Thirty Six. Awards Night

67 0 0
                                    

THIRTY SIX

Awards Night

buti naman at umuwi na si Mama. Siya ulit ang nagdesign ng gown ko para sa awards night na to.

 "good luck hon."

tinext lang ako ni Alfred, hindi siya makakapunta ngayon.

Dahil ngayon din ang operasyon niya.

So, ahem si Ian ang escort ko. Alam naman ni Alfred yun.

 "tnx hon. Ikaw din."

 "remember. No matter what happens. You are my one and only. :*"

 "aw.. God bless you hon."

 "I love you"

 "i love you too..."

Ang totoo, hindi ako kinakabahan sa awards night, sa operasyon ni Alfred ako masyadong kinakabahan.

 "Anak, chill okay?"

 "Ma, kasi..."

 "Wag kang mag-alala, kaya yun ni Alfred."

 "hayyy, opo mama."

*poot* *poot*

dumating na si Ian.

 "Ma, babay muna."

 "oo anak, chill ha. I'll be praying for you and Alfred."

 "Ma, puntahan nyo po si Alfred ha..."

 "oo anak."

 "sige ma..."

Pumasok na ako sa kotse.

wala naman akong pakialam kung anong makuha ko sa awards night. Ang gusto ko lang malaman kung naalis na ng tuluyan yung tumor sa lungs ni Alfred.

Yun lang ang iniisip ko.

Hindi ako makausap ni Ian. Alam niya ang nangyayari. Hanggang makarating na kami sa Britannica theater. Ito ang pinakamalaking theater dito sa Pilipinas.

Hay...

 "Ate Antonette!!!" Si Miss Vanessa, escort niya si Adrian.

 "uh, hello.." sabi ko, wala ako sa mood makipagkulitan sa kanya eh.

 "Hmmm? Kaya ni Kuya Alfred yun Ate, he's a strong man. *determined eyes*"

Alam niya talaga lahat ng nangyayari... Oh, sana sister na lang talaga kita Miss Vanessa

Nayakap ko tuloy siya ng di sinasadya.

 "thank you Miss Vanessa.. Ahuhuhu"

 "oh, yung make-up mo...." pinunasan niya ng tissue yung ilalim ng mata ko.

 "Uh, tara na, may Red Carpet pa...." sabi ni Ian.

 "oh yeah *sniff*"

 "Ate Antonette, tabi tayo huh??"

 "sige..."

Ayun, rampa. Rumampa din si Miss Vanessa at Adrian. Siya kasi ang major producer ng VATF at yun nga, anak siya ng may-ari nun.

Ayun, nakaupo na kami.

setting..

Ian, Ako, Miss Vanessa, Adrian

Tinitignan pa rin ako ni Ian.

 "Ano ba?" naiilang na ako.

 "Sana, may magandang babae din na magiging concerned sa akin." aba't nambola pa.

My B.B.F.F. (My Best Boy Friend Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon