SIXTEEN
Graduating Girl
January na, malapit nang mag February. Dumaan ang pasko, wala man lang merry christmas na nanggaling sa kanya.
Tinitiis niya talaga ako.
Ganun pa rin ako kalamig kay Jay. Kahit anong gawin niya para mapasaya ako, walang nangyayari. Hindi pa rin ako napapamahal sa kanya
Makipag-break na daw ako sabi ni mama.
Tumatiming pa nga ako. Malapit na din pala ang defense namin.
Duamting na si Jay sa venue na pinag-usapan namin.
"Anong problema?" tanong niya sa akin.
"Ano... kasi..." nahihiya ako, nakokonsensya.
"Ano? Dali sabihin mo na."
"Ano, break na tayo."
Nagulat siya.
"Sabi ko na nga ba."
Ano daw?
"Huh?"
"Mahal mo pa rin si Alfred no?"
"hindi yun Jay.."
"Iniiwasan mo akong maging rebound. Ano ka ba? mahigit isang buwan na akong rebound An... kala mo hindi ko ramdam? Masakit. Lahat na ginawa ko para sayo, naappreciate mo nga, pero hindi ka masaya."
"Jay, teka, pwedeng magpaliwanag??"
"sige magpaliwanag ka."
"OO, rebound ka lang. OO mahal ko pa rin si Alfred. OO plastik ako sayo. Pero ito ang tandaan mo, pinilit kong mahalin ka, dahil masugid ka. Pero, hindi ko talaga kaya, I'm sorry Jay, pero siguro hanggang dito na lang tayo."
Pumikit siya, pinipigilan niya yung luha niya.
"Ang sakit An...."
"Patawad Jay. gagawin ko lahat para kalimutan mo na ako."
"Ano? yung kagaya ng ginawa sayo ni Alfred? Huh?"
"basta, break na tayo. Ayaw ko na.. maiwan na kita, gagawa pa ako ng thesis ko."
"ingat ka na lang. Mahal kita."
Dumiretso na ako, sumakay ng taxi at umuwi.
Alfred, kailan ka ba uuwi dito ha?
Nakauwi na ako sa bahay, ikinuwento ko kay mama ang nangyari.
"tara, pa-pedicure tayo." sabi niya.
"ma, defense na namin next week. Mabilis lang ang february, tapos finals na, tapos, graduation ko na."
"hmmm... porket nasa *toot* university ka lang, ganyan ka na.."
"Hindi naman mama, kailangan ko na tong thesis ko... Maghahanap pa ako ng theater foundation."
"Eh, pano yung band?"
"mag-ququit na po ako. Para ako sa theater at hindi sa band."
"nakita mo na kung para saan ka??"
"opo ma, sige po magtatype na ako. At nang mai-pabook bind ko na agad."
"okay? hmmm, makakailang kape ka kaya??"
"ma naman..."
"hehe biro lang. Pero, baging grocery ako ah. eto oh.."
Iniabot niya ang isang balot ng n3 in 1 sachet ng kape. Tsaka ang thermos at mug ko.
"para saan to mama??"
"para hindi ka na labas pasok sa kwarto mo. Ganyan din si kuya mo dati."
Si kuya Anthony ang ampon nina mama at daddy nung mag-jowa pa lang sila. nasa america din siya, kasama ni daddy.
"Ah.. okay, sige mama."
"okay, matutulog na ako, pagod na ako kakadrawing eh."
"sige ma, goodnight."
Kniss ko siya sa pisngi. papasok na din ako sa kwarto ko.
"C'mon Rocky."
sumama naman sa akin si Rocky. Pagpasok niya sa kwarto ko ay umakyat na siya sa kama ko. Pagod din siguro siya makipaglaro maghapon kay Potchi.
"Rocky, Love ko si Daddy mo ha... love ko siya..."
Tinignan niya ako, tapos ni-lick niya yung pisngi ko. natuwa siya sa nalaman niya. Sana, umuwi na si Alfred.
"play tayo? bukas?"
bumangon siya bigla at nagwagay-way ng buntot niya.
"goodnight Rocky!"