TEN
Can This Be Love?
"Oi Bakla! Ang aga mo ah? 9:30 pa lang!"
Bungad ni Mama sa baklang nag hohome-service sa amin.
Susubo na ako ng hotcake, nakaupo sa gilid ko yung dalawang aso, nanghihingi ng pagkain.
"wait lang guys." sabi ko sa kanila. Tapos tumayo ako at pinuntahan ko yung pagkain nila, sinundan pa nila ako.
Naalala ko bigla yung nagbatuhan kami dati ng pedigree ni Potchi. kami ni Alfred.
Ang saya namin noon.
Syempre, natulala nanaman ang lola niyo.
"Anak, lika na oh. Para maagang matapos."
"oo nga girl." sabi ni Bakla
A/N: Wala akong magandang maipangalan sa bakla ehh. haha v^_^v
"Okay, nandyan na."
Sinimulan na ang pagrebond sa aking buhok. Nilagyan na ng gamot yung buhok ko. Ilang oras na ang nakalipas.
Lumabas lang saglit si mama at namalengke. Pinepedicure ako ni Bakla.Eh wala kaming magawa, ayun, chikahan na lang.
"gurl..."
"oh?"
"nasan na yung guy na lagi mong kasama?"
"huh?"
"yung matangkad na gwapo."
"ah... si Alfred?"
"oo... yung boyfriend mo. Kamusta na siya? Cruch ko siya ee."
BOYFRIEND??? hahah
"Okay naman."
"talaga? pupunta ba siya dito??"
Shet...
"di ko alam eh."
"ah... ilang taon na kayo nun?"
"ahm mga 3 years na."
hehe, sinungaling ako.
"wow, sa three years na yun, may nangyari na sa inyo?"
"wala, kasal daw muna ang ghusto niya. Ginagalang niya ako at si mama."
SINUNGALING KA ANTONETTE!!!!!!
nangangarap na ako ng gising.
"invite nyo ako sa kasal niyo ha."
"oo naman. ikaw pa mag-aayos sa akin akin eh."
"sure."
hehe. kasal na ang usapan.
"Ahm, mahal mo talaga siya noh?"
"oo, mahal na mahal ko na siya."
"good luck sa inyo huh?"
Yung lovelife naman niya ang napag-usapan namin.
Hanggang sa magtanghalian.
Kamusta na kaya si Alfred? Ano kayang ginagawa nun?
Namimiss ko na talaga siya.
Sabay kaming gragraduate sa March. Tapos, pwede na, pwedeng-pwede na.
"anong gupit?"
"yung.... eto oh..." pinakita ko sa kanya.
"Ah. octopus. sige, gugupit natin yan. Aalagaan na natin ng treatment to ha?"
"Okay."
*gupit* *gupit*
tapos pinaplantsa na niya yung buhok ko.
Alas tres na ng hapon... malapit na tong matapos. Pagkatapos ng plantsa ay tinanong niya ako ulit.
"Anong cellophane?"
"red."
"As in?"
"oo... hahalo naman yun sa natural hair color ko, diba??"
"oo..."
"or... teka, black na lang pala.."
Sumingit si Mama.
"red."
"red daw sabi ni mama mo. Ano ka ba? Lalo kang puputi pag red."
"okay fine!"
Naghalo siya ng gamot. Tapos inilagay niya ulit sa buhok ko. And another 30 minutes nanaman.
Banlaw, plantsa, gupit. Tapos!
Si mama ang nagbayad.
"oh. eto may tip nang kasama huh. Thanks!"
"uy your welcome po. Babalik ako after 3 days. Para i check ulit yung buhok niya."
Basta, wala akong iniisip kundi si Alfred lang. mahal ko na nga siya. Pag nagkita kami, sasabihin ko na sa kanya. Or, pag nabanlawan ko na yung buhok ko.
Basta.
Magpapaligaw na ako sa kanya.
Yun ang sabi ni Mama.
Gabi na... kailangan ko nang matulog.
Pupuntahan ko siya sa bahay niya pag nabanlawan ko na tong buhok ko.
"Goodnight Rocky!!!"