Three. The Ball

119 1 0
                                    

THREE

The Ball

 "Hindi maganda yung ginawa mo, Alfred..."

Naririnig ko yung usapan sa labas. Sinesermonan ni mama si Alfred.

 "Tita kasi, magagalit siya pag-sinabi ko sa kanya na makikipag-inuman ako."

 "Eh mas lalo siyang nagalit sayo ngayon."

Tumahimik...

Nilapitan ako ni Rocky. Nakatingin siya sa akin, with "PLEADING EYES":

 "Rocky..."

tumahol siya, pero hindi yung masaya.

tahol lang.

Nakatingin siya sa akin. Si Rocky.

May usapan na ulit sa labas ng kwarto ko.

 "uh, sige po tita. pasensya na po ha, uuwi na po ako."

 "oh, sige mag-iingat ka ha.."

 "opo"

Kilala ko na ugali ng lalaking yun. Hindi siya magsosorry through text. Para sa kanya, insincere yon...

GOOD LUCK NA LANG SA EFFORT NIYA.

 "Rocky.."

Binuhat ko siya, mas lalo na siyang mabigat ngayon. Dinilaan niya yung kamay ko.

 "Rocky, hindi kasi maganda yung ginawa niya eh.. biba??"

tumahol ulit siya.

Yung nag-agree ganun.

 "sleep na tayo?"

bumaba siya sa kama ko tapos kinuha yung bola... tapos bumalik sa akin at binigay yun.

 "hmmm? Bukas na to, gabi na oh.."

tumahol ulit siya yung masaya na. Tapos umikot ulit sa kwarto ko at kinuha yung picture frame namin ni Alfred. Tapos lumapit at ibinigay sa akin.

 "anong gagawin ko dito? ililipat ko ng pwesto?"

kinuha niya yung bola sa kamay ko.

 "hmm? sasama siya sa atin?"

Tumahol siya nag-agree..

 "sige, tulog na tayo."

Umakyat siya sa kama ko, tapos humiga na din. Buti bagong ligo at bagong brush siya.

Kinabukasan, walang pasok. Ginising ako ng maaga ni Rocky. Bitbit niya yung bola tapos itinulak niya palapit sa akin yung cellphone ko tsaka yung picture ni Alfred.

20 missed calls.

Puro kay Alfred lahat.

Dinial ko ang number niya.

Nagring..

 "Hello?" boses niya malungkot

 "Kita tayo sa park."

 "talaga?"

 "laro daw kayo ni Rocky. Ihahatid ko lang siya sayo tapos alis na ako."

 "laa? sumama ka na, nandun ka na eh.."

 "alas nuwebe ah. Ayaw ko ng late."

 "teka, su-"

Binaba ko na ang phone. 8:30 na

 "Come on Rocky, Let's go."

Pumunta na kami sa park, maagang nandun si Alfred, nauna siya sa amin.

 "Oh, ayan yung bola. Wag mong kalimutang ihatid siya sa bahay mamayang ala-una. Lunch time niya yun. Kung wala ka namang balak na ibalik siya sa akin, bumili ka na lang ng pedigree formula 2. every other day ang ligo niya. Every five hours ang brush. Ilakad mo din siya para ma-exercise naman."

Ang Dami ko pang sasabihin eh.

Niyakap niya ako bigla.

 "Bes, sorry na oh.. Please?? Patawarin mo na ako bes. Hindi ko kayang galit ka sa akin bes... please. wag mo na ibalik sa akin si Rocky, iyo yan eh.. sayo niya gusto. Parang-awa mo na bes!!"

Hanggang napaluhod na siya.

 "Nakakhiya naman yang ginagaw mo."

 "sampalin mo pa ako para solve na."

 "hmmp!"

tinalikuran ko siya. Ang totoo natatawa ako sa gingawa niya, pero kailangang magpakipot.

 "Bes... patawarin mo ako please???"

Humarap ako ulit sa kanya. This time, tinabihan siya ni Rocky. Parang nagmamakaawa din siya na patawarin ko si Alfred.

 "hmmm."

 "Do it for Rocky, please?? Parang tao din si Rocky, naiintindihan niya ang mga pangyayari... bes, please?"

 "k, para kay Rocky" sabi ko.

 "Thank you bes! I love you!"

 "I love you din bes!"

 "mahal mo ako???"

 "oo... ever since naman, parang kapatid na ang turing ko sayo."

Nalungkot siya sa sinabi ko.

 "m-may nasabi ba akong mali Alfred?"

 "Ah, wala, wala.. tara, laro na tayo kasama si Rocky."

 "Okay, tara!"

bati na kami ni Alfred, hindi niya hilig ang mangako, pero gagawin niya yung dapat niyang gawin.

My B.B.F.F. (My Best Boy Friend Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon