ONE
The Dog
"ano ba kasi??"
yan ang laging bukambibig ko kay Alfred,
Ang kababata ko, ang bestfriend ko.
Kabisado na niya ang bawat kilos ko at iba pa.
Mag-bestfriends na kami since 3 years old pa lang kami. how did we know?
Our parents told us.
"Sumama ka na kasi, pumayag na si tita oh."
"wala akong pera!"
"meron"
"wala"
"meron."
"hmp!"
"ano? sasama ka na ba? ha Antonette??"
"Kailangan buo ang pangalan Alfredo?"
"eh... sumama ka na kasi."
"sus! tiga second voice mo lang naman ako pag manliligaw ka eh."
"haha sinong nagsabing manliligaw ako?"
"Wala."
"Wla akong nililigawan. Tignan mo pa mata ko eh."
eh nagring ang cellphone niya.
"Hello?"
Sino nanaman kaya ang kalandian netong lalaking to?
"hahaha, ikaw kasi sabi ko sayo eh."
tuwang- tuwa pa ang mokong!
By the way, ako nga pala si Maria Antonette Alcantara. An-an for short.
Yung lalaking yun, si Alfredo Roy Dela Cruz. Sabi ko nga bestfriend ko siya.
Sabay kaming lumaki niyan. Bestfriends mga daddy namin.
Ano yung pinipilit niya?
Sumali ako sa pustahan ng DOTA.
Gusto ko nga ipa-mukha sa kanya na babae ako eh.
pero ang sasabihin niya:
"Astig nga yung babaeng marunong mag-dota."
Dyos ko! Wala akong lusot.
"o sige na istorbo, bye!" binaba niya ang phone.
"oh? bakit mo binaba?"
"kausap kita eh."
"sino ba yun?"
"si... Mildred."
"Siya na lang yayain mo. Wag na ako."
"di marunong yun. Sige na An-an... Please??"
Di ko talaga to matiis.
"sige na tara na."
"Yey! Salamat An-An!!!"
Niyakap niya ako,
friendly hug
Sa tangkad niyang yun. hanggang kili-kili este balikat niya lang ako.
Pagdating sa comp shop.
"Ay, natamad na ako bes!"
"Langya ka! Pinagod mo lang ako!!! GRrrr!!!"
"Sorry na oh... please..."
"Hmp!"
"bes, favor?"
"ano nanaman?"
"pasok ka sandali sa comp shop. Dun sa paborito nating computer. Silip ka lang."
"Nakakahalata na ako ah. Inuuto mo lang yata ako eh!"
"hindi nga, sisilipin mo lang eh."
"sige na nga, isusumbong naman kita kay Tita.. akala mo ah."
"hehe"
Muntanga ako, sumilip naman ako...
wew!
May aso! German Sheperd. Eto yung gusto kong pet eh.
Sumunod si Alfred sa loob.
"ano?"
"May aso bes oh... gwapo..."
"gusto mo?"
"teka, baka yung may -ari ng compshop amo nito."
"gusto mo nga?"
"oo"
"eh di sayo na."
"Nye?"
"oo nga bes."
"la? di nga?"
"ayt.."
"hee... thank you bes!"
Na surprise ako, binigyan niya ako ng aso.
Niyakap ko siya. Tapos kiniss pa.
Pero sa pisngi lang.
"Bes, tama na. Si Aso naman yakapin mo."
"ilang buwan na to?"
"3 months."
"wow! ang laki na niya. medyo mabigat na."
"Alagaan mo yan ah. Lika , labas na tayo."
"okay!"
Lumabas na kami ng compshop.
"ngapala, anong ipapangalan mo dyan?"
"Rocky!"
"huh? Rocky?"
"oo."
"Alan kaya?"
"Alan?"
"Pangalan natin. Al- An diba?"
"eee... Macho tignan pag Rocky. Teka, naalala mo ba yung movie na pinanood natin nung grade six pa tayo?"
"Ah... yung boksingero?"
"oo... yun"
"okay sige.. Rocky, hi ka kay Daddy!!!"
"Daddy??"
"oo, ikaw ang mommy niyan. Ganyan talaga. Weekly ang check-up niyan. Pero di yan magastos sa grooming."
"ampogi niya talaga bes!"
"tara bes, uwi na tayo."
"okay bes. Thank you huh."
"Basta alagaan mo lang yan huh."
"opo"
Pag-uwi namin sa bahay. nakita ni mama ang gwapong aso. Natuwa din naman siya. Piantulog ko si Rocky sa tabi ko. Gusto din naman ako ni Rocky. malambing siya sa akin. ganito ang gusto kong aso, malaki.
Nagring ang cellphone ko.
"Hello?"
"oi, tulog ka na"
"OO.."
"dali, pikit ka na.."
"nakapikit na."
"goodnight bes!"
"goodnight!"