya at nagtransport na sa bahay at umiyak.

Dahil nga malapit na ang ending, malalaman ko ang katotohanan na iaarangge marriage siya. Pero alam ko dahil hindi sa akin iyun kundi sa kontrabida ng story na ito na si Julia. 

Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala siya. Hindi pa ako kumakain o nagpapalit ng damit dahil sa kakaiyak ko. Hindi ko pa nakakausap ang mga minor characters ng story na ito. 

Pumunta ako sa living room at nadatnan ko si Papa na may mga bisita.

“Iaarrange marriage ka kay Quen.” dahil ayaw ko ay magrerebelde ako pero dahil mabait ako ay tatangapin ko nalang iyun. Syempre, iiyak nanaman ako.

Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko si Daniel na may pasabog nanaman. Dumaan siguro sa maliit naming bintana pero nakakadaan siya. Yung pasabog? Hindi utot. May mga flowers, chocolates at kung anong churva para mapatawad ko siya. 

“I'm sorry, Kath. Etc. Sorry na ah? Para bati na tayo at magjjoin forces tayo na maayos natin ito.” niyakap ko siya at hinalikan.

“I'm sorry din!” dahil doon ay nakaisip kami ng paraan.

Makalipas ng ilang taon ay ikinasal kami ni Daniel. Ano ba ang nangyari kila Julia at Quen? Syempre, magbabati din kami at lumipat na sa States para mag-move on. Si Julia, nakahanap ng boyfriend doon tapos si Quen, sila na ni Julia na bestfriend ko. 

“Mahal na mahal kita.” 

“Mahal na mahal din kita, Daniel.” hinalikan niya ako ng mariin. Dahil alam kong excited kayong lahat ay nag honeymoon kami sa Paris dahil masaya doon at pangarap namin doon. 

So 'ayun, nagkaanak kami ng marami, pinangalan namin ang mga anak namin sa malapit sa pangalan namin trip namin. Mahal na mahal ako ni Daniel at mahal na mahal ko siya. So ayun, tapos na ang nakakabitin at walang kwenta naming kwento.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KathNiel: One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon