Ang Prinsesa at Alipin

8.8K 128 11
                                    

Ang Prinsesa at Alipin...

...Prinsesa ako, alipin ka. Kaya ba natin ipaglaban ang relasyon natin?

Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2012

PS: Kakaibang story ang inyong mababasa. Ipinasa ko ito sa teacher namin nung grade 7 ako and guess what? She loved it! Fan din kasi ng KathNiel. Ieedit ko lang 'yung ibang names at mga typos para maganahan kayo sa pagbabasa.

Third Person's POV

Noong unang panahon ay mararaming magagandang dilag ang mayroon sa kaharian ng Wildolsia. Isa na doon si Prinsesa Kathryn. Si Prinsesa Kathryn ay dugong bughaw. Anak siya ng hari na si Haring Franco at ang reyna na si Reyna Min. Maraming nanliligaw kay Prinsesa Kathryn dahil sa kagandahan at magandang ugali nito. Kahit sa ibang kaharian ay naaabot ang kagandahan nito. Naglalakbay pa ang mga munting prinsipe para ligawan ito. Isa na doon si Prinsipe Enrique ng Bhutan. Isa sa mga pinakamalakas at kilalang prinsipe sa kaharian. 

Dumating ang prinsipe sa kastilyo ng prinsesa. Napawi agad ang ngiti ng prinsesa nang makita niya ito. Wala kasi siyang nararamdaman para sa munting prinsipe pero dahil sa kakulitan nito ay patuloy pa din ang panliligaw ito sa kanya. 

“Bakit hindi mo ako mahal, Prinsesa? Hindi ba sapat ang pagmamahal ko saiyo?” bigla itong tinanong ng prinsipe.

“Pagpasensyahan mo na ako, Prinsipe Enrique. Ngunit, hindi kita mahal at hindi ko kayang mahalin ka. Wala kang pagkukulang sa akin. Sa totoo lang sobra sobra na ang pagmamahal mo sa akin. Kaya ang pabor ko lang sa iyo ay tigilan mo na ang panliligaw mo sa akin. Ayaw kitang paasahin at masaktan pa. Pasensya na. Kaya salamat sa pagmamahal mo sa akin, Prinsipe Enrique. Pwede ka nang makaalis. Paalam at mag-ingat ka sa iyong paglalakbay.” lumakad na ang prinsesa palabas ng kastilyo.

Lumabas ang prinsesa para may hanapin ito. Ang hanapin ang isang dukha na alipin. Ang alipin na kanyang minamahal. Si Daniel. 

Napangiti siya sa nakita niya. Nakita niya ito na nagkakarga ng mabibigat na kahon at nilalagay ito isa-isa sa carosa. 

“Daniel, aking mahal. Bakit ka nagbubuhat ng mabigat?” tanong ito sa kanya.

“Mahal kong prinsesa, Ito ang trabaho ko. Sinabi ko na ito sa iyo noon pa man hindi ba? Kailangan ko magtrabaho para ako'y makakain sa araw-araw.” wika ito sa kanya.

“Daniel, hindi mo naman kailangan pa magtrabaho eh. Sumama ka sa akin at tayo'y magtanan.” sagot nito sa alipin.

Nagulat si Daniel sa sinabi ng prinsesa. Hindi siya makapaniwala na sasabihin ito ng prinsesa. Kaya tinanggi niya alok nito.

“Pagpasensyahan mo na ako prinsesa ngunit hindi ako dugong bughaw katulad mo. Hanggang pagmamahal ko lang ang kaya ko ibigay sa iyo. Patawad prinsesa. Salamat sa pagmamahal mo.” kinuha niya ang isang mabigat na kahon at nilagay na ito sa carosa. 

Naiwan lang ang prinsesa na tulala. Para bang bumalik sa kanya ang lahat ng sinabi niya sa prinsipe.

Samantalang naman, nakabalik na si Prinsipe Enrique sa kaharian ng Bhutan. Pagpasok niya ng kastilyo, ang kanyang ina na si Reyna Gretchen ang kanyang nasalubong.

“Anak? Kumusta ka na? Ano? Mahal ka na ba ng prinsesa?” bungad nito sa kanya.

“Patawad ina at ako ay nabigo. Hindi ako mahal ng prinsesa. Pinatigil niya na ang panliligaw ko sa kanya.” sagot nito sabay tumungo. 

KathNiel: One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon