Fifteen. Dog...Gone

71 0 0
                                    

FIFTEEN

Dog....Gone

 "mama, nawawala si Rocky.... T_T"

Ang aso ko, naglayas. Kalungkot oh?

 "nasaan??"

 "Di ko po makita mama eh. hinalughog ko na yung buong bahay, wala siya."

Anong gagawin ko?

 "Subukan mong habulin sa labas anak, baka mahabol mo pa."

 "opo."

Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Marunong na akong mag-drive ng kotse, kaya dadalhin ko na to.

 "mama, susi."

 "oh.. eto"

ibinato niya sa akin yung susi.

 "thanks..."

sumakay ako, pinaandar ko yung kotse.

Wala na nga si Alfred, pati ba naman si Rocky?

Ang ingay ng kotse, panay ang busina ko.

*POOT*

*POOT*

*POOT*

Tapos nakalabas yung ulo ko, habang nagdadrive.

 "ROOOCCCCKKKYYY!!!!"

 "hoy! itigil mo nga yan!"

 "ang ingay!!!"

 "Magpatulog ka naman!"

Pasensya kayo, nawal ang aso ko.

*RING*

Calling...

 Chris

 "Hello?"

 "Tonette."

 "anong problema mo? taena wrong timing ka!"

 "eh bakit ka galit???"

 "nawawala ang aso ko.ahuhuhu"

......

 "ah... may asong kumatok dito sa bahay. German Shepherd."

 "Anla? sure ka?? Baka niloloko mo lang ako huh?"

 "hindi. may collar pa nga. Rocky ang pangalan."

 "ASO KO YAN!"

 "takte! wag kang sumigaw! alam ko. kaya, halika na dito. sunduin mo na. malungkot eh."

 "oo, pupunta na ako dyan."

 "chill ka lang okay? wag kang mag-madali. nandito lang siya."

 "oo, salamat."

Nag-lielow ako sa pagdadrive.

Buti naman at nandun si Rocky. Naisama ko na siya dati sa bahay nila Chris. Umiiyak pa rin ako. Grabe, wala nang tigil ang luha ko.

Nag-aalala talaga ako sa kanya.

Hanggang sa nakarating na ako kila Chris. Pagbaba ko ng kotse, tumakbo ako agad at niyakap si Rocky. Mukha naman siyang masaya nung makita ako.

 "Alam mo bang nag-alala sayo si Mommy? Don't ever do it again, okay?" sabi ko kay Rocky. ni-lilick niya yung chin ko.

 "nagtatampo sayo yan." sabi ni Chris.

 "alam ko."

 "Ano bang nangyari??"

 "Sinagot ko na si Jay."

 "Baliw."

 "Bakit??"

 "Binilin ka sa akin ni Alfred. Sa amin."

 "pwede ba?"

 "Totoo yun An.."

 "Okay? Explain."

 "tara, pasok ka."

Isa din tong si Chris sa mga kababata ko. Ang bestfriend niya, si Jerry, nasa ibang bansa na din. Bali, sabay-sabay din kaming lumaki. Kilala ko na din ang pamilya niya. Pinaupo niya ako sa sofa.

 "oh? nassan si Tita?" tanong ko.

 "pauwi na galing SM."

 "oi, yung ieexplain mo?"

 "kasi, ganito yun Antonette. Nung araw na nagtapat sayo si Alfred, diba, galit ka sa kanya??" tanong niya, tumango ako.

 "inisip niya, masisira yung friendship nyo na nagsimula sixteen years ago. Iyon ang nasa isip niya. Nung araw na yun, tumawag siya kay tito Bert para padalhan siya ng pera pambili ng tiket papunta ng America. nagkagalit sila ni Tita Myrna nun. After two days, umalis na siya. Dun daw niya tatapusin ang fine arts. at saka....."

 "At saka ano?"

nag-bago yung mood niya.

 "hmmm. wala. uhm... Nakalimutan kong sabihin sayo An. hintayin mo daw siya. hanggang sa araw na humarap siya sayo at sabihin ng harapan na mahal kanya. An... Bakas sa mukha ni Alfred na nagsisisi siya sa desisyon niyang yun. nahuli ako ng sabi. Akala ko, hindi mo mamahalin si jay. mahal mo din pala siya."

 "hindi ko mahal si Jay"

 "eh bakit? baket??"

 "Di ko alam Chris, bahala na. Salamat nga pala. uuwi na kami ni Rocky."

 "hmmm... sige An, ingat ah."

Nalaman ko na ang totoo, kaya pala. nasa pinto na ako.

 "uhm, Chris..."

 "oi?"

 "wag mo muna sabihin kay Alfred yung tungkol sa nalaman mo. Alam kong may contact ka pa sa kanya. Wag mo sasabihin."

 " Ah? okay."

at umuwi na kami ni Rocky.....

My B.B.F.F. (My Best Boy Friend Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon