Two. Love Drunk

139 1 0
                                    

TWO

Love Drunk

 "good morning Rocky!'

Napaka-playful niya, ang cute niya talaga, inaaway pa niya yung shitzu ni mama...

 "dyoskong aso yan Anak, ang laki. mas malaki pa kay Potchi."

 "syempre ma, shitzu naman yung aso mo eh. Gatas at pedigree bigay nyo po sa kanya ha.."

 "oo.. ako na ang mag-aasikaso kay Rocky..."

 "Thank you ma, "

 "oy teka."

 "po?"

 "May gig kayo ngayon?"

 "ewan ko po, depende. Exam eh. Wala siguro."

 "pa sama ka kay Alfred ha.."

 "opo ma... Bye!"

At pumunta ako sa school.

 "anyare bes?"

 "ayun, hinahabol si Potchi"

 "hahaha"

Natahimik bigla si Alfred.

 "Absent daw prof natin." sabi ko.

Hindi pa rin siya sumasagot.

 "bes? okay ka lang ba?" tanong ko.

Hindi parin siya sumasagot. Ano kayang problema neto?

May lumapit sa aming classmate, si Kim.

 "Antonette,"

 "oy?"

 "May nagpapahingi ng number mo>"

 "ah? Sino?"

 "Si Jay, taga-banda nyo din..."

Ngapala, bagong salta lang ako sa banda na yun. Si Alfred ang nagsali sa akin dun.

 "Nasaan?" tinanong ko si Kim. Tahimik pa rin si Alfred.

 "Ayun oh. nakatingin sayo." tinuro ni Kim.

Kinawayan ko si Jay, infairness gwapo ah..

Tumayo bigla si Alfred tapos dire-diretsong lumabas ng classroom.

 "Hoy!" tinawag ko siya

 "anong problema nun?" tanong ni Kim.

 "ah, wait lang huh." sabi ko sa kanya.

 "Ok."

Hinabol ko si Alfred palabas ng classroom, syempre, hiningal ako.

 "uy bes!" hinawakan ko siya sa braso.

 "Bakit ba?" galit yata siya.

 "Anong problema mo? Kanina masaya tayong nag-uusap tapos bigla ka na lang nagkaganyan."

 "sumakit po yung tiyan ko ma'am" paliwanag niya, sabay hawak sa tiyan niya.

 "tara, bili tayo ng gamot mo tapos uwi ka na,"

 "hindi, uwi na tayo." hinablot niya yung kamay ko.

 "eh... may gig diba?"

 "cancelled."

 "eh yung exam?"

 "absent nga si Prof, diba??"

 "huh? anong meron?"

 "ewan ko... basta uwi na tayo. Di ko na kaya."

 "ah sige, sige lika na."

Nung makauwi kami sa bahay ay nagpahinga muna siay. Kahit sobrang sakit na ng tiyan niya, inuna niya pa rin akong ihatid sa bahay.

 "Ingat ka bes huh."

 "oo.. sige, babye!"

Lumipas ang isang oras. Nagtext siya na nakauwi na daw siya. Sabi ko, okay, magpahinga na siya. Pagkatapos nun, wala na, puro GM na lang ang natanggap ko, wala nang galing sa kanya.

Hawak ko ang puting electric guitar.

Sinilip ako ni nanay.

 "oh? kamusta na daw si Alfred?"

 "Hindi na po nagtext eh. Naktulog siguro."

 "Ah.. buti yun nagpapahing na siguro siya."

 "oo nga po ma,"

 "ikaw din, matulog ka na ha."

 "opo ma, goodnight."

Pinatay ko na ang ilaw, natutulog na si Rocky sa carpet. Ayaw niya siguro sa bed. Gusto niya yung medyo malamig ang higaan niya.

Di ko pa maramdaman ang antok.

 text..text...

 "Bes, msta nmn? pgling k huh? yaw q sumasama ang pkiramdam mu ii. ngaala2 2loy aq... :("

nagreply siya

 " :) "

yun lang...

Langya, nanlalambot siguro to kaya di makareply ng maayos.

KINABUKASAN......

Maaga akong nagpunta sa school.

 "oo, lasing si Alfred kagabi, mga alas diyes na kami umuwi," sabi ni Chris, isa pa sa mga kababata namin

 "oi Chris! umayos ka huh!" sabi ko, mahilig kasi mag-biro si Chris eh..

 " oh? Nandyan ka pala, Lasing kagabi si Alfred. Totoo yun, may pinaglalaban pa nga siya eh. hahah"

Syempre, nabadtrip ako.

Dumating si Alfred, nabadtrip din siya kay Chris.

 "oopss, sorry dre." sabi ni Chris sa kanya.

tumingin ako kay Alfred. Yung masama

 "Chris, ilang bote??"

 "tatlo, Red horse." sagot naman agad si Chris.

 "tsk.." walk out mode ako...

humabol siya.

 "bes!"

 "ano ba?"

 "bes, sorry di ako nagsabi."

 "ganyan naman eh! nag-alala ako sayo kagabi, di mo ba alam yun? Tapos nakikipa-inuman ka lang pala!!!"

 "bes.."

 "alam ko hindi mo ako girlfriend. Bestfriend mo lang ako, kaya nga wala akong karapatanalamin kung nasaan ka kase BESTFRIEND MO NGA LANG AKO!!!"

 "bes, hindi yun eh.." hinawakan niya yung kamay ko, pinipigilan niya ako.

 "HINDE!!! DYAN KA NA!!!!" tinabig ko yung kamay niya.

umalis ako, nagmamadali. Kung saan ako pupunta, wala na siyang paki-alam.

My B.B.F.F. (My Best Boy Friend Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon